3rd shot

6K 165 13
                                    

Sandra’s POV

                “Sandy! Sandy, sandali lang,” hinihingal na tawag ng isang boses sa pangalan ko na siya lang tumatawag sa akin. Nakakainis naman eh. Kitang nagmamadali akong umuwi, hinabol pa talaga ako.

                Pinanlisikan ko siya ng mata para naman mahalata niyang hindi ako masaya na makita siya. “Ano na naman ba Rafael? Kitang nagmamadali yung tao eh.” Di ko na nagawang itago ang inis sa boses ko.

                “Ba’t ka kasi nagmamadali ka? Sabi mo sa akin hanggang alas kwatro lang klase mo basta Tth. Kaya wala ka na klase ngayon kaya saan ka pupunta para magmadali ka ng ganyan?” nagtataka niyang tanong. Kakabwisit naman. Tsaka naalala pala niya nung sinabi ko ang schedule ko? Mahirap man aminin pero nakakainggit ang memory niya.

                Napabuntong hininga ako sa rami niyang tanong. Ano bang pakialam niya saan ako pupunta? “Nagmamadali akong umuwi. Malapit ng umulan oh,” sabi ko sabay turo sa langit na makulimlim na. “Kaya pwede ba? Mauuna na ako bago pa ako mahirapan sumakay at makipag-unahan sa ibang pasahero.”

                “Kaya nga ako kanina pa tawag ng tawag sayo eh. Tara na. Ihahatid na kita, marami rami ng naghihintay ng masasakyan oh,” sabi niya at ngumuso sa may gate ng university na talagang marami ng nag-aabang ng masasakyan pauwi.

                “Wala ka na bang klase?” maang kong tanong. Alam ko naman na kanina pa siya walang klase, ayaw ko lang isipin niya na kinabisado ko talaga ang oras niya dito sa school. Umiling naman siya. “Umuwi ka na lang rin. Out of the way yata yung bahay ko sa bahay mo,” inis kong sabi.

                “Paano mo nasabing out of the way yung bahay namin?”tanong niya. Naisahan niya ako dun ah. Di ko naman talaga alam saan bahay nila. I just assumed kasi mayaman siya. Sa tingin ko doon siya nakatira sa isa sa mga exclusive subdivision.

                Umiling na lang ako. “Wala lang. Basta umuwi ka na. Kung ayaw mo, bahala ka. Basta hayaan mo na ako,” sabi ko na lang. Tatalikuran ko na sana siya ng biglang niya akong hinatak papunang parking lot ng school. “Ano ba Rafael. Sabi ng uuwi na ako eh,” halos isigaw ko. Pero marami rami rin kasing tao sa paligid kaya di ko magawa. Ayaw ko gumawa ng eskandalo. Baka ang ano pang sabihin ng mga tao tungkol sa akin.

                “Sabi ko nga. Kaya nga ihahatid na kita diba para di kana mahirapan makipag-unahan sa ibang tao?” nakangiti niyang sabi. Di ko na alam anong susunod kong sasabihin ng makita ko ang ngiti niya. Naiiba pala talaga ang mukha ng isang tao basta ngumingiti siya. Minsan ko lang rin kasi nakita tong gago tong nakangiti. Ngisi lang kasi ang talagang nakita ko sa pagmumukha niya.

Rafael’s POV

                Sabi na nga ba eh. Madadala rin tong babaeng to sa ngiti ko eh. Miminsan lang kasi ako ngumiti. Alangan naman ngumiti ako ng walang dahilan diba? Pagkamalan pa akong baliw. Halata sa mukha ni Sandy ang pagkamangha sa mukha ko. Sino ba naman kasi di madadala sa kagwapuhan ko.

                Mahina ko siyang itinulak sa kotse ko pero kinuha ko muna ang ID niya at tiningnan sa likod. So she lives in 0252 ****** subdivision. Di kasing rangya ang mga bahay run kumpara sa amin pero okay na rin. At least ngayon alam ko na saan ko siya susunduin kung may lakad kami.

                Tingnan lang natin kung makakaya pa niya akong takasan kung dito ka na siya puntahan. Ilang araw na rin kasi akong iniiwasan at tinataboy nitong babaeng to eh. Siya lang ang nag-iisang babaeng pinaghirapan ko ng ganito. Ang corny man pakinggan pero siya lang rin yata ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Yun kasing mga ex ko, napilitan lang ako dun eh. Bagay raw kasi kami sabi ng mga tao kaya pinagbigyan ko na lang sila. Kaya walang tumatagal sa akin eh.

                Pero iba si Sandy. Siya lang ang hinahabol ko. At kahit anong taboy ang gawin niya, di ko siya lalayuan. At ang walang silbing kaibigan ko ang nagturo sa akin nun. Na pag gusto mo, kunin mo. Paghirapan mo.

FLASHBACK

                “Nagpapapansin? Ba’t naman siya magpapapansin sa akin?” tanong ko. Di ko na namamalayan. Kung ano ano na lang lumalabas sa bibig ko. Kaya nga ayaw ko ng beer eh. Mas gusto ko pa yung hard drinks. Mas madali akong tinatamaan ng beer.

                “Baka gusto ka niya diba?” sabi ng gago sabay batok ng mahina sa akin. “Nagpapamiss siya para naman mapansin mo. Problema mo kasi, sanay kang ikaw hinahabol,” may pagkainggit niyang sabi. “Subukan mo kayang ikaw maghabol. Tingnan natin kung kaya mo ba.”

                “Ba’t ko naman di ko kakayanin? Atsaka ba’t ko siya hahabulin?” tanga kong tanong.

                “Kasi gusto mo siya? Ba’t ako tinatanong mo? Pakiramdam ko ba yan?” tanong niya tapos inom na naman. “Wag mo ngang sagutin. Halata namang gusto mo siya. Mag kakaganyan ka ba kung hindi?” sagot niya sa sariling tanong.

                “Okay. Sabi mo eh. Paano ko nga ba siya mapapasaakin eh iniiwasan ako,” parang bata ko ng sabi.

                “Eh to tandaan mo tol ah. Pag gusto may paraan, kung ayaw, may dahilan. Gusto mo siya diba? Eh di maghanap ka ng paraan. Paghirapan mo hanggang sa wala na siyang ibang magawa kundi suklian yang nararamdaman mo.”

                At sinong mag-aakala na may tinatago rin palang utak tong kaibigan kong ito.

END OF FLASHBACK

Minor Subject (a very short story)Where stories live. Discover now