Kabanata 5

118 5 0
                                    

Kabanata 5

Attraction

Ang liwanag sa isang silid ang nagpagising sa akin. My body feels so heavy and weak. And my head is throbbing like sh*t. Kahit nakapikit pa ako ramdam ko na hindi ako nag-iisa dahil sa mga galaw at konting ingay sa loob. Dumilat ako at bumangon agad nang naalala ang lahat ng nangyari. Napahawak pa ako sa aking ulo ng medyo kumirot ito. Kaya naman naramdaman ko rin ang bandage na nakabalot dito.

"Where am I? Anong nangyari?" tanong ko sa kung sinong naroon sa loob ng puting silid na kinaroroonan ko.

Inangat ko pa ang sarili. Agad namang may umalalay sa aking isang magaang kamay.

"Nasa hospital ka, Hillary. It's okay... You are fine now. You just need some rest..." a soft voice from a woman told me.

Nahanap ng aking mga mata ang maamo niyang mukha na halatang nag-aalala habang matamang nakatitig sa akin. I don't know her, but her assurance made me feel safe. She looks harmless, beautiful, and gentle, too. Sa tantiya ko, hindi nalalayo ang edad nito kay Dad.

Huminga ako ng malalim ngunit hindi na ako humigang muli.

Sa malayong paanan ng aking kama ay nakita ko si Rafhael na tipid na nakangiti sa akin na sinuklian ko naman ng isang tipid na ngiti rin. Katabi niya ang isang pamilyar na lalaki, who's wearing a plain white t-shirt and faded jeans. Halatang kakarating lang din nito, kasi bagong ligo pa. At mula sa kinaroroonan ko, nasasamyo ko pa ang mabangong amoy nito. Natural na natural.

Why is he here? Is he really my fiancé? Obviously, he is. Kasi kung hindi bakit naman 'yan dadalaw dito, diba?

Muntik pa nga akong mapasinghap ng magtagpo ang paningin naming dalawa. Damn those freaking eyes. I don't know why, but I really like it. Ang lalalim kasi nito at ang sarap titigan kahit na wala namang pinapakita ni kahit kaunting emosyon. Anyway, ngayon ko lang din narealized na mas gwapo pala siya sa malapitan. And those red and sexy lips... ang sarap sigurong humalik at mahalikan nito. Unconsciously, I bite my lower lip.

Napakurap ako. Damn you, Hillary Louisse! What are you thinking? Kailan ka pa naging manyak ha? And stop staring, you idiot! You are too obvious! Sita ko sa sarili. Lalo na nang mapansin ko ang bahagyang pagtaas ng isang kilay niya, and the corner of his mouth quirked up. He saw that! Oh my god! Nakaramdam ako ng kaunting hiya. Ramdam na ramdam ko rin ang unti unting pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

I'm blushing. What the fuck?

And I felt my heart skip a beat. It keeps on pounding inside my chest like hell, just like what happened at Lexi's. Is this for real? I'm so doomed. I hate the fact that I am obviously attracted to him. Damn you, Ashton Jettraie Alfonzo, for making me feel this way!

Note to self: I should stay away from this man. This is not good. It's not part of my goddamn plan.

Kinalma ko ang sarili at iniwas ko ang paningin kay Ashton. Mahirap na.

Nakita ko naman si Dad this time. The way he looked at me was a mixture of worry and anger. Nakahalukipkip siya't kausap ang isang, sa tingin ko'y doktor, si Tito Lucas, si Tita Athena, si Atticus, si Zach, and a man who looked like an old version of Ashton Jettraie Alfonzo sa may couch banda. Is that his father? Malamang magkamukha e. Mukha lang itong approachable tingnan compared sa anak na sa isang tingin pa lang halata mo nang may pagkasuplado.

My two cousins looked so worried. Habang si Tita Athena ay seryosong nakikipag-usap kina Mr. Alfonzo at Tito Lucas na nakaputing long sleeve na tinupi hanggang siko. Pati na rin doon sa doktor. Then I quickly changed the direction of my eyes toward Dad again. His gaze remains on me. Lumapit pa siya sa akin. Kinabahan ako bigla. Malamang papagalitan ako nito. Syempre, sinuway ko na naman ang bilin niya. Tumakas ako, and it didn't turn out well. At saan ako dinala ng katigasan ng ulo ko? I'm here in a boring hospital room wearing this freaking hospital gown.

Stuck With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon