Regrets : part 48

1.5K 99 27
                                    


Micah

"Please don't get mad at me? " Pabulong na sabi ni Poknat na hindi ko maintindhan ang ibig niyang ipahiwatig.

"Ha? Ba---

Hanggang sa maramdaman ko nalang ang mabilis na paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Gulat. Yun ang unang rumehistro sa pagkatao ko.

"Please let me!" muling sambit  nito sa pagitan ng pag halik niya.

"Pe---sasagot pa sana ako pero muli niyang inangkin ang mga labi ko na noo'y medyo nakabuka dahil nga magsasalita pa sana ako. Masuyo niya akong hinalikan at ngayon ay inangkin na rin nito pati ang loob ng bibig ko. Kakaiba ang nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ko namamalayan kung anong nangyayari. Naka kuyom ang mga palad ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Gaganti ba ako sa mga halik niya, kung yayakapin ko ba siya, o kung pipigilan siya. Naramdaman kong hinapit niya ang baywang ko at mahigpit na ikinulong sa mga bisig nito habang patuloy sa pag angkin sa mga labi ko. Ngayon lang may humalik sa akin ng ganito at nadadala ako sa init ng mga halik niya. Hanggang sa kusang yumakap ang mga braso ko sa patungo sa batok niya na nagtulak dito para mas lalong lumalim ang halik na iyon. Alam ko at ramdam kong pareho na kaming kinakapos ng hininga ngunit wala ni isa sa amin ang gustong putulin ang masaya at mainit na sandaling 'yon. Narinig ko pa ang mahina niyang pag ungol. Mas nagiging mapusok ang halik niya. Kumilos ang isang kamay nito patungo sa likod ng aking ulo upang mas bigyang diin ang bawat halik ko. Ang init ng halik at bango ng hininga niya ay kayang magpawala ng katinuan nino man. At malapit na ako roon. Hindi ko siya magawang itulak dahil sa tutol ang puso ko. Tutol ang buong pagkatao ko. Nagpapatianod ako sa kung saan man niya ako kayang dalin sa pamamagitan ng mga halik niya.

Bahala na...bulong ng isip ko.

Sumunod ka...yan ang sabi ng puso ko.

( pasensya na kayo sa editing skills ni otor :')

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

( pasensya na kayo sa editing skills ni otor :')

"Pinsan" boses ni Heidi na mabilis na nagpahiwalay sa amin. Nakatulala ako samantalang may ngiti sa mga labi naman si Poknat  at ni hindi inaalis ang mga titig niya sa  muka ko.

"Ba-bakit pinsan?" nangangatog ang tuhod ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Jake! Akala ko mag cr ka" bakas sa muka nito ang pagtataka.

"Ahmm tinawag ko siya. Tumawag kasi si mama, hinahanap siya" ramdam kong may panginginig ang boses ko pero ang kaharap ko ay puro ngiti lang ang nakikita ko ngiting ngiti ka. Nag enjoy ka no.

"Ganon ba. Tara na, malapit nang matapos yung movie" anyaya nito .

"Sige susunod na kami" sagot kong muli dito.

Tumalikod na si Heidi at bumaba ng hagdan. Nagbuga ako ng hangin na tila ba ngayon ko lang naalalang huminga makaraan ang isang mainit na pangyayari sa pagitan namin ni Poknat. 

"Tara na" sabi ko dito at humakbang palayo pero naramdaman ko ang mga braso niyang yumakap mula sa likuran ko.

"Pwede ko bang sabihin kung ano ang nararamdaman ko" bulong nito habang nakasiksik sa batok ko ang muka niya.

"Pwede ko bang sabihin kung ano ang nararamdaman ko" bulong nito habang nakasiksik sa batok ko ang muka niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Huwag" mabilis na sagot ko.

"Pero alam kong iisa ang nararamdaman natin Poknat" ipinikit ko ang mga mata ko pagkarinig ko sa sinabi niya Oo mahal kita. Pero mahal ka ni Heidi. Ayaw kong makasakit ng ibang tao. At natatakot akong masira ang pagka kaibigan na meron tayo sa oras na ituloy natin to. At hindi ko alam ang mararamdaman nila mama pag nalaman nilang mahal kita.

"We have a deal remember" pag ulit ko dito.

"I don't care. Ma----

"Please don't say anything" pag putol ko sa sasabihin sana nito.
"Love her. Subukan mo. Nakita ko na siya minsang masaktan. She's really broken. She almost give up everything. Nagmahal siya ng sobra sobra noon, at nang biglang mawala ang lalaking mahal niya ay sobra itong nakaapekto sa kaniya. I was there. And I've made a promise to her na hindi ko siya hahayaang masaktan muli. Mahal ka niya. Hindi siya mahirap mahalin" sabi ko saka ko inalis ang mga braso niyang nakayakap sa baywang ko.

Humarap ako dito.

"Promise me. You won't hurt her" tumingin ako sa mga mata niya at bakas ko ang matinding pagtutol dito.

"Please---- For me" muling sabi ko.

Yumuko lamang ito at hindi nagsalita.

"Tara na. Nag iintay na sila" hinawakan ko ang mga kamay niya at hinila palabas ng kwarto. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa palad ko. Na parang ayaw niya na akong bitawan pa.

Pero ako ang unang bumitaw ng makarating kami sa baba ng hagdan.

To be continued...

 Regrets from the past Where stories live. Discover now