Chapter 8: Danger?

34 10 0
                                    


Ayesha Krishna Miltray's P.O.V

Ngayon ang araw ng alis namin. Bibyahe na ulit kami papunta sa next destination namin. Pampangga.
Lahat kami ay nakaupo na sa kani kaniyang puwesto sa school bus. Nakasandal lang ang ulo ko sa bintana na katabi ko at hinihintay na umandar na ang bus na sinasakyan namin.

After that conversation with 'them' ay wala ng nagsalita saamin. Naglunch, nagdinner, nagsama sa kwarto pero walang nagbalak magsalita saamin about sa napag-usapan namin. I think that's the best thing they have done. Ayoko muna din pag-usapan.

"You okay?" napalingon ako sa katabi ko.I almost forgot na katabi ko nga pala si Liam. He looks worried and bothered. Ngumiti naman ako sakanya ng pagkaganda ganda to assure that I'm fine. Saglit pa syang tumitig saakin na parang inaaral pa kung totoo ba ang ngiti ko, saka sya ngumiti ng matamis saakin.

"I just wanna relax" kahit di siya nagtanong ay nagsalita na ako to give him satisfaction. Lalo naman siyang nangiti, knowing na okay talaga ako.

Sa lahat ng nakasama ko, si Liam lang talaga ang nakakabasa ng isip ko 'not literally' kasi kahit pa kayang kaya nyang basahin ang nasa isip ko ng LITERAL, hindi niya iyon ginawa ni minsan. Lagi syang nagbebase sa mata ko, sa kilos ko. Maybe he's used to it.

"Stop staring at me, baka maglaway ka" lumabas ang nakakalokong ngisi sa labi nya kaya naman nawala ang ngiti sa labi ko. Inirapan ko agad sya sa kalokohan nya kaya naman agad syang natawa sa inasal ko.

"Ano? maglalambingan nalang kayo dyan? kain!" sumama ang tingin ko sa nagsalita na nasa harap namin. Ang upuan kasi namin ni Liam ay nasa pinakadulo ng bus, at sa harap namin ay sila Tristan at Troy. Si Troy ang nagsalita at may nakakalokong ngisi din.

Inilapit nya pa saamin ang snack na hawak nya. Kumuha lang ako ng kaunti, pati na si Liam pagkatapos ay nakita kong inambaan nya ng suntok si Troy kaya agad agad itong bumaba at umayos ng upo na hindi na namin sya nakikita. Natawa nalang ako.

"I-Ito pa lang ang nagagawa natin" biglang nangunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Kleo. Nang silipin ako sila ay katapat lang pala ng pwesto namin ang pwesto nila.Alanganin sya ngayong nakatingin sa direksyon namin.

"That's fine. Katatapos lang naman natin sa isang lugar. Madadagdagan pa 'yan" sagot ko sakanya. Agad naman siyang nangiti at tumango. Napatango din ang mga kasama niya, pati na ang President. Yung ngiti nyang iyon ay masyadong totoo, walang halong pag aalinlangan. Ngiting ngayon ko lang ulit nakita...

Sumandal nalang ulit ako sa bintanang katabi ko at in-enjoy ang view ng mga nadadaanan namin. Swabe ang naging byahe namin. Buti nalang at hindi ganoon ka-traffic.
Dalawang araw lang ilalagi namin sa Pampangga kaya't kailangan namin ng sapat na energy at pagkain para hindi kami mapagod.

Haharap na sana ako kay Liam para magtanong kung anong gagawin pero napahinto ako dahil sa pagtunog ng phone ko na sure akong nasa bulsa ko.Agad ko iyong kinapa at sinagot nang hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag.

[Iha] - halos mapatayo na ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Madame Serpentine. I checked my phone pero mas lalo akong nagulat nang makita kong wala namang tumatawag dito.

Hindi ako mapakali. Itinapat ko ulit ang phone sa tenga ko kahit pa alam kong wala namang tumatawag at wala naman akong kausap sa phone.

[Batid ko nang magugulat ka. Ngunit dapat din ay masanay ka na] - narinig ko pa ang mahinang pagtawa nya. Napatingin ako sa mga kasama ko, lahat sila ay nakatulog na. Ako nalang pala ang nanatiling gising.

"M-Madame Serpentine" I uttered in a very low voice. I can't speak loud.

[Kamusta iha?] - sa tanong niyang iyon ay parang na-mental block ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sakaniya.

MAGICAL; A Charm's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon