Chapter : 5

52 6 0
                                    


Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Kahit anong paki usap ko sa mata ko na pumikit na mumulat at mumulat parin sya. Mag aalas 11 na pero gising pa ako. Dapat maaga akong matulog ngayon para fresh na fresh at gwapong gwapo ako bukas.Di ba ?Para naman mainlove na sakin si Linda ,sayang yung mga plano kong ginawa para sa future .

Natapos ko na rin yung pinagawang project sa akin ni Linda. Mukhang ibibigay ko na sakanya ito bukas .Tapos yayain ko na syang ka-date ko .Yiee.Madali lang naman its  a piece of cake. Nakabili narin ako ng bagong toothbrush, damit , sapatos. Kaya handang handa na ako bukas.

Ang kulang nalang gising pa ako. Kasi si mata hindi pa matutulog. Dapat matulog na ako ngayon dahil baka pagkagising ko bukas may tutubo na namang pimples sa mukha ko. NO! Hindi pwede dapat ako ang pinakagwapo sa school bukas.

Kaya pumikit na ako hanggang sa tuluyan na akong tangayin ng antok.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkaggising ko ngayon ko lang napagtanto na may nakalimutan pala ako. Nakalimutan kong bumili ng bulaklak. Letse! Bakit ngayon ko lang naalala?Nagkandala-letse ba ako .Kaya pinatawag ko na si Junifer para sya na ang bumili ng bulaklak. Si Junifer ang butler ko.

"Yes master what can I do for you?"tanong nya sa akin pagdating nya.Nag-bow muna sya .Sya si Butler Junifer ,ang favorite kong butler .Magaling sya at magalang .

"Bumili ka ng bulaklak yung mahal at maganda dahil may date ako mamaya"deritso kong sabi ko sa kanya.

"Masusunod po master"sagot nya at lalabas na sana sya ng tinawag ko sya ulit.

"Junifer wait!"

"Sir? May kailangan pa po ba kayo?"

"Wala naman. Salamat"sabi ko sabay ngiti at nag thums up lang sya at nag bow.

Pumunta agad ako sa banyo para maligo. I want to be the beautiful guy in this day .Kaya dapat talaga akong magpapogi .I brushed my teeth tapos naglagay ako ng wax sa buhok ,and then I looked at the mirror .Hmmm,okay na okay na .Napangiti ako sa sarili ko tapos lumabas na ng CR .

And then I wear my favorite tuxedo .And to tell you frankly ,I have 8 pack abs because I own a gy-Nevermind .

Kinuha ko ang pabango ko at niligo ko sa buong katawan ko. Inayos ko ulit ang buhok ko. Yes! Ang gwapo ko.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko baka si butler na to. Kaya dali dali kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang maganda at mabangong bulaklak.

Ohhhh! Ang ganda. Sigurado akong magugustuhan to ni Linda  at ma ininlove na sya sakin. Hehehhehe kinikilig na ako pag naiisip kong inlove na si Linda sa akin.

"Master ito ba pong bulaklak ang inutos nyo sakin"sabi nya at kinuha ko naman ito kaagad. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ko sinarhan ang pinto at umalis na rin sya.

Pagkatapos kong magbihis ay agad ako kumain ng agahan. Saka nag-pahatid na papuntang school.

Pagkababa ko, sumalubong kaagad sakin ang napaka-bonggang dekorasyon. Napatingin-tingin naman ako sa paligid sakaling makita ko si Linda my loves ko.

Asan na kaya sya? Hayss, excited na ako makita syang naka-dress na kulay pula tas yung naka-make up. Hehehe.

"Teka pare! Diba si Tokmol Gondol yan?"

"Aba pare! Gumwapo sya ngayon ah?"

"Oo nga pare! Ang gwapo.Ang gwapo ng mga alaga nyang tigyawat! Ahaha!"

Napalingon ako dun sa dalawang lalakeng ako ata yung tinitignan ng masama.

Hanggang dito ba naman pinagtatawanan pa rin ako ng mga taong 'to.

Kung alam nyo lang ang tunay kong pagkatao , nasisiguro kong luluhod kayo sa harapan ko.

Bakit ko ba naman sila papatulan kung 'di naman sila ang sadya ko rito.

Oy ayun na pala si Linda kasama ng mga kaibigan niya.

Nandito kami ngayon sa venue kung saan  gaganapin ang aming Valentines Party.

Isa itong gymnasium na pag-aari ko.

Oo , ako lang ang nakakaalam at ang pamilya ko. Sa totoo lang hindi naman talaga sa akin nakapangalan ang gym na 'to dahil ayokong marami ang makakaalam , sa pinsan ko 'to pinangalan. Siya si Denver Dussels , magkapatid ang mga ama namin at katrabaho sa company at katulad ko, ayaw na ayaw din ni Denver ang negosyo. Boring kasi.

Sa lahat ng mga pinsan ko siya ang pinakamalapit sa akin.

"Hey Gondol ! Gumwapo ka yata ah!" 

Nandito ka ba talaga para purihin ako Red ? O para pagtripan lang ako? Kasi kung ganoon umalis ka nalang.

Umiling nalang ako bilang sagot. Wala naman akong mapapala sa taong 'to.

Uy ayun si Linda...

Woahhh....p-palapit s-siya sa a-akin...

Maygaddd--- a-ang puso. Ang lakas ng tibok.

Anong nangyayari sa akin?

Anong gagawin ko ? Kakawayan ko ba siya?

Baka sobrang papansin na ako kung gagawin ko 'yon.

Tatawagin ko nalang siya. Tama.

"L-linda! Nandito a~~~"

"I'm so sorry Red I'm late baby" 

A-ano 'to?

Baby?

Magkasintahan ba sila?

Nilapasan lang ako ni Linda mga kaibigan. At lumapit siya kay Red at hinalikan talaga niya sa cheeks.

Parang gumuho ang mundo ko.

"Ow Gondseil nandito ka pala"

O my Linda ! Hindi mo na ba ako napapansin ngayon?

"Ah oo ka-kanina pa a-ako rito"  nauutal ako pagkaharap ko siya.

Ohh Linda.

"Uy ganda ng bulaklak ah " puri ni Red sabay haplos sa bulaklak.

"Sinong bibigyan mo?"

Si Linda sana.

"Si Li~ si ano si V-venice "

Tama si Vennice nalang ang bibigyan ko nito tutal pareha naman kami NERD.

"Ah aalis muna ako. Diyan na kayo" 

At umalis na ako at pumunta sa comfort room. Dito muna ako baka kasi pag nandoon ako baka masuntok ko si Red.

Huh? May babaeng umiiyak sa isang cubicle. Multo? Ako pa naman mag-isa rito. Nako! Bakit sya umiiyak dapat ako nga ang umiyak ngayon kasi ako ang heartbroken.Huhuhu.

IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII

Ayan sino kaya ang nasa cubicle ? Totoo kayang may multo?

Malalaman natin 'yan sa susunod na kabanata ! Choss.

The Ugly's First HeartbreakWhere stories live. Discover now