Prologue

28 1 0
                                    

Kapalaran bang magtagpo at magmahal ng mas maaga sa inaasahan? Tadhana ba ang magdidikta sa kapalarang inyong ginagalawan? Kayo ba ang pipili kung susuko na o lalaban pa?

Lahat ng katanungan na nais masagot ng puso, kaya bang sagutin?

Lahat ba nang pangako ay mapapako na lamang ba talaga o sa wakas ay matutupad na?

Mga katanungan na gusto mong masagot. Ngunit hindi mo mahanap ang nais mong sagot.

199x

Mayroong dalawang batang naglalaro sa may dagat ng Samar. Sila ay kapwa masaya sa ginagawa nilang dalawa. Makikita sa mata nila na halatang gustong-gusto nila ang isa't isa. Nagtatakbuhan sila sa may buhangin habang may mga alon na papunta sakanila. Sabay silang tumatawa. Halata mong masaya sila sa piling ng isa't isa. Bata pa lamang sila, ay nagmamahalan na itong dalawang ito. Alam nating bata pa sila at hindi pa nila naiintindihan ang mga bagay-bagay pero sila ay nangako na.

"Ine, promise mo sakin ha? Paglaki natin papakasalan mo ako. Ako yung magiging asawa mo! " nakangiti na sabi ng isang batang babae sa batang lalaking kasama niya. Ngumiti ang lalaki at may ibinigay sa batang babae.

Ang batang babae ay may suot na flower crown sa ulo niya na mas nagpaganda sakanya. Habang ang batang lalake naman ay mayroong maliit na bulaklak sa may bulsa ng kaniyang damit.

Ang ibinigay ng batang lalaki sa babae ay isang singsing na gawa sa santan na ginawa pa niya para lamang sa batang babae.

"Sha, pasensya ka na at yan lang kaya ko ngayon. Hindi kita mabibigyan ng singsing kasi bata pa tayo. Pero paglaki natin araw araw kitang bibigyan ng mga magagandang bagay. " sabi ng batang lalaki na may ngiti sa kaniyang mga mata sinuot niya sa daliri ng batang babae yung ginawa niyang sing sing galing sa santan. Hinalikan niya ang batang babae sa noo nito. Na nagpakilig naman sa batang babae at niyakap siya nito. 

May ibang mga batang naglalaro kasama nila ngunit silang dalawa ay may sariling mundo. Akala mo sila lang ang tao sa mundong ito. Wala silang pakialam sa iba, basta alam nilang dalawa na masaya sila sa piling ng isa't isa. 

Bata pa lamang ay makikita mo na talaga ang pagmamahal nila para sa isa't isa. Parehas silang maamo ang mukha. Ang batang babae ay may halong Australian habang ang batang lalaki naman ay may halong American. Kaya naman makikita mo talaga sa mga itsura nila na kakaiba sila sa ibang mga batang kasama nila. 





Chasing After YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt