CHAPTER 5: Flashbacks

29 13 0
                                    


[Ayesha Krishna Miltray]

"The wound is already deep. And we can't easily cure that. I'm afraid, we can't have her, them.. anymore"
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa na nandito sila ngayon. Na kasama ko sila sa iisang kwarto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayokong umiyak. Ayokong gumawa ng ingay. Ayoko silang kausapin

Pero naalala ko kung ano ang nasa panaginip ko.
"Sa tingin mo ba sasaya ka?" I saw a girl with a long hair but has no face.
Nakakatakot pati ang boses niya. Isama mo pa ang halakhak niya.

"You can never be happy without them! HAAHAHAHAHA"

Sa pagkakataong iyon doon ko narinig ang boses nila Kleo. I thought it was a part of a dream but no.. They're really here. "Kleo" kahit hirap ay isinatinig ko iyon. Hindi ko marinig ang sarili ko pero halata ko sa mga mukha nila ang gulat. Means i really spoke.
Nang makabawi ako ng lakas ay tumayo ako mula sa pagkakahiga.

"What are you doing here?" i gave a cold voice. I can't be comfortable with them. Kung dati, pwede pa.

"A-A-Ah ano. binihisan ka lang namin, kasi ang pawis mo kanina. A-Aalis na kami" akala ko walang sasagot sa tanong ko pero naglakas loob si Mia na magsalita kahit na uutal utal siya. Kasunod noon ay ang sunod sunod na pagtayo nilang tatlo.

Nag-aalinlangan silang nilingon ako at nginitian. Nakatitig lang ako sa kanilang tatlo, walang binibigay na kahit anong reaksyon at ekspresyon. Nang wala silang makuhang sagot ay binuksan nila ang pintuan at naglakad palabas. Bago pa tuluyang sumarado ang pintuan ay nagsalita ako.
"Salamat" I spoke up. Natigil ang pagsarado ng pinto. Pumaibabaw ang katahimikan sa ere ng ilang minuto.

Nabasag lang iyon nang marinig namin ang boses nila Tristan at Troy.
"Gising na siya?" Troy asked from outside.

Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pinto at pumasok si Tristan at Troy. Nakangiti silang pareho saakin. Si Troy ay agad lumapit ang inakbayan ako. Sa pagkakataong iyon, sa di malamang dahilan ay napatingin ako sa labas ng kwarto. Nandoon sa gilid ng pintuan sila Zach, Kier at Xander. At doon ko nakita ang ibang ekspresyon ni Xander. He's serious yet, sadness surrounds him while staring at Troy's arms.

"Tara na! Nagluto si boss! hahahaha" natigilan ako sa sinabi ni Troy. Is he even serious? Si Liam? Baka naman ginamitan niya ng mahika.

Wala na akong nagawa kundi tumayo kasabay sila Troy at Tristan habang nakaakbay saakin si Troy. Nang makalabas kami ng kwarto ay tinanguan lang kami nung tatlong lalaki. Bumaba na kami mula sa second floor at nandito pa lang kami sa huling baitang ng hagdan ay amoy na ang niluluto ni Liam.

I really don't know kung ano ang trip ngayon ni Liam at nagluto siya. Nakakapanibago. Kahit pa sa bahay nila hindi ko siya nakitang nagluto— i mean, hindi talaga siya nagluluto. Nang tuluyan na kaming makarating sa kusina ay doon ko mas nakumpirma kung ano ang pagkain na inihahanda niya. My favorite fried chicken and also the Adobo. Napangiti ako, pero pasimple lang.
Hindi kami napapansin ni Liam dahil sa pagkabusy niya sa niluluto. Hindi pa kasi tapos yung sa adobo.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malilito sa ginagawa niya ngayon. This is not the typical Liam. I know he isn't. "Anong nakain niyan?" I heard the guy beside me, whispered. Halata pa sa boses nya na nagpipigil siya ng tawa. Kumawala ang pinipigilang tawa ni Troy nang humarap saamin si Liam at muntik ng mabitawan ang hawak na malaking mangkok.

Napailing ako at tahimik na natawa. If you just saw his face, it's really epic. He's really in shock. Napapikit pa siya ng mariin at nang imulat ang mata ay masama na ang tingin kina Troy at Tristan. Nakasimangot nyang inilagay ang mangkok sa mesa, kasunod n'on ay pagdating ng iba pa naming kasama. Rinig na rinig ang pagsinghap nila na parang hindi makapaniwala sa nakikita.

MAGICAL; A Charm's TaleWhere stories live. Discover now