Chapter: 10

46 4 0
                                    

Gondol's Pov:

Ano ba yan! Palagi akong natatalo. Paano? Palaging kinakain ng Zombie yong mga plants, plus ang kulit nitong katabi ko. Kita nga niyang busy ako sa paglalaro ng cellphone ko kukulitin niya pa ako.

"Sigeh na Gondol, bumili ka nong Fishball oh!Mukhang masarap yon"- panglabing lima na yang sabi niya. Nakakasawa. Kagaya ng pagmamahal ko kay Ano-basta. Psh.

"Ano ba!Wag ka ngang makulit kita mong may ginagawa ako!"

"Tsk!Talagang di mo ako bibilhan ha!Pwes! Wah! Ang boyfriend ko pong pangit hindi ako bibilhan ng Fishball. Ilang araw na akong walang kain. Marami na talagang lalaking hindi gentlemen!" Malakas na sigaw nitong katabi ko.

Bigla naman lumingon sa amin yong dumadaan at ang sama-sama ng titig nila sa akin. Parang pinapatay ako. So? Ako pa ang masama ngayon. May pa-boyfriend boyfriend pa siyang nalalaman eh di ko nga kilala ang pangit na nerd na toh.

Yucks!Pangit na nga, ang sama pa ng ugali.

Naku!Girl hiwalayan mo na yan. Mukhang gugutumin ka lang. Tyaka hindi naman yan kawalan

Oo nga! Pangit na Kuripot pah! TSK.

Anong pinag-sasabi nitong mga putanginang tao na ito. Ako pa talaga ang masama. Naku! Lumingon ako doon sa babaeng pangit na katabi ko at ngumisi siya sa akin.

"Ano? Ililibre mo na ba ako O mag-dadrama ulit ako ng bonggang-bongga"- ang kulit talaga ng babaeng ito.

"Tayo! Ililibre na kita pero dapat hindi mo na ako kukulitin at dapat hindi ko na makikita yang pagmumukha mo!"-saka ko siya hinala kay Manong na nagtitinda ng Fishball.

"Wah! Mukhang masarap toh ah! Manong dalawang fishball, at tatlong kikiam."

Andami namang request ng babaeng ito.

"Magkano lahat manong?" Tanong ko.

"Bente lahat Hijo, naku ang sweet niyong magjowa!" Pahabol na sabi ni manong at binigay rito sa babaeng ito ang binili niya.

"Naku!hindi ko po Girlfriend yan Manong! Batang nasa lansangan yan galing at nagmamagandang loob lang ako!"

Depensa ko.

"Ang shama mo na-man!"-sabi nya habang nasa bibig niya pa ang kikiam. Tsk.

"Alis na ako! Binilhan na kita ng pagkain. Kaya please wag mo na ako kulitin!"- saka ako naglakad pabalik sa kotse ko

"VENICE ANG PANGALAN KO MR. THYRO. NICE TO MEET YOU!"- sigaw niya

Tsk. Ang Kulit talaga. Hindi ko naman tinanong yong pangalan niya. So? Tika Venice? Parang familiar. Tama! Sya yung babae na anak ni Mr. Villa , yung kaibigan ni Daddy. Shit!si Venice Villa ang babaeng mataray, spoiled at maarte pero maganda. Yung kacolab namin sa company. Potek!

Venice's Pov:

Parang nasa cloudnine akong umuwi sa bahay. Kyah! Nilibre ako ng Bebe ko. Plus hinawakan niya ang kamay ko, pulsohan pala. Kyah!Mababaliw na talaga ako promise!Tapos nung hinawakan nya Yung braso para akong nakuryente!Kyahh!

"Señorita! Mukhang masaya po kayo ha?"- Naku ito nanaman ang tsismosang Maid namin.

"Eh! Nilibre kasi ako ng crush ko slash Pabebe ko, Kyah!!!!!!!!"- sigaw ko habang tumatalon sa sobrang KILIG. Mababaliw na talaga ako.

"Wow! Talaga Señorita, congrats po!"

"Ah, nga pala Manang ano po magandang regalo sa lalaki?

"Pagkain po Señorita o di kaya Letters! Para saan po Señorita?"- tsismosa talaga

The Ugly's First HeartbreakOn viuen les histories. Descobreix ara