Sakit sa Puso

10 0 0
                                    

"Bessy, maysakit ka pa ba? 🙁", tanong ni Czarina sa akin sa Messenger.  Nag reply kaagad ako.

"Ok na ako. Kumusta naman ang weekend mo?"

"Yey!!~ mabuti namern! Akala ko hindi ka na makakapasok tom eh. Wala akong kasabay maglalunch nun." Reply niya kaagad.

"Hehe. Mabuti nga gumaling na ako. Ayoko pa naman umabsent malapit na din periodical exam."

"Very good ang bessy ko talaga😄😄😄 pakopya pala ako sa exam ah. 🤑 dejoke!"

"Tsk~ mag review din kasi pag may time."

"Joke nga lang! 'To namern.... opo mag aaral po ako nang mabuti. Ako pa ba!"

"Ewan ko sa'yo~ "

"Magaling ka na nga ang sungit-sungit mo na naman eh. Panget muuuuu!😝"

"Mas panget ka :P Wala ka bang magawa ngayon kesa asarin mo ako ngayon?"

"Wala po eh. Tapos na ako sa house chores. Tapos...  ayun lang. Hindi ko naman gusto manood ng TV alam mo namang hindi ko type mga palabas sa TV every Sunday. Ikaw, bessy?"

"Ahhhhh. Nice. Ako. Hindi ko alam eh. Matutulog na lang siguro buong araw. Tapos na din ako sa mga gawaing bahay."

"Wow. Sipag ng bessy ko. Si Papa mo pala?"

"Si Papa may duty siya ngayon eh. Ako lang saka si Captain lang dito sa bahay. Boring nga din eh."  Reply ko nag-send ako sa kanya ng selfie ko kasama ang pusa naming si Captain kasunod nun.

"Waaaah miss ko na si Captain! Huhuhu.  Ang cutie niya talaga."

"Hindi ka niya namiss."

"Pangit ka talaga🤑"

"Wala akong paki."

Sa pag-aasaran naming iyon ni Czarina sa Messenger naalala ko ang una naming pagkikita nung 1st day of school sa 1st year namin sa highschool. Puting-puti ang uniporme niya. Halatang bagong-bago para sa unang pasukan. Naka-tirintas ang mahaba niyang buhok. Pala-ngiti. Tahimik lang siya.

Nakaupo ako noon sa unahan. Sa likuran naman siya. Panay ang sulyap ko sa kanya sa tuwing may pagkakataon ako. Nahuli niya pa nga ako at nginitian lang ako. Nabighani ako nang tuluyan sa kanya. Napakaganda niya. Napakabait pa. Iniisip ko paano ko kaya siya popormahan. Pumasok sa isipan ko nun, Masyado pa kaming bata para sa ganito, kaya itinago ko muna ang nararamdaman ko hanggang sa ngayon.

"Hello! Teo, right?" Tanong niya sa akin nung recess namin habang tahimik akong nakaupo at nagbabasa-basa sa English textbook namin. Napatigil ako at napatingala sa kanya habang nakatayo siya sa gilid ko. Napansin niyang wala ang may-ari ng upuan sa tabi ko kaya umupo na din siya. Ang ganda talaga ng ngiti niya.

"Ah, oo. Ako si Teo. Ikaw si Czarina, tama ba?" Sabi ko. Sinara ko kaagad ang librong binabasa ko. Tumango siya kaagad at ngumiti ulit. Tiningnan niya 'yung librong binabasa ko.

"Sipag mo naman! Ako nga hindi ko pa nabubuklat 'yang librong 'yan. Matalino ka siguro? No?"

"Eh? Hindi naman. Sakto lang." Nahihiya kong sagot at tumawa nang mahina.

"Ah. Ako din eh. By the way, recess naman. Tara sa canteen!" Pagyaya niya at tumayo siya at kinuha ang kanang kamay ko.

"Ah. Ok lang ako. May baon naman ako." Tumanggi agad ako at ngumiti. Nilabas ko ang baon kong tinapay, Pan de Coco.

"Yun naman pala eh may baon ka tapos hindi kapa kumakain. Bad 'yan. Kainin mo na 'yan at ako ay gutom na, bibili lang ako sa canteen. Nice to meet you! Bye!" Sabi niya. Ang mga kamay niya nasa loob ng  bulsa ng palda niya. Nasabi ko sa sarili ko napaka astig niyang babae. Ang ganda at napaka palakaibigan. Siya ang babae pero siya pa ang naunang lumapit at magpakilala sa akin. Ang cool niya~

Pagkatapos ng ilang mga araw naulit pa 'yun, sa pangalawang pagyaya niya sa akin sa canteen eh sumama na ako. Noong una tuwing recess lang kami nagkakasama sa canteen, tumatagal-tagal pa eh pati lunch break sabay na kami.

Siya 'yung babaeng kilala nang karamihan sa buong academy. Mapa kapwa estudyante man pati mga teachers namin eh kilala siya. Sa tuwing maglalakad kami sa hallway at may makakasalubong kaming schoolmates eh lagi siyang babatiin na binabati niya din naman na palaging nakangiti. Hindi naman siya 'yung tipo ng Queen Bee sa school. Sadyang kilala lang siya at maganda. Malinis siya sa katawan. Mahilig sa pabango. Paborito niya 'yung Juicy na brand ng pabango 'yung kulay pula. Vanidosa siya masyado para sa edad niya.

Noong una napagkakamalan kami na kami. Madalas na  kasi kami magkasamang kumain at sabay sa pagpasok at pag-uwi. Sinusundo ko siya at hinahatid ko siya pauwi. Hanggang sa nasanay na silang nakikita kaming ganun araw-araw sa school. Nawala ang mga hinala nila. Lagi lang ipapapaliwanag ni Czarina na matalik niya lang akong kaibigan at hanggang doon lang kami.

Bawat field trip hindi pwedeng hindi kami magkatabi kaya malayo pa lang ang field trip namin nagpapareserve na kaagad kami sa dalawahang upuan para kami lang ang magkatabi sa bus. Lagi niya akong hinahatian ng kung anong meron siya lalo na sa pagkain.

Sa tagal nang pagkaka-ibigan namin ang dami-dami nang napagdaanan namin. Away-bati kami. Ako kasi suplado, siya naman napakalambing.

Hindi kami pwedeng magsikreto sa isa't-isa. Dapat alam namin ang nangyayari sa isa't-isa. Personal man na bagay. Isang beses hindi ko lang nasabi na hindi ako mahilig sa kape eh nagtampo siya sa akin ng ilang araw, hindi ako pinapansin. Lubusang paghingi ko ng sorry sa kanya nun.

Ngunit may isang sikreto akong matagal ko nang itinatago, na hindi pa ako handang malaman niya. Ang pagmamahal ko sa kanya.

"Bessy! Oo nga pala! Ni-like ni Benedict 'yung profile picture ko😍😍😍" nag-send siya ng screen shot ng pangalan ni Benedict na isa sa mga nag-like sa profile picture niya.

"Eh ano naman? Tingin mo eh gusto ka na din niya?"

"Grabe ka naman!!!!! Suporta naman diyan. Bitter mo kahit kailan.😠😠😠😠😠"

"Huwag mo ngang pinagsasayangan ng panahon 'yung ganyan."

"Oo na po. Pero napag-usapan na natin  to sabi mo susuportahan mo ako kay Benedict?😢"

"Oo. Pero ayoko namang makita ka na umaasa ka sa mga ganyan niya. Ok ba 'yun?"

"I know, right.... hindi naman ako aasa. Bessy, this is just a kilig. Kinikilig lang ako. Anekebe. Huwag ka nga! Kayo talagang mga boys masyadong mga seryoso."

Napabuntong hininga na lang ako saka ako nagreply kay Czarina. Parang magkakasakit na 'ata talaga ako. Kaya ayoko nang nakikipag-usap sa Messenger. Mas gusto ko personal na pag-uusap.

....

Hindi Siguro Ako 'Yung Tipo Mong LalakiWhere stories live. Discover now