Regrets : part 16

1.8K 116 16
                                    


Micah

"Kapagod" sabay unat ko sa mga braso at binti ko.

"Kaya pa friend?" tanong ni Fenech.

"Yup. I'm enjoying actually. Ibang iba sa job ko sa Pilipinas pero masaya. Nag e-enjoy ako sa pag create ng mga new designs"

"I told you. Matutuwa ka. And natutuwa din si tita because ikaw ang ni-recommend ko. May potential ka daw as designer"

"Thanks Fenech. Tara lunch na tayo. My treat"

"Sabi mo yan ah" nakangiting sabi nito.

"Oo naman. Ikaw pa. Saka mahina ka naman kumain"

"Dati yon. Food lover na ako ngayon but still sexy" sabay kindat niya.

"Yeah,  sexy pero wala paring boyfie. Sayang ang ganda mo, ayaw mo kasing magpa ligaw. Sino ba iniintay mo?" tanong ko habang palabas kami ng shop.

"Wala naman. Siguro, hindi ko palang siyang nakikilala" sabay buntung hininga nito.

Iginala ko ang mga mata ko sa bagong kapaligiran kung nasaan ako ngayon. Ibang iba sa Pilipinas. Nandito na ako ngayon sa US. Kung Paanong mabilis akong nakaalis, tinulungan ako ng tita ni Fenech. Ang asawa nito ay nagtatrabaho sa US embassy. Lahat ng legal documents para makapunta ako dito, sila ang tumulong sakin. Kaya laking pasasalamat ko sa kanila.

Hindi ko pinangarap ang lumayo. Kinailangan kong lumayo. Gusto kong makalimot.  Gusto ko siyang kalimutan, kahit sandali lang. Alam ko naman, kahit ano ang gawin ko, hinding hindi na siya mawawala sa sistema ko. Parte na siya ng buhay ko, ng puso ko. At mali iyon. Nandiyan si Tanner. Ayaw ko siyang saktan. Magkalayo man kami, he always make time to call. Kahit pa napupuyat ito makausap lang ako.

Kamusta na kaya siya? Siguro masaya naman siya. Alam niya na kaya na wala na ako Pilipinas...hindi siguro, ang alam niya yata nasa province lang ako. Kila lola, sa Camiguin. Iyon kasi ang nasabi ko sa ibang kapit bahay,  na uuwi ako sa probinsya. Hindi alam nila tita na umalis ako. Siguro tatawagan ko nalang one day para hindi sila magtaka. Pati kay Loraine.

"Pwede bang hukayin ang iniisip mo?" biglang untag ni Fenech.

"Huh?--

"Kanina pa ako dumadaldal dito friend. Yung pagkain, kanina pa din na served. Ang lalim naman niyang iniisip mo. Ano or sino ba yan?"

"Wala. Kain na nga tayo" sabay kuha ko ng kutsara at nagsimulang kumain.

New place. New work. New company. Move on Micah.

Then I sighed.

-

Ernest

Bumalik ako sa Club Red mag isa this time. May lakad sina Miero at Nielsen. As always, gusto ko maglasing. Pero not this time, iinom lang ako. Gusto ko lang na mamanhid ang utak at puso ko kahit ilang oras lang. Takot ako malasing mag isa. Mahirap na. Baka bigla akong magka asawa ng hindi ko namamalayan. .

Not the usual, sa bar ako naupo dahil mag isa lang naman ako.

"Martini" sabi ko sa bartender.

"Right up sir" sagot nito.

Habang umiinom ako, luminga linga ako. Not looking for something, gusto ko lang makita ang mga tao sa club na yon.  Kung katulad ko ba sila. Kung may ibang dahilan kaya nagpapakalasing. Yung gusto ding makalimot.

Fourteen fucking days...hindi ko parin siya nakikita. Hindi ko alam kung pumapasok pa siya trabaho niya. Wala parin ang kotse niya. Meaning, wala siya sa bahay nila. I don't even seen Tanner around. Magkasama ba sila? Are they together for real now? Leaving together? Kailan lang sila naging official, No.......hindi. Hindi sila magkasama. Pero where the hell are they? Hindi man lang siya tumawag or nagpaparamdam sakin. Kahit kay mom at ate. I tried to call them, gusto kong magtanong, pero hindi ko magawa. Mag tataka sila pag nagkataon.  And it's my damn stupid fault. Gago ako. Gago.

Na suntok ko ang upuan sa tabi ko.

"Sir" biglang tawag sa akin ng isang babae.

Lumingon ako at waitress pala yon sa bar.

"What?" Malamig na tanong ko.

"Ahm. Sorry po sa abala. Gusto ko lang po sanang isauli ito sa inyo. Naiwan niyo po nung isang araw" sabay abot niya ng wallet ko.

Shet. Bakit hindi ko to naalalang nawawala? Ganon na ba talaga ako ka miserable na pati mga personal things ko wala na akong pakialam.

"Salamat" binuklat ko iyon at kumuha ng isang libo sabay abot sa waitress.

"Nako sir, wag na po. Isinauli ko lang po iyon.  Hindi naman po ako nanghihingi ng kapalit" pagtanggi nito.

"No. Take it. And I won't take no for an answer" inilagay ko ito sa ibabaw ng  tray na hawak niya.

"Si- sige po. Salamat sir" saka ito tumalikod.

Muli kong binuklat ang wallet ko at may partikular na tiningnan.

Where are you ?

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Where are you ?...mahinang usal ko.

Nagpatuloy ako sa a pag inom. Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakakarami na pala ako. Basta naramdaman ko nalang na unti unti na akong nakakaramdam ng pagkahilo.

"Sir. Tama na po. Lasing na po kayo" hawak ko ang isa pang shot glass na may lamang martini ng lumapit sa akin ang babaeng waitress. Yung kausap ko kanina.

"So what. Maglalasing ako hanggat gusto ko ok. Wag kang makikialam" paasik na salita ko dito na hindi ko nabanaagan man lang ng takot.

"Eh mag da drive pa po kayo pauwi. Baka po mabangga kayo"

"Much better " sagot ko. This time, talagang umiikot na ang paningin ko.

Nakapikit na ako at naramdaman kong may umaalalay sa akin pa tayo.  Pero hindi ko na pinag aksayahan ng panahon na kilalanin pa. Ang gusto ko lang, matulog ng mga oras na 'yon.

Hanggang sa makasakay ako ng kotse, hindi ako nagmulat ng mga mata ko. Gusto kong makarating sa lugar na hindi ko kailanman nararating pa. Gusto kong makalaya sa hawlang kinalalagyan ko na ako mismo ang gumawa. Gusto kong makalaya.

Nasaan ka na?...mahinang salita ko.

To be continued...

 Regrets from the past Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang