2nd shot

6.4K 158 3
                                    

Rafael’s POV

                “Hoy pare! Anong problema mo? Lalim iniisip mo ah?” rinig ko na sabi ng kaibigan ko. Pero parang ang layo layo ng boses na yun. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang iniasal ni Sandy kanina. Dahil na naman kaya yun sa pagtawag ko sa kanya ng Sandy? Sabi kasi niya sa akin dati ayaw niyang tinatawag siya sa pangalang yun. Di daw bagay. Sweet and innocent were her exact words. And she thinks herself the opposite of sweet and innocent. Pero bagay naman sa kanya.

                “Aray!” sabi ko  na hinihimas ang ulo ko. Ano bang nakain ng gagong to at bigla na lang nambabatok? “Ano bang problema mo?!” pasigaw kong tanong.

                “Narinig mo ba ako kanina? Yan din tinatanong ko sayo,” naiinis na niyang sagot. Inabutan niya ako ng isang baso na may lamang beer at agad ko namang tinungga yun. Nasa apartment ko kami. Ewan ko lang sa gagong to, bigla na alng nambubulabog. Porke’t sabado bukas, mang iisotrbo na siya. May dala pa talagang ilang bote ng beer.

                Napabuntong hininga na lang ako. Malapit kami nitong kaibigan kong to pero minsan wala tong masasabing matino kaya di ko nasasabi agad sa kanya mga problema ko. “Si Sandy kasi…” di ko na tinuloy sinabi ko. Siguro naman maiintindihan niya na na babae problema ko.

                Kumunot ang noo niya at di na niya ikinaila na naguguluhan siya. “Sandy? Sinong Sandy? Akala ko ba Jessica pangalan ng pinopormahan mo ngayon. Yung masscom student na kaibigan ng lahat.”

                “Huh? Sinong Jessica? Wala naman akong pinopormahan ngayon ah,” nabigla at medyo galit kong sabi. Tangina! Ba’t ba kung sino sinong babae na lang ang umaangkin na kung di ko sila nililigawan, sinasabi na talaga na girlfriend ko sila.

                Di pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo niya. Kumuha pa siya ng beer at tinungga yun. “Yun kasi usap usapan sa barkada. Tsaka wag mo nang ikaila, nakita ko kayo sa library nung isang araw. Ang lapit niyo sa isa’t isa.”

                Pilit kung inaalala kung anong ginagawa ko sa library nung mga oras nayun. And then I remembered. I was cramming for a certain quiz. “Yun ba. Eh nanghiram lang yung babaeng yun ng calculator kasi naiwan daw yung sa kanya sa locker niya. Ni hindi nga ako nagtanong ng pangalan eh.”

                “Ah ganun ba? Yun rin daw kasi usap-usapan sa masscom department. Sinabi lang kay Trey nung girlfriend niya na masscom rin,” paliwanag niya. “Maiba ngang usapan. Sino ba tong si Sandy at pinoproblema mo? Ilang araw ka ng ganyan eh.”

                “Ah. Naalala mo yung classmate natin dati sa hum? Yung palagi natin hinihingan ng papel at inuutusang isulat pangalan natin pagmalalate tayo?” nakangisi kong sabi. Natatawa ako tuwing naaalala ko yun. Kahit kasi ayaw niya, ginagawa pa rin niya.

                “Diba Sandra pangalan nun? Kelan lang naging Sandy?” naguguluhan niyang tanong.

                 “Wala lang. Ako lang naman tumatawag sa kanya nun para mainis siya,” nakangiti ko ng sabi.

                Tumango tango na man siya na parang sobrang hirap intindihin nun at naintindihan niya. “Ba’t mo nga siya ulit pinoproblema?”

                “Kasi ang lamig na ng pakikitungo niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Parang inis na inis siya sa akin eh wala naman akong ginagawa,” matamlay kong sagot. Mahirap man aminin, pero naaapektuhan talaga ako sa inaasal niya. She’s one of the few people in this world I care about.

                Ang gago ko naman kaibigan, walang ibang ginawa kundi mag roll eyes sa akin. Para lang babae. “Eh ano naman ngayon. Girlfriend mo ba siya para problemahin mo ng ganyan? Hayaan mo na, baka nagpapapansin lang yun,” sabi niya sabay abot na naman ng baso.

                Sabi na nga ba’t wala tong matinong masasabi eh.

Minor Subject (a very short story)Where stories live. Discover now