KABANATA 11. UNANG PAGKIKITA

1.3K 51 5
                                    

Makalipas ang limang buwan, ganoon pa rin sina Alex at Melo. Hindi na katulad ng dati na nagpapansinan, wala na ring pakialam si Alex at tuluyan nang nagpamanhid.

Kahit sa forum, hindi sila nagpapansinang magkapatid kaya wala ng balita. Nagkikita nga sila sa bahay, pero walang kibuan hindi katulad ng dati.

Hanggang sa hindi inaakalang pagkakataon, naka-baseball cap si Alex at naglalaro ng PUBG sa bagong cellphone nito at nakatungo.

Alex's POV

Naka-concetrate ako maglaro ng bagong trending na game na PUBG App, baka kumita ako na parang sa Dota. Biglang may mabangong pumasok na tila mga dayuhan; tatlo sila.

Hindi na ako tumingin dahil abala ako sa laro, kaya nagsalita na lang ako habang nakatungo sa cellphone na nilalaro ko, "Ilan pong minuto o oras kayo gagamit sa internet?"

Biglang may sumagot na boses na nagpabalik sa lahat ng alaala ko. Iyong masarap pakinggan na matigas na boses ng lalaki na malalim. Iyong araw-araw kong kausap palagi kaya natulala ako at na-istatwa.

~~~

Danilo's POV

Kaming tatlo ang nagka-eye ball sa America na galing sa forum internet ng Naruto, at napagkasunduang tulungan ang kaibigan namin sa internet forum na si Melo. Gustong-gusto niyang pumunta sa America at sa awa ng Diyos ay nahanap namin kung saan nakatira ang papa niya.

Ako, si Itachi na ang totoong pangalan ay Arnaldo at si Lexi na totoo pa rin ang pangalan ang magkakasama. Magkasintahan na kami ni Lexi. Full blooded American siya; ako naman ay half Filipino at half American, habang si Arnaldo naman ay pure Filipino, pero laking America.

Ibinigay sa akin ni Melo ang full address niya para mapuntahan ko siya.

Nakarating kami sa destinasyon—ito ay medyo maliit na bahay pero hindi namin alam kung saan papasok, pero sa ibaba naman nito ay isang internet shop kaya roon na lang kami dumiretso.

Nakakapagod sa Pilipinas, pero first time ko rito. Ang init pero sariwa ang hangin at makikita mo ang mga bata sa kalye na naglalaro; masaya, hindi katulad sa states na kakaunti lang ang makikita mong mga batang naglalaro sa kalsada. Nag-iba talaga ang enviroment ko. Mabuti pinayagan ako ni papa.

Pagkadiretso namin doon ay maraming batang naglalaro. Hindi ganoon ka-bongga ang computer shop at electric fan lang din ang gamit, pati upuan ay plastic. Kakaiba talaga kumpara sa America. Pagkarating ko sa cashier ay isang babaeng maputi pero medyo malaman ang bumungad sa amin; hindi naman masyadong mataba, hindi rin masyadong payat, nakatirintas at abalang-abala talaga sa paglalaro sa cellphone.

Kaya noong nilapitan ko siya ay biglang bumuka ang bibig niya nang dahan-dahan, "Ilan pong minuto o oras kayo gagamit sa internet?"

Nanumbalik lahat ng alaala ko kay Alex. Ka-boses na ka-boses niya ang halos kausap ko araw-araw sa voice call na medyo paos na boses at masarap talaga pakinggan sa tainga. Ito ang palagi kong inii-imagine sa kama dahil sa nakakagigil na ungol na hinahanap-hanap ko, pero natatakot ako.

"Alex?" tanong ko.

Bigla siyang nagulat at tumungo lalo na at tila itinatago ang hitsura niya. Kaagad itong pumasok sa isang pinto sa loob.

Medyo nagulat sina Arnaldo at Lexi.

"Is that the troll bitch in the forum?" sabi ni Arnaldo.

"I guess so," sagot ko.

"She is so short. She's like 5'4 or 5'3," sabi ni Lexi, hanggang sa lumabas si Veronica na malaki na ang tiyan.

Medyo nalungkot ako sa mga nakikita ng mata ko. Nasa harapan ko na ang totoong may ari ng picture na ginamit ni Alex, at buntis pa siya ng mga siyam na taon dahil malaki-laki na ang tiyan.

"Hey, who are you looking for? Alex?" tanong ni Veronica.

"Hey! You're the model that Alex's used for pretending," sabi ni Lexi.

"Damn! It's sad that you're pregnant. Too bad you've loss a lot of fans. Cheap bitch," sabi ni Arnaldo kaya tiningnan ito ni Veronica nang napakasama.

"Stop it! Don't be rude. Ah...kailangan namin si Melo," sabi ko kahit pilipit pa rin ang dila ko sa pagt-Tagalog.

"Bantayan mo 'yang kasama mo, baka masapak ko 'yan nang 'di oras ha! Mabuti may kasama kayo na pinoy. Hali kayo at tumuloy muna kayo sa sala at tatawagan ko si Melo," ani ni Veronica.

Pinatuloy kami niya sa sala. Maliit ang bahay nina Melo at Alex. Puros gawang kahoy lahat. Ito naman si Lexi at Arnaldo ay panay reklamo na ang init daw. Talagang walang mga respeto. Hindi ko rin alam bakit sila sumama, pero gusto lang nila sumama dahil sa gusto nilang mag-adventure. Si Lexi naman, gusto raw akong makasama, pero sa totoo lang wala akong gusto kay Lexi. Panakip butas ko lang siya at sa awa ng Diyos ay naka-move on ako, pero parang hindi pa rin simula nang narinig ko ulit ang boses ng babaeng hinahanap-hanap ko pagkalipas ng anim na buwan. Masakit pa rin talaga sa akin ang lahat.

Biglang dumating si Melo na nagpagaan ng pakiramdam naming tatlo dahil sa ang init-init na.

"Uy! I am glad you all are here. Wow! You're all too tall. My god!" hirit ni Melo.

"Nah, me and Lexi are six feet so we're tall, except for this one. 5'8." Itinuro nila ako na tawang-tawa habang inaasar ako.

"Okay, wait a minute ha! I am going to the kitchen to give you juice to drink," ani ni Melo. Pagkarating niya sa kusina ay bigla siyang sumigaw, "Alex! Alex!"

Biglang napatakbo si Veronica sa loob ng kuwarto sa kanan. Doon ko nakompirmang si Alex nga ang nasa counter shop, pero sa ngayon hindi ko na siya makilala. Pagkalabas na pagkalabas niya ay naka-jacket siya ng makapal na kulay itim. Nakatago ang buhok sa baseball cap at ang nakatutuwa pa nito ay naka-shades pa sa loob ng bahay, kaya natatawa na lang ako nang palihim.

Kaagad siyang pumasok sa kusina na parang natatarantang nakatungo.

Kaagad siyang lumabas at inilatag sa table namin ang inumin na Tang saka siya umalis papasok ulit sa kuwarto niya sa kanan.

Pagkatapos noon, kaagad na kaming inihatid ni Veronica sa guest room.

"Dito muna kayong tatlo ha! Pasensya na! Nasa labas ang banyo. Tawagin niyo lang si Alex kapag may kailangan kayo. Siya ang palaging nandito at nagdadalang tao ako. Hindi ko kayo masyadong maaasikaso," ani Veronica.

~~~

Kinagabihan ay lumabas muna ako sa kwarto para magpahangin. Suot ko ay shorts at sando at tumungo sa internet shop.

Pagkabukas ko sa forum ay ganoon pa rin si Alex. Nangt-troll pa rin kaya natawa ako. Nakita ko na si Melo na ang nasa counter kaya napatanong ako.

"Nasa'n si Alex? 'Di ba siya ang cashier dito?" sabi ko kay Melo.

Ngumiti naman si Melo at sinagot ako, "Ayaw niya muna. Nagpalit muna kami at doon daw muna siya mamamahala sa salon."

"Nasa'n ba ang salon niyo?" tanong ko.

"Diyan lang sa malapit," sagot ni Melo.

"Puwede ko bang puntahan o magpasama ako sa 'yo?" sabi ko.

"Ay! H'wag na h'wag mo 'yong gagawin. Ayaw na ayaw 'yon ni Alex. Dito ka na. Pambabae lang 'yong salon. May usapan kami na kapag pumunta ka ro'n, mags-swap kami ng titingnan," sabi ni Melo.

"Si Veronica pala, ano niyo siya? Hindi ba siya 'yong ginamit ni Alex pam-poser sa 'kin?" sabi ko.

"Ex-girlfriend kasi siya ni Alex," sabi ni Melo.

Natawa ako nang sobra. at sinigurado ko na tama ang narinig ko. "You mean, lesbian pala si Alex?" tanong ko.

"Oo, hanggang ngayon. Kaya kawawa ka at nagpadala ka sa troll. Hindi 'yon pumapatol sa lalaki," sabi sa akin ni Melo, pero hindi ako naniniwala sa sinasabi niya kasi naramdaman ko na nahulog ang loob sa akin ni Alex noong kami pa.

"So ilang months pala sila?" tanong ko.

"Mga four months, pagkatapos nag-break. Bigla na lang bumalik 'yang si Veronica kasi nabuntis ng kuya namin na bakla," kuwento ni Melo na sobra kong ikinatawa.

Simula noon, naging close na kami ni Melo. Naging matalik na magkaibigan na madalas magkwentuhan ng walang hiya-hiya.

Troll Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon