A/N: Oo na, guys! Alam kong ayaw niyo na sa akin. Hindi kasi ako nag-uupdate. Sorry na huhu mahal ko naman kayo eh. 😢
"You may forget your childhood but your childhood will never forget you"
199x
"Sha, hala na gad. Makaon na kit. (Sha, tara na. Kakain na tayo.)" sabi nang mama ng batang babae sakanya. Tumayo agad ang batang babae at tinignan ang batang lalaki na ngayon ay lumungkot ang mga mata.
"Utoy Ine, mauna na muna kami ha? " sabi nang nanay ng batang babae sa batang lalaking kalaro nito. Noong papaalis na ang nanay at ang batang babae ay may binulong ang bata sa kaniyang ina.
Luminga naman palikod ang ina nang bata at sumang ayon sa gusto nito.
"Utoy, gusto mo ba sumama sa amin? Kakaon la ha aming balay (Batang lalaki, gusto mo ba sumama sa amin? kakain lang sa may bahay)" paliwanag nang nanay sa batang lalaki na ngayon ay sobrang saya. Nilapag na ng batang lalaki ang hawak hawak niyang buhangin at agad na tumakbo sa kinagawian ng mag ina.
Ang batang babae naman ay masayang nakatitig sakanya. Naghawakan sila nang kamay at sabay na tumakbo papunta sa bahay ng batang babae.
Matagal na magkakilala ang pamilya nang batang lalaki at batang babae.
Pagkarating na pagkarating nila sa bahay ng batang babae ay hindi pa din talaga nagsasawa ang batang lalaki sa kakatingin sa paligid. Makikita mong hindi pangkaraniwan ang bahay ng batang babae sapagkat ang bahay nito ay ang pinakamalaking bahay na patatagpuan mo sa Probinsyang ito. Ang tatay ng batang babae ay ang Mayor ng sitio. Hindi pa din sanay ang batang lalaki sa laki ng lugar. Naglakad lakad ang batabg lalaki at batang babae sa hardin ng masaya at naghabul habulan hanggang sa mapagod sila.
Sha 😍
Ine 😍
YOU ARE READING
Chasing After You
RomanceCan love be found at a very young age? Bata pa lamang sila, nangako na sila sa isa't isa na sila ang itinadhana. Magpapakasal sila sa tamang panahon. Childhood sweethearts na ipinaglayo ng tadhana. Pagkaraan ba ng ilang taon, ganoon pa din kaya an...