Regrets : part 40

1.5K 116 8
                                    

Micah

Nagising ako sa kalagitnaan ng mahimbing kong pagtulog dahil parang may mabigat sa tiyan ko. Pagkakita ko ay braso pala no Poknat at nakayakap sa baywang ko.

"Shet" napamura ako ng mahina dahil paglingon ko dito ay dumikit ang labi ko sa labi niya.

Lumayo ako ng bahagya dito dahil baka maulit na naman.

Bakit dito kami natulog?

Saka ko naalalang nanonood nga pala kami kagabi ng movie at malamang ay nakatulugan na naming dalawa.

Muli akong lumingon dito at parang may nagtulak sa akin na pagmasdan siya habang natutulog.

Na mis kita Poknat. Akala ko ok lang na hindi na kita makita pa. Pero hindi pala. Mas lalo kasi kitang hinahanap nung lumayo ako. Hindi ko lang maamin sa sarili ko. Dahil mali ang hanapin kita noon dahil may nagmamay ari na sayo. Tamang break na kayo pero may nag aantay sayo. Si Heidi. Mahal ka niya, mahal din kita pero mahal ko siya at ayaw kong masaktan siya. Parang kapatid ko na 'yon eh.

Sorry ha.

Bakit nga ba ako nag so-sorry? Hindi mo naman ako mahal. Ako lang ang nagmamahal sayo. Ako lang ang masasaktan. Basta kung saan ka masaya, ok na ako don. If ever na last chance na tong kasama kita, katabi sa pagtulog. Hayaan mo nalang ako ha.

Lumapit na ulit ako dito at yumakap.

Sana pwedeng forever nalang na ganito tayo. Na ikaw lang at ako. Na kung maari, akin ka nalang.

Kung sana pwede kitang ipaglaban. Pero paano mangyayari yon kung wala naman akong karapatan sayo.

Mas mahirap pala yung ganitong sitwasyon. Yung hindi mo alam kung saan ako lulugar sa buhay mo.

Pero mas pipiliin ko ang tama Poknat. Papalayain na kita sa puso ko. I need to let you go kahit pa nga hindi ka naman naging akin.

Ernest

Alam kong gising siya. Naramdaman ko. At sa isip ko ay nakangiti ako ng yumakap siya sa 'kin. I need to pretend that I'm still asleep dahil ayaw kong mawala yung moment na to. Na katabi at kayakap ko siya. I don't know what's on her mind, pero ramdam kong nakatitig siya ng napaka tagal sa muka ko.

Sana mahal mo din ako. Sana iisa ang nararamdaman natin Poknat. Susugal ako para sayo. Para maging akin ka ng higit pa sa isang kaibigan. Mahal na kita noon pa. At mas mahal kita ngayon. Hindi ko alam kung paano basta naramdaman ko nalang na ikaw ang kailangan ko. You're the only one who can make my heart melts and happy. Akala ko noon, normal lang yon dahil kaibigan kita but I was wrong. I'm not loving you as a friend. I'm loving you as a woman. Pag nasabi ko na sayo ang gusto kong sabihin noon pa, I will asked you to be my wife. Be my partner for lifetime. Alam ko, masyadong mabilis ang gagawin ko pero I've known you for so long, kaya sigurado na ako sa gagawin ko.

Huwag mo lang akong iiwan ulit. Pero kahit gawin mo yon, susundan na kita kahit saan ka pa magpunta.

Ikaw ang gusto ko, ang mahal ko. Ikaw lang, walang iba.

And I will fight for you...

To be continued...

 Regrets from the past Where stories live. Discover now