Torpe

5 0 0
                                    

Pauwi ako galing school. Ginabi na ako ng pag-uwi ang hirap makasakay ng jeep pa-Dasma Bayan. Punuan lahat ng jeep na dumadaan.

"Dasma Bayan! Dasma Bayan!", pagtatawag ng morenong barker nang may paparating na jeepney na may signboard na Dasma Bayan.

Nag-unahan kami lahat na pasahero pasakay sa jeep para hindi maubusan ng mauupuan.

Sa wakas nakasakay na din~ sabi ko sa isip ko.

Siksikan na kami sa loob ng jeep may ibang pasahero na hindi na maayos ang pagkakaupo basta makauwi lang.

Kinuha ko ang lumang bente pesos sa bulsa ng uniporme ko.

"Bayad po! Isa pong Bayan, estudyante!" Pakikisuyo ko sa katabi ko ng bayad. Pagkaabot ng bayad sa tsuper kinuha ko naman ang cellphone at earphone ko para makapag soundtrip habang nasa biyahe. "If You're Not The One" by Daniel Bedingfield biglang tumugtog sa playlist ko. Napansin kong may mag-syotang naglalambingan sa harapan ko. Kapareho ko ng uniporme pero hindi pamilyar 'yung mukha nila. Mukhang masasaya sila sa piling ng isa't-isa. Sabi ko. Mabuti pa sila. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman ako bitter. Masaya nga ako para sa kanila eh. Inayos ko ang kuwelyo ko at napaisip ng kaunti tungkol sa kung paano kaya ako bilang isang boyfriend? Wala lang bigla ko lang naisip. Natawa na lang din ako. Korni ko!

Meron kasi akong classmate na matagal ko nang gusto. Gustong ligawan. Kaso sobrang torpe ko. Walang lakas ng loob para magtapat at mangligaw. Siguro tatlong taon na din ako naglilihim ng nararamdamam ko sa kanya. Tagal na din pala. Simula 1st year highschool pa 'ata kami nun nung magkacrush ako sa kanya. Ilang beses ko nang sinubukan magsabi ng pagmamahal ko sa kanya kaso torpe nga eh. Naisip ko baka masyado pa kaming mga bata sa mga ganitong bagay.

Dumiretso ako sa simbahan pagbaba ng jeepney. Nagtanggal ako ng earphones. Ipinagdasal ko ang gusto kong ipagdasal. Isa na 'yung nararamdaman ko kay Czarina na sana lumakas na ang loob ko.

Nakilala ko si Czarina nung first year kami.
Unang tingin ko pa lang sa kanya nabighani na ako. Love at first sight, sabi nga nila. Maputi, matangos ang ilong, matambok ang pisngi, singkit na mga mata, naka-headband ang buhok. Sa ugali talaga niya ako nabighani sa kanya. Napakabait niya at masaya kasama. Matulungin, napakamapagbigay. Ngayon matalik na kaming magkaibigan. Kaya mas mahirap na para sa akin ang magtapat sa kanya. Lalo na at may iba siyang gusto. Si Benedict na Valedictorian nung elementary. Kaklase din namin. Appealing sa karamihan. May sense of humor at talented. Kumbaga ideal type ng mga babae. Malinaw kung bakit siya din ang gusto ni Czarina. Ako si Teo, average lang na estudyante. Torpe. Matured mag-isip. Masikreto. Matapang pero kay Czarina lang ako naduduwag.

Hindi Siguro Ako 'Yung Tipo Mong LalakiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt