Status: Single

2 0 0
                                    

"Bessy! May good news ako sa'yo! Dalian mo!" Sabi ni Czarina sa akin nung Araling Panlipunan subject namin. Absent 'yung teacher namin kaya may isang oras kaming magdaldalan sa classroom. Lumipat siya ng upuan sa tabi ko para lang may sabihin sa akin. Pinagharap niya ang mga desks namin. Mukhang seryoso siya sa gusto niyang ibalita sa akin.

"Anong magandang balita naman 'yan?" Sabi ko na medyo nawiwirduhan sa kinikilos niya.

"Bessy! Nag-Facebook ka ba kagabi?"

"Ha? Hindi eh, bakit?" Tanong ko. Ano bang meron sa Facebook kagabi?

"Bessy!" Sambit niya ulit. Hindi niya masabi 'yung gusto niyang sabihin.

"Ano ba 'yun? Sabihin mo na kasi."

"Bessy! Si Benedict!" Pabulong niyang sabi.

Napabuntong hininga ako pagkasabi niya nang pangalang 'yun. Napatingin ako sa kinauupuan ni Benedict na  nakikipag usap sa iba naming kaklaseng lalaki habang may hawak na Physics book. Siya na naman~

"Oh anong meron sa kanya?" Sabi ko na parang walang pakialam. Na parang sawa na akong marinig ang pangalan niya mula kay Czarina. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkakilig niya kay Benedict.

"Bessy! Ano kasi. Si Benedict nag-update ng relationship status niya. Single na ulit siya, Bessy! Break na sila ni Faith! OMG, Bessy! Alam na this! May big chance na ako sa kanya. Bessy! OMG!" Sinabi niya lahat 'yun nang pabulong habang kilig na kilig. Pinanggigilan niya mga kamay ko. Good news ba talaga 'yan?

"Ah. 'Yun ba? Edi congratulations sayo." Pagbati ko nang walang buhay. Bitter.

"Bessy, support naman diyan oh~" sabi niya.
Hawak-hawak niya pa din ang mga kamay ko.
"Alam mo namang super duper in love ako sa kanya." Dagdag pa niya.

"Oo, susuportahan kita, dati pa naman kita sinusuportahan sa kanya. Basta kung saan o kanino ka sasaya. Basta huwag ka muna magboyfriend agad. Maggraduate muna tayo ng college." Paliwanag ko na para niya akong Kuya. Tumango siya at ngumiti.

"Thank you, Bessy ko! Love na love talaga kita!" Niyakap niya pa ako na ikinagulat ko.

Pakiramdam ko naagawan ako ng mahalagang bagay sa akin nung mga oras na iyon. Nasira ang araw ko. Masaya ako kasi masaya siya kapag dating kay Benedict. Pero bakit hindi na lang kasi ako ang makapagbigay ng ganung saya sa kanya. Ang dami kong nararamdaman. Halo-halo na naiisip ko. Literal na mixed emotions.

Naglalakad na kami pauwi. Nakapasok ang mga kamay ko sa mga bulsa ng pantalon ko. Hindi ako umiimik. Sabay ang  bawat hakbang ng mga paa namin. Napansin ni Czarina na ang tahi-tahimik ko. Humawak siya sa braso ko.

"Bessy, bakit kanina ka pa hindi nagsasalita? May sakit ka ba?" Tanong niya.

"Ewan ko ba, bessy. Sumama bigla pakiramdam ko eh. Kailangan ko lang 'ata magpahinga." Pagsisinungaling ko. Masakit ang puso ko.

"Bessy, naku! Huwag mo na ako ihatid. Baka lumala pa 'yang sama ng pakiramdam mo. Buti na lang wala na tayong pasok bukas sakto para makapagpahinga ka agad. Ako na lang maghahatid sa'yo." Pag-aalala niya agad.

"Kaya ko pa! Ako pa ba. Hahatid pa din kita. Ako na bahala sa sarili ko." Sabi ko.

Matagal-tagal na akong nakatayo sa sidewalk habang naghihintay ng masasakyang jeepney pauwi. Madami nang jeepney ang dumaan. Walang pagbabago, punuan ang lahat ng jeep pa-Dasma Bayan.
Kapag wala pa din akong masasakyang jeep magba-Bus na lang ako. Buti na lang dala ko ang earphones ko para makapag soundtrip habang nag-aantay. "I Won't Give Up" ni Jason Mraz ang tumugtog sa playlist ko. Sentimental kaagad naramdaman ko. Naalala ko si Czarina.  Friendzone ba ako?

May napansin akong babaeng nag-aantay din ng jeep. Naka-pink siyang dress na longsleeves. Naka-Skechers rubber shoes siya na white. Naka-bagpack na maliit. Para siyang nawawala. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon ako sa iba. Maya-maya eh bigla siyang lumapit sa akin. Napatingin ulit ako sa kanya pero ngayon mas malapit na 'yung mukha niya. Ang ganda pala niya.

"Kuya, excuse me po!" Sabi niya nang nakangiti. Inalis ko ang earphones ko.

"Hello, anong maitutulong ko?"

"Pwedeng magtanong? May masasakyan po ba dito pa-Dasma Bayan?"

"Ah oo. Maraming jeep dito pa Dasma Bayan. Kaso mahirap lang talaga makasakay ngayon rush hour kasi. Pa-Dasma bayan din ako, sabay na tayo." Sagot ko. Mas lumapit pa siya sa akin. Naisip ko baka tanggihan niya ang pagaaya ko sa kanya lalo na eh lalaki ako.

"Oh nice. Salamat po, Kuya! Buti na lang ikaw ang pinagtanungan ko. Bago lang po kasi ako dito. Kakalipat lang po kasi namin dito" sabi niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Hindi rin nagtagal may jeepney din kaming nasakyan. Sakto dalawang tao na lang ang kasya pagkasakay namin. Magkaharapan pa 'yung inupuan naming dalawa.

"Bayad po! Dalawang Dasma Bayan po, estudyante!" Nagbayad kaagad ako para sa amin. Tumingin ako sa kanya pagkatapos at nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Ang gaan kaagad ng pakiramdam ko sa kanya kahit pangalan niya hindi ko pa alam.

"Kuya, ano po palang name mo?" Nagtinginan 'yung ibang pasahero sa aming dalawa nang magtanong siya. Nahiya tuloy ako sumagot.

"Oo nga pala nakalimutan ko magpakilala. Teo, ako si Teo." Sagot ko.

"Ahh salamat po pala, Kuya Teo! Ako po pala si Marianne." Iniabot niya ang kanang kamay niya para makipag-shakehands. Iba 'to si Marianne.

Nagkwentuhan lang kami buong biyahe. Wala kaming pakialam sa ibang pasahero kung naabala namin sila sa pag-uusap naming dalawa.

"Sige. Hanggang dito na lang tayo. Ibig ko sabihin dito na ako. Mag-ingat ka pauwi sa inyo." Sabi ko pagbaba namin ng jeepney.

"It's nice to meet you po, Kuya Teo! Thank you po!" Nagpaalam siya sa akin ng nakangiti. Ako naman ay lumiko papunta ng simbahan. Mula pagsakay sa jeep hanggang pag-uwi nakalimutan kong medyo brokenhearted nga pala ako kay Czarina. Sabi nila, Don't talk to strangers, pero hindi naman pala dapat nilalahat.

Hindi Siguro Ako 'Yung Tipo Mong LalakiWhere stories live. Discover now