Chapter 4

274 9 16
                                    

Minatozaki Sana's PoV

I'm just busy signing to my paper works here in my hospital office. When someone entered.

"Doc, ito na po yung pinapakuha niyong test results ni Ms. Kim." sabi ng isang nurse dito.

Napaangat agad ako ng tingin at kinuha ito.

"Sige salamat." tipid kong sagot.

Hindi ako nagdalawang isip na buksan at basahin ito.

Kadalasan kapag may pasyente ako hindi naman ako ganito ka-atat pero kapag kay Dahyun all I want to start the process of therapy.

Hindi ko alam pero sa lahat ng pasyente ko sa kanya lang ako nakakaramdam ng emosyon.

It feels like I want to take care of her not as a doctor but as a someone special to her. Kapal ng mukha no? Haha.

Near into stages narin pala ang brain tumor niya.

I just checked her eyes using ophthalmoscope and I saw how her eyes reacted to the light.

Nalaman ko din na madalas siyang magkaroon ng confusion at memory lost.

This is the usual symptoms of a brain tumor. So I decided na ipa-CT Scan siya, to see how big the tumor is.

May problem narin siya about sa breaking down dead neuron causes of her short memory lost.

Her glial cells are not functioning into normal. She has gliomas tumor it's an aggressive type of tumor so it's really hard to make her survive in this sickness.

I'm worried not just for me but also for her coz' all I want is to make her alive longer.

Yeah the results are here. And the size of the tumor can undergo into the operation to remove it.

At dahil complicated ang ganitong operasyon kailangan niya munang mag undergo into chemo therapy. But chemo therapy can break down her body.

Alam ko masakit na ang ulo niyo sa mga pinagsasasabi ko. Pero padaliin natin, kailangan muna niyang magtherapy bago tuluyang operahan.

Tumayo ako dahil sa pangangalay kakaupo. It's already 7pm pero di pa ko umuuwi.

Actually dalawang gabi na kong di umuuwi at nananatili nalang muna dito sa ospital.

Minsan nga once a week lang ako umuwi sa bahay. Nasanay lang talaga akong nakastay lagi sa ospital.

Lumabas ako sa may garden ng ospital para lumanghap ng sariwang hangin, nagpupunta ako lagi dito kapag gabi at di ako umuuwi.

Madalas ako lang mag isa ang nagpupunta dun pero may naabutan akong isang tao dun.

"Gabi na bat asa labas ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Kase nakakainip dun, I just wanna watch the stars right now. Atleast sa simpleng bagay na 'to malaya kong gawin ang gusto ko." sagot niya.

"Dahyun, would you mind to be with me while watching the stars in the sky?" I asked out of the blue.

"I don't mind. But I have this feeling that watching those stars with you makes me feel safe." seryosong tugon niya.

Umupo ako sa bench na kinauupuan niya. Tinanggal ko ang jacket na suot ko at isinuot sa kanya.

"Manipis na nga yang hospital gown mo hindi ka pa nagjacket. Malamig kaya." sabi ko sa kanya.

"Thank you dito. Life saver ka rin eh no? Bukod sa doctor kita, feeling ko pinoprotektahan mo ko." sabi niya.

"Ganun naman talaga diba? Kapag kaibigan mo yung tao, kapag alam mong kailangan niya ibibigay mo." sabi ko agad.

"Bakit nga pala hindi kapa umuuwi?" tanong niya bigla.

"2 days na kong di umuuwi sa bahay naming magkakaibigan. Nakasanayan ko kasing manatili dito sa ospital ng magdamag at bihira lang din akong umuwi." sagot ko.

"Umuwi kana ngayon. Buti nasa iisang bahay kayo ng mga kaibigan mo?" she asked.

"Wag muna. Bukas nalang ng umaga. Binili namin yun, for about 2 or 3 years ago. Habang wala pa kaming kanya kanyang pamilya nagdecide kami na magkakasama nalang muna sa iisang bahay." sagot ko at nginitian siya

"Lakas makafriendship goals ah." she stated.

"Bakit ikaw ba? Wala kayong sariling bahay na magkakaibigan?" tanong ko.

"2 years palang akong nagwowork kaya apartments palang ang naipundar namin. Balak din naming magpatayo ng bahay kaya lang nangyare sa akin 'to." malungkot na saad niya, nakita kong gumuhit sa mga mata niya ang panghihinayang.

"After this, kapag magaling kana edi magpatayo na kayo." nakangiting sabi ko.

"Hindi rin naman natin masasabi kase napaghandaan ko na, na hindi na ko magtatagal." saad niya na ikinakunot ng noo ko.

"Don't say that. Believe na gagaling ka, magpagaling ka para sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sayo." pagpapalakas ko ng loob niya.

"Mahirap umasa, masakit yun kase si Appa noon namatay siya with the same sickness na meron ako pero wala eh namatay lang din siya." nawawalan na nga talaga siya ng pag asa.

As if papayag akong maniwala siy sa bagay na may negatibo.

"Cheer up. Andito ako, kasama mo kong lalaban sa sakit mo. We will do everything malampasan lang natin 'to." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Sabi mo eh." nakangiting sabi niya. "Hindi ka ba nalulungkot? Yung buhay mo tumatakbo na lang sa bawat sulok netong ospital? Hindi ka ba nagsasawa?" tanong niya sa akin.

"Ito yung pinili kong propesyon. Alam kong dito ako masaya, trabaho ang pagsalba ng buhay kahit minsan nakakapagod at nakakalungkot sa tuwing may mamamaty sa mga pasyente pero di ako nagsasawa kase gusto ko yung ginagawa ko." sagot ko. "Like the art, it maybe has a lot of procedure, strategy and complicated details but atleast you know that it's your passion." sabi ko pa at nginitian siya.

"Alam mo nakikita lang kita sa news, billboards at social media noon. Sobrang sikat mo pero anlayo ng ugali mo sa isang sikat napakahumble mo padin." sabi ko.

Napalingon ako sa kanya at tinignan siya sa mga mata niya.

"Matagal mo na kong kilala?" tanong ko.

"Oo, that was about 4 years ago nung makita ko ang pangalan mo sa mga news. Nagmemedschool ka pa nun last 2 years mo na, after that madalas na kong makarinig ng mga balita tungkol sayo." kwento niya.

Napatango nalang ako. I never thought na maraming nakakapansin sa akin.

Di naman kase ako mahilig makihalubilo sa iba, kinailangan ko lang naman magcover sa mga billboards para mapromote ang hospital namin, to introduce our hospital. Even though sabi nila most outstanding hospital na itong amin pero di ako naniniwala kase walang perpekto lahat pwedeng maging kulang at komplikado.

"Please just look at me as your friend. Not Minatozaki Sana na sikat at sinasabi mong tinitingala ng lahat." sabi ko sa kanya.

Napangiti siya kaya pinisil ko yung kamay niyang hawak ko.

"Mula ng ma-admit ako dito sa ospital na 'to. Mula ng unang pagtapak ko dito, iba na ang tingin ko sayo. Nakikilala ko na ang dahilan kung bakit nag e-exist ang tulad ko, para makilala mo." hindi ko alam kung mahihiya ako sa sinabi niya pero napangiti ako dun.

"Kaya magpapagaling ka ah. Sayo ko ipapadesign ang bahay na ipatatayo ko para sa sarili ko." saad ko.

"Bahay mo? Sana yung akin tulad narin ng sayo." makahulugan niyang sabi. "Pero sige, pagagandahin ko yung sinasabi mong bahay mo." masayang saad niya.

Nginitian ko siya pero niyakap niya ko bigla. Napaisip ako, pwede bang bahay naten in the future na lang, Dahyun?

--//--

Promises Serves The Destiny•SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon