CHAPTER 7: Forgiveness?

34 12 0
                                    


Troy Limaco's P.O.V

"Sa tingin mo, nasa katinuan pa sila?" napalingon ako kay Spade na nasa tabi ko. Tangina, ako din kanina ko pa iniisip 'yon e.

"Malamang wala na Spade. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nag-aaktong hindi alam ni captain kung paano magbasketball" sagot ko kay Spade na natatawang napapailing habang pinanonood sila Boss. Pati ako ay nakitawa na din.

Wengya! Si boss kasi, ayon nakikipaglaro dun sa tatlong kasama naming lalaki. At hindi n'yo maiimagine na may ganito palang laro! Wengya! Nakalimutan yata ni boss na MVP siya putek!

Ang laro lang naman nila ay ihahagis yung bola sa basket ng basketball ring pero hindi pwedeng mahulog iyon at mashoot sa ring. Dapat may pwersa daw ang pagkakahagis para bumalik iyon sakanila. Kumbaga, parang nakikipaglaro sila sa pader-- nakikipag-pasahan sila sa basket. Dapat masalo nila iyon at hindi mabitawan kapag bumalik sakanila yung bola. May puntos daw kapag gan'on tapos mapupunta iyon sa iba kapag hinagis ulit nila ang bola sa basket at sasaluhin nung ibang player.

"Tengene, nagka-amnesia si Boss?" halos matulala na si Spade kakanood sakanila. Wengya, anong klaseng laro 'yan.

Maya maya pa ay lumapit saamin si Krishna na nakangiting nanonood. Napakunot ang noo ko sa nakikita ko. Bakit parang alam n'ya yung nilalaro nila?

"Yo Krishna my labs!" bati ko sakaniya at inakbayan siya. Tinignan niya lang ako saglit pagkatapos ay binalik sa mga tangang naglalaro yung atensyon niya. Walangya. "My labs, alam mo 'yung larong 'yan? 'di ba pantanga 'yan?" nagtatakang tanong ko sakaniya.

Pero napalunok ako nang mapalingon siya saakin at sinamaan ako ng tingin. Putek! Ano bang nasabi ko--- ay puta! Ang daldal mo pogi!
"Hehe sorry na. Di lang namin magets yung nilalaro nila" pagdadahilan ko. Nakakatakot kasi yung tingin nitong si Krishna.

"Sus, 'wag kang maniwala diyan Yna, kanina pa niya nilalait yung nilalaro nila" nakangising sabi ni Spade. Aba'y puta!

"Gago ka! Dinamay mo pa 'ko sa kagaguhan mo!?" inis na singhal ko. Bwisit talagang Spade 'to!
Nagulat ako nang akbayan ni Spade si Krishna my labs, dahilan para mahawakan niya din ang balat ko.
"Puta pre, para-paraan ka e. Pero 'wag ako, di ako pumapatol sa bakla--"

"Tarantado!" sigaw saakin ni Spade at hinila niya palayo saakin si Krishna na hawak ko kanina pero lumapit ulit ako at inakbayan si Krishna. Buti nga di siya nagrereklamo e. Masyadong busy ang prinsesa sa panonood.

Tuwang-tuwa kami sa pag-aagawan ni Spade kay Krishna nang marinig namin ang malakas na kalabog at alam kong galing 'yon sa basket ng basketball ring. Wengya ano bang nangyari---

"Fvck off idiots and get your hands off my girl!!"

Tangina! Wala pang isang segundo ay nabitawan ko na si Krishna at napalayo. Puta! Bakit ba nakalimutan kong seloso si boss? Pakshet na malagket! Pasugod na lumapit si boss saamin at hinila palayo saamin si Krishna. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan ako ah? Wengya!

"What the hell are you thinking assholes!?" galit na sabi saamin ni boss. Napatingin ako saglit kay Spade na ngayon ay nakayuko din at di makatingin kay boss.

"H-Hehe b-boss--"

"Who gave you the permission to touch her!?"

Ay puta. Sasabunin pa yata kami ni boss sa harap ng mga ka-group namin. Shet! Sayang kagwapuhan ko!

"N-N-Nagkakatuwaan lang b-boss--"

"That's not for fun! You're flirting her!" kaunti na lang ay sasabog na talaga si boss at di na ko magtataka kapag bumulagta kami dito sa harap.

MAGICAL; A Charm's TaleWhere stories live. Discover now