Chapter : 4

58 10 0
                                    

Ilang oras na akong naghihintay kay Linda pero hindi parin sya dumadating .Saan na yun?Wag mong sabihin na.....

"Uy Gondol ,anong ginagawa mo dito ha?Umalis ka dito ,baka mabahidan pa ng kapangitan mo tong Clinic"sigaw ng isa sa mga Nurse

Pati ba naman Nurse nilalait ako? Lumapit ang nurse sakin at kinaladkad ako palabas .Muntikan pa akong makahalik sa lupa dahil sa kagagawan nya .Tumayo nalang ako at yumuko habang naglalakad .

Habang naglalakad ,busying busy ang mga estudyante .Ang iba ay naggupitgupit ng mga korteng puso .Ano bang araw ngayon?

Uy,araw ng mga puso bukas .

Sabi ng isang lugar sa utak ko .Aba ,February 14 pala bukas?How sad-....Happy ako ngayon.Happy .Pero para sa mga bitter ngayon ,nagsisindi sila ng mga kandila at nagsusuot ng mga bestidang itim .Hayst ,mga bitter nga talaga .

Nako naman ang boring naman dito ako lang yong walang kasamang date.

Tanaw na tanaw ko ang ibang lalaki na may mga kasamang magagandang babae na gusto nilang makasama.

Naglakad-lakad na ako ng mahagilap ng mga mata ko si Linda na may kasamang gwapong lalaki at it sucks my heart over and over again.

Ang mga paa ko ay parang tinutulak ng puso ko na lapitan siya but tong isip ko  nagdadalawang isip na baka may isang bagay na mararamdaman ko ang sakit,sakit na ayaw kong paulit-ulit maramdaman.

Natatakot ako na baka pag lumapit ako sa kanila masasaktan ang katawan ko at pati na rin ang puso ko. Pero nangibabaw parin ang pag asa sa aking puso na baka darating ang panahon na magkakagusto si Linda sa akin.

Hindi ko namalayan na humahakbang na ang mga paa ko papunta sa kanila. Agad naman silang napalingon sa deriksyon ko.

"Oy! Gondol ayos kana?"what? Tama ba ang narinig ko? Concern sya sa akin. Yoho! Concern si Linda sa akin. Jesus name. Baka- baka may gusto na sya sa akin.

"Hoy Gondol tokmol anong nangyari sayo? Bat ngumingiti ka mag isa dyan?"tanong sa akin nung kasama nyang lalaki.

Tsk. Panira ng moment. Ang saya ko tapos sisirain lamg nya. Bahala ng basta ang importante concern si Linda sa akin. Yehey! Ang saya ko. Matakot ka nang lalaki ka dahil mapapasa akin na si Linda.

"Wala naman"sagot ko sa lalaking kasama nya at tumingin uli kay Linda my love. "Tyaka wag ka ng mag alala sa akin Linda ayos lang ako" nginitian ko sya at sabay ayos sa aking buhok. Dapat ayusin ko ang buhok ko dahil baka nagulo na pala tapos ang pangit ko na tignan. Baka ma discourage  si Linda sa akin. Hindi pwede ma turn off sya sa akin kaya dapat lalo pa akong mag ayos at maging presentable sa harapan nya para magwa-gwapuhan na sya sa akin.

Tama araw ng mga puso na bukas tapos wala pa akong ka date. Dapat may ka date ako. Tama! Si Linda baka wala pa syang date bukas. Dapat ako ang maging date nya dahil ako lang ang bagay at karapatdapat sa kanya. Walang iba kundi ako lang kahit sinong lalaki hindi pwede dahil akin lang sya. Akin lang wala ng iba.

"Oh gondol bat ka pinagpapawisan?"
mahinahong tanong ni Linda sa akin. Shit! Pinagpapawisan na pala ako. Kasi naman nahihiya akong yayain si Linda. Kaya pinagpapawisan na ako. Kinakabaham na nga ako baka magalit lang sya sa akin.

Pero sabi nga nila pagmahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo para hindi ma agaw ng iba. Huminga  muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Uhm. Ahhh, kasi- Linda-"shit bakit hindi ko masabi. Mag yaya lang akong maging ka date sya bukas pero ganito na ako kabahan. Pano pa kaya kung liligawan ko na sya baka pati pagbigay ko ng bulaklak at tsokolate sa kanya di ko magawa. Kaya dapat lakasan ko ang loob ko para sa kinabukasan namin ni Linda at para sa kinabukasan ng lahi namin.

"Gondol anong kailangan mo? Sabihin mo na nagmamadali ko. Bwesit ka naman"sigaw sa akin noong kasama nyang lalaki pero laking bigla ko ay hinampas ni Linda ang kanyang braso para awatin. Tama ba ang nakikita ko? Pinagtanggol ako ni Linda? My god. Pinagtanggol nya ako. Tama nga ang hinala ko may gusto na si Linda sa akin. Yes! Pwede na akong mamatay mamaya. Ay hindi pwede pala kailangan ko pang mapangasawa si Linda at dapat sya ang magiging ina sa mga anak ko.

Ang dami ko ng plano para sa kinabukasan namin ni Linda. Dapat mag papakasal kami sa isang sikat at malaking simbahan. Mag hohoney moon kami sa Paris sa isang mamahaling hotel para komportable kami. Tapos dapat mayroon akong anim na anak o di kaya'y pito o walo. Hindi naman masyadong marami yun kayang kaya namin yun.

"Ah May sasabihin ka ba?"nabalik ako sa realidad dahil biglang nagsalita si My FUTURE WIFE kaya napatingin ako sa kanya.

"Ahh Linda my love- este Linda may date ka na ba bukas?"yes sa wakas nasabi ko na rin.

"Bakit naman may balak kang gawing ka date si Linda bukas?"singit noong lalaking mukhang drug user. Mas gwapo pa nga ako sa kanya. Ang lamang lang nya sa kin ay matangos ang kanyang ilong- sa kin hindi, kissable  lips-akin hindi, makinis ang mukha-akin roughrode, makapal ang kilay- sa kin mas makapal pa , macho - ako sexy lang.  O diba mas gwapo pa ako sa kanya? Akala mo kung sinong maka asta tong lalaking to mas gwapo at matalino pa ako sa kanya. Hindi man sa pagmamayabang nagsasabi lang ako ng totoo na mas gwapo at sexy pa ako sa kanya. Kaya matutu syang gumalang sa mas gwapo sa kanya.

"Linda pwede ba kitang magind date ko bukas?"tanong ko  sa kanya. Pinagtawanan lang ako ng lalaking tukmol. Bahala sya. Pero hindi ko inaasahan ang sinagot ni Linda sa akin. Parang nawalan ng lakas ang tuhod ko at parang tutulo na ang aking luha.

"Ok! Tyaka pwede mo ba itong gawin para sa akin?"hindi nga ako nagkamali. Pumayag sya. Pumayag syang maging ka date ko bukas. Na iiyak na ako dahil sa saya nakakabading man pero bahala na. Basta gwapo ako at pumayag si Linda.

Pero bago pa man sya tuluyang umalis may binigay sya sa akin na isang cartolina at libro. Kaya dali dali ko itong kinuha dahil baka magbago ang isip nya. Dahil pagkakataon ko na to, ang pagkain na ang lumapit sa akin dapat sungaban ko na. Alam ko kung para saan ang binigay nya sa akin. Ako ang gagawa ng project nya.

Bahala na basta akin si Linda bukas. Kaya kailangan kong bumili ng bagong perfume, toothbrush dahil luma na ang toothbrush ko baka maamoy ni Linda ang hininga ko at baka HAHALIKAN NYA AKO BUKAS, kailangan ko ring bumili ng bagong damit at sapatos para ako ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki bukas.

Yehey! Ang saya pala ng Valentines ko ngayon taon. I will never ever forget this day.

EXCITED NA AKO!!!!!!!!!






Collaborated

The Ugly's First HeartbreakWhere stories live. Discover now