4th shot

5.3K 165 3
                                    

Sandra’s POV

                Di ko na alam anong gagawin ko kay Rafael. Ilang araw na buntot ng buntot sa akin. Di naman sinasabi ba’t niya ginagawa. Alam ba niya gaano kahirap pigilan ang sarili kong di mahulog sa kanya? Di naman kasi ako ganun kaambisyosa eh. Ang layo layo ng agwat namin. This isn’t a movie and it sure as hell isn’t a fairytale.

                Nakakaasar na eh. Kahit anong iwas ko di ko magawa kasi pilit siyang lumalapit. Sino bang babae ang di mahuhulog sa ginagawa niya. Hinahatid talaga ako sa bahay kahit mas unang natatapos klase niya. Ang gastos kaya nun sa gasolina. Tapos dinadalhan pa ako ng pagkain kapag sinasabi kong di pa ako kumakain ng maayos. To think, nagtatake out pa talaga siya. Tinetext pa ako sa gabi na wag masyado magpuyat kakaaral.

                Nagbabasa ako ngayon para sa business law. Terror kasi yung teacher ko. Walang patawad. Una pa ang quiz kesa lesson, para daw magbasa rin daw kami. Pero kahit anong gawin ko, ang nakangiting mukha pa rin talaga ni Rafael ang nasa utak ko. Ililipat ko na sana ang pahina ng may naglagay ng coke float at fries sa harap ko. “Ano na naman yan?” irita kong tanong. Di ko na kailangan tingnan kung sino nagbigay. Sino pa nga ba? Eh si Rafael.

                “Alam kong tinamad ka na naman kumain kanina kaya dinalhan na kita nito. May quiz ka pa sa BL mo diba? Baka di ka makasagot niyan dahil gutom ka,” nakangiti niyang sabi. May punto rin naman siya. Pero kahit niya, di naman niya ako responsibilidad eh.

                Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng isa sa mga fries at pilit isinubo sa akin. Umilag ako pero mapilit talaga siya. “Rafael pwede ba?” galit ko ng sabi. “Di ko alam ba’t mo ginagawa to pero paki tigilan na nga. Nakakainis na eh.”

                Mukha naman siyang nagalit rin sa sinabi ko. Biglang nagdilim ang mukha niya at nawala ang kaninang masayang ngiti niya. “Wow ah. Iba ka rin magpasalamat no? Ngayon pa ako nakatagpo ng babaeng inaalagaan na nga, nagagalit pa. Sabihin mo nga Sandz, ano pa bang kailangan kong gawin ha?” tanong niya.

                “Yun nga eh. Wala kang kailangan gawin. Di kita tatay, kapatid o boyfriend Raf. Kaya di mo ako responsibilidad. Hayaan mo akon magutom kung kailangan, kasalanan ko yun eh. Ang hirap na kasi eh,” litanya ko. Ayaw ko ng ipaliwanag sa kanya kung ano mang talaga ang ibig kong sabihin. Di niya rin naman maiintindihan.

                “Ano bang mahirap Sandz?” halos isigaw niya sa akin. Mabuti na lang at konti na lang ang tao sa parte na to ng school.

                Napabuntong hininga na lang ako. “Gusto mo talagang malaman Raf? Mahirap na halos saan ako pumunta, wala akong ibang naririnig kundi mga bulong kung paano kita nilandi. Kung paano kita inagaw kay Jessica. Kung gaano ako kakaladkarin na babae para landiin ang isang taong boyfriend na ng iba,” nabibwisit kong sabi.

                “Ano?!” galit ang nabigla niyang tanong. “Saan mo naman narinig yan?”

                “Kahit saan Raf. Di ko nga alam bakit eh. Pero simula nung mas madalas mo akong nilalapitan, nagkandaletse letse na buhay ko. Wala akong lugar na mapuntahan na hindi pinag-uusapan ang kalandian ko,” mapait kong sabi. “At alam mong mas mahirap? Nahulog na ako eh. Di ko napigilan kundi mahulog sayo at sa pag-aalaga mo sa akin. Ikaw lang nagparamdam sa akin ng ganito eh. Pero alam kong di pwede. Nahulog nga ako pero wala namang sasalo sa akin. Hanggang ngayon nahuhlog lang ako at ang masakit, di ko alam kelan ako babagsak sa realidad.”

                “Damn it Sandy! Paano mo nasabi na di pwede? Bakit? Sino bang nagbawal? Who the hell cares if you fall for me?” sigaw niya sa bay hawak sa magkabilang braso ko at alog sa akin.

                “Everyone! Face it Raf. You’re you and I’m me. Kaya di pwede. Kaya pwede ba, tigilan mo na ako!” sigaw ko na rin sa kanya.

                “Ngayon pa Sandy? Ngayon mo pa ako patitilin kung kailan narinig ko na kung anong gusto kong marinig mula sayo? Eh to nga eh. Nangyari na ang gusto ko,” mahinahon niyang paliwanag. “Nahulog ka na sa akin. Parehas na tayo ng nararamdaman. Di mo ba yun maramdaman Sandz? Ano bang akala mo? Trip trip ko lang to? Sandz mahal kita. Tangina ang hirap na nga eh. Sa bawat tulak mo sa akin palayo at sa bawat iwas mo sa akin, mas lalo akong nasasaktan at nahihirapan. Pero anong ginawa ko? Tumigil ba ako? Hindi naman diba? Tapos ngayon patitigilin mo ako? The hell Sandz! Di ko kaya. Kahit anong gawin mo at kahit anong sabihin ng ibang tao, di ko kayang lumayo sayo.”

                Parehos lumuwa mata namin dahil sa sinabi niya. Napanganga na nga ako. Di ako makapaniwala. I mean, sino ba namang mag-aakala na gusto pala akong ng gagong to?

                Bigla ko namang narinig ang bell. God. Klase ko na sa BL. Bago ko namalayan ginagawa ko, naramdaman ko na lang ng kumaripas na ako ng takbo papunta sa classroom ko. 

Minor Subject (a very short story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora