Chapter:12

64 2 3
                                    

Gondol's Pov

Nandito ako sa mall ngayon. Iwan ko ba anong ginagawa ko rito.

Hindi kasi mawala sa isip ko si Venice kanina. Nung umiiyak sya parang ako yung nasasaktan na- iwan.

Gusto ko syang pasayahin ulit. Gusto kong gumuhit ulit sa mga labi nya ang ngiti. Ngiti na syang dahilan kong bakit nakakaramdam din ako ng saya.

Ano ba tong nangyayari sa kin. Bakit ko ba to nararamdaman kay Venice eh hindi naman sya ang mahal ko kundi si Linda.Tyaka sandali lang naman kaming magkakakilala. Ano yun love at first meet? Putek .

Sa lalim ng pag iisip ko hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko dito sa harap ng maraming stuff toy.

Anong ginagawa ko dito? Hindi naman ako mahilig sa mga stuff toy. Hindi din naman bagay sa kin. Magmumukha lang akong bata tsaka hindi naman ako jejemon .

Kaya tumalikod na ako palabas. Pero bago pa ako makaalis may biglang pumasok sa isip ko. Kaya dali dali akong bumalik sa loob.

Venice's Pov

"Si Gondol ba iyon?"ulit kong tanong sa sarili.

"Did I heard Gondol from you?" agad akong napatingin sa taong nagsalita at nakita ko si Linda.

Oh my nakilimutan kong kasama ko pala sya.Bigla akong kinabahan. Baka kasi mahalata nyang may gusto ako kay Gondol.Mahirap na at mas lalo pa nyang saktan ang bae ko .

"Hindi no ,sinong Gondol?May sinabi ba akong Gondol? Wala! Wala!"sabi ko tsaka nagsimula na akong maglakad .Lord! Kinabahan ako noon ah !Ayaw ko kasing malaman nya na may gusto ako sa lalaking pinandidirihan nya.Tsk.

"Ok! Wag kang masyadong defensive, nagtatanong lang" kibit balikat nyang sabi .

"Hindi ako defensive no .Sadyang  ayaw ko lang sinasabihan ng mga ganyang bagay, baka isipin mo pa na may gusto ako kay gondol."

'Totoo naman ah na may gusto ka sa kanya' sabi ng isang bahagi sa isip ko. Tse , tumahimik ka !

"Oo na .Oo na. Alam ko namang hindi ka mag kakagusto sa mga pangit na kagaya nya. I know na hindi ka magkakagusto sa mga low profile peoples .Like nakakaeww lang .Am I right?"

Tumango nalang ako at nginitian sya ng pilit. Hindi ako kagaya sayo Linda kaya wag mo kong gayahin sayo .  I don't mind their physical appearance, nagkakagusto ako sa isang tao dahil mabait sya, mapag-alaga .

Pagkatapos noon nagpasya nalang kami na umuwi na.

Ilang oras ding nakalipas nakarating na rin ka mi sa bahay. Hindi na pumasok si Linda sa loob dahil tumawag si Red sa kanya at nagmamadaling umalis.

Alam ko namang patay na patay yan si Linda kay Red kahit ano yatang gusto ni Red gagawin nya.Tsk.

Magpinsan nga talaga kaming dalawa. Parehong nagpapakatanga at nagpapakamartir sa mga lalaki. Putcha!

*******

Maagang akong pumasok ngayon. Kahit wasak na ang aking puso tuloy parin ang buhay.

Hindi naman ata ako mamamatay kung mawawala sya sakin.

'Oo hindi ka mamamatay, pero yang puso mo mamamatay sa sobrang sakit' sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Argh! Oo na alam ko naman yun eh. Kailangan pa talagang sabihin.

Kaya simula sa araw na ito iiwasan ko na sya. Hindi ko na sya kakausapin. Hindi na ako magpapakamartir, magpapakatanga at magpapakabobo sa kanya. Hindi ko na sya hahabolin at higit sa lahat kakalimutan ko na sya.

"Vennice" nanigas ako sa kinatatayuan ko nong marinig ko ang boses na iyon.

Kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na yun. Walang iba kundi si Gondol.

"Vennice"

Wag kang lilingon Venice. Wag kang lilingon. Kakasabi mo lang na kakalimutan mo na sya.

Maawa ka naman sa sarili mo wag kang masyadong mag pakamartir, masasaktan ka lang.

Tuloy lang ako sa paglalakad. Nagpapanggap na parang walang naririnig.

Lakad lang Vennnice. Lakad lang. Isipin mo lang na wala kang narinig.

Binilisan ko pa sa paglalakad. Ilang sandali pa ay wala na akong narinig na may tumawag sakin. Pero laking bigla ko ng may biglang humablotbsa kamay ko at napaharap ako sa kanya at nagtama ang aming mata.

Akala ko hindi nya na ako hinabol. Wag kang magpapa apekto sa kanya Vennice. Dapat kalimutan mo na sya para hindi ka na masaktan.

"Anong bang kailangan mo?"malamig kong tanong sa kanya.

"Ah kasi-"hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at agad ko itong pinutol.

"Pwede ba Gondsiel kung wala ka ng iba sasabihin aalis nalang ako, may kailangan pa kasi akong asikasuhin" sabi ko sabay talikod pero bago pa ako makaalis hinigit na naman nya ako pabalik.

"Vennice gusto ko lang sanang ibigay ito sayo" sabi nya sabat abot sakin ng teddybear na human size.

"Gusto ko lang sanang makita nakangiti ka ulit. Sana wag ka ng umiyak dahil nalulungkot rin ako" dagdag pa nya at iniwan nya akong tulala habang hawak hawak ang human size na teddy bear.

Dug dug dug..

Am I dreaming? Ganito ko ba talaga sya kamahal? Na sa isang iglap mawawala lahat ang galit ko. Sa isang iglap mababago nya ang plano ko na iiwasan sya.

Traydor ka talaga heart. Trydor ka. Kakasabi ko lang na kakalimutan na natin sya pero tumibok ka na naman. You're a traitor my heart. You're a traitor.


♡Collaborated

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ugly's First HeartbreakWhere stories live. Discover now