1st shot

8.9K 191 6
                                    

Sandra’s POV

                “Sandy, pahingi papel,” sabi ng katabi ko sabay kalabit. Ewan ko ba sa lalaking, nakaabot na lang ng fourth year college, hindi pa siguro nasubukan magdala ng papel. Perpekto na sana siya eh. Gwapo, matalino, mayaman. Pero ni minsan di ko pa nakitang nagdala ng papel. Minsan nga lang nagdadala ng bag.

                Tahimik ko siyang inabutan ng one whole para matapos na. May short quiz daw kasi kami pagkatapos ng lecture. Sinusundot na naman ng magaling kong katabi ang braso ko. Ewan ko ba at nang may nagpaulan ng kamalasan, sinalo ko lahat.Ang malas ko sa teacher ko, ang malas ko pa sa classmates ko, ang malas ko pa sa katabi ko. “Ano na naman ba?” singhal ko sa kanya.

                      “Eh kasi naman. Basta mo na lang ako inabutan ng papel ng di nagsasalita. Galit ka ba?” nagpapaawa niyang tanong. With matching puppy dog eyes ba. Sa totoo lang, di bagay sa kanya. Para siyang batang pinagkaitan ng candy.

                         “Pwede ba Rafael. Nakikinig ako. Ayaw kong bumagsak. Minor na nga lang to kaya dapat malaki grade ko dito,” galit kong bulong. Nginitian niya lang ako at ibinaling na ang kanyang atensyon sa teacher namin.

                            Pero kahit anong pilit kong ibuhos ang atensyon ko sa tinuturo sa amin, wala na. Sinira na ng magaling kong katabi ang concentration ko. You see, pattern na namin to eh. This is the second time nagkataon na classmates kami sa minor subject. Unang beses ay sa humanities na subject kami classmates. Ngayon, sa Rizal na naman. Ewan ko ba. Summer nung sabay naming kinuha ang hum, first year pa ako nun, siya second year. Ngayon naman na second sem na tapos second year na ako, siya third year. Wala pa rin siyang pinagbago. Dati na siyang halos walang dala. Parehas kasi kaming nahalo lang sa mga subject na to. Nakakainis na nga eh. feeling ko, anng silbi ko lang sa kanya, tagasupply ng papel.

                        At ang sakit nun ah. Okay, aaminin ko, crush ko tong katabi ko. Pero wala eh. Di siya mareach. Kilala siya sa university kasi nga gwapo, deans lister pa tapos ang course engineering. Kakabreak lang nila nung girlfriend niya, pero take note, yung ex niyang yun, pambato ng school namin sa isang interschool pageant. Eh ako, ni wala nga akong maipagmalaki. Di naman ako panngit, sadyang di lang talaga kagandahan. Pumapasa ako, pero dir in sobrang taas ng grades ko. Ano naman yun diba? Kakanta na lang ba ako ngayon nung ano nga yung title ng kantang yun? Basta yung chorus, “langit ka, lupa ako… hanggang pangarap na lang ba ito.”

                       Pasalamat na lang ako, kahit papaano, kilala niya ako. Nginingitian sa tuwing nagkakatagpo kami sa daan.

Author’s note:

Want a sequel? Pero pag itutuloy ko to, not more than five chapters. haha. pagpasensyahan na. bored kasi ako tapos di pa inaantok pero 8:45 pa klase ko bukas -___-

Minor Subject (a very short story)Where stories live. Discover now