Prologue

997 18 0
                                    

Coleen's POV

Haaayyy! Good morning world!

First day namin ngayon sa school. Bakit ko nasabing namin? Ehh kasi may kasama ko syempre. Tsss. Anyways, makaligo na nga. Baka malate pa ko.

"Coleen! Bilisan mo malelate tayo!" Sabi ni kuya. Tsss. Lagi naman siyang late ehh. Dinadamay lang ako. Pero dahil first day ngayon, maaga kami. Tuwing first day lang yan maaga.

"Opo kuya!" Sigaw ko sakanya. Pumasok na ako sa banyo at naligo na. Pagkatapos kong maligo, nagdamit na agad ako ng school uniform namin at bumaba na. Pagdating ko sa baba, kumakain palang si kuya. Kitams! Bilisan ko daw ehh di pa pala siya nakakaligo!

"Kuya! Sabi mo bilisan ko? Ehh di ka pa pala nakakaligo ehh" sabi ko sakanya. Cool na cool pang kumakain.

"Ehh mabilis naman akong maligo ehh. Kaya okay lang yon" sagot niya. Hayss. Nga pala, siya si kuya Ethan Monteverde. Panganay kong kapatid, syempre kuya ko nga ehh. Sobrang protective niyan sakin. Kesyo wag daw muna kong magboboyfriend at makakasama lang daw yon sa pag-aaral ko.

"Sabi mo ehh" sabi ko nalang sakanya. Tapos na kong kumain kaya pupunta na ko sa kotse. "Kuya mauna na ko sa kotse ahh" sabi ko sakanya.

"Okay" sagot niya.

~~~~~~~~~~

Buti nalang di talaga kami nalate. Nandito na ko sa room ko at hinihintay nalang namin yung professor namin. Dun ako naupo sa favorite spot ko. Sa may dulo. After 5 minutes, dumating na rin yung professor namin.

"Goodmorning class. I will be your teacher in your first subject. Pero dahil first day palang naman, di muna ko magtuturo. Magpakilala nalang kayo sa klase. By the way, I'm Anthony Geronga, your teacher in Math." Sabi nung teacher namin. Nagsimula ng magpakilala yung iba kong classmates. Hanggang sa ako na pala yung magpapakilala.

"Hi! I'm Coleen Monteverde. 16 years old. Nice to meet you all. Sana magkasundo tayong lahat." Sabi ko. Pumunta na ko agad sa pwesto ko at naupo na. Maya-maya, biglang bumukas yung pintuan at may lalaking pumasok. Wow! Pogi!

"Sorry I'm late sir." Paghingi niya ng paumanhin sa teacher namin. Tumango lang yung teacher namin.

"Sige. Have a seat" pagkasabi non ni sir, tumingin siya dito sa gawi ko. May bakanteng upuan pa kasi dito sa kaliwa ko. Swerte ko naman, makakatabi ko si kuyang pogi.
"Wait. Introduce yourself in front please." Sabi ng teacher namin at napahinto naman yung lalaki sa paglalakad. Tumalikod siya at pumunta na sa harap.

"Hi. I'm Luke Fuentabella. 17 years old. Nice to meet you all." Sabi niya. Yow! Muntik pa kaming magkamuka ng sinabi ahh! Hahahah! Dumiretso na siya at umupo na sa tabi ko. Parang nailang naman ako kasi bigla siyang tumingin sakin. Nagiwas nalang ako ng tingin ko. Napabalikwas ako ng bigla siyang magsalita.

"Hi. What's your name?" Sabi niya. Di ko alam kung ako ba yung kinakausap niya kaya tinuro ko pa yung sarili ko. Tumango naman siya.

"Ahmm, I'm C-Coleen. Luke, right?" Sabi ko at tumango naman siya. Nagusap lang kami ng ilang sandali. Masaya naman siyang kausap.

"Uhh, sabay na tayo?" Sabi niya na ikinagulat ko naman. Sabay daw? Saan kaya?

"Huh? Saan?" Tanong ko pabalik sakanya. Di ko kasi alam kung ano yung tinutukoy niya.

"Haha. Snacks. Sabay na tayo kumain?" Sabi niya. Ahhh. Tinatanong pala niya ko kung pwede kami magsabay sa snacks.

"Uhm, sige. Tara na." Yaya ko sakanya at nauna na kong lumabas ng room namin. Sumunod na lang siya.

~~~~~~~~~

Natapos ang buong maghapon ng wala namang nangyayaring hindi maganda. Hinatid pa nga ako ni Luke ehh. Sabi ko, wag na. Pero nagpumilit siya kaya ayon, pumayag na rin ako. Paguwi ko sa bahay, nanlilisik yung mata ni Kuya Ethan. Bakit kaya?

"Sino yung lalaki na yon, ha?" Sabi niya. Ahh kaya naman pala. Akala niya siguro may bf na agad ako! Hahaha! Bilis naman kung ganon.

"Wala. Kaibigan ko lang. Siya kasi yung una kong nakaclose ehh." sagot ko.

"Siguraduhin mo lang Coleen Trisha Monteverde." Sagot niya sabay alis. Nako! Tinawag na ko sa buong panagalan ko. Seryoso nga si kuya. Hahah! Kahit kelan talaga siya ang OA na kung makaprotekta sakin.

Tumaas na lang ako saka naligo. Pagkatapos ko, nahiga na agad ako sa kama ko. Feeling ko pagod na pagod ako, wala naman akong ginawang nakakapagod. Hayy, makatulog na nga lang. Buti nalang walang assignments na pinagawa agad.

Pinatay ko na yung ilaw at saka ako nahiga. Mabilis naman akong nakatulog.

×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××

Hi! Sana suportahan niyo po ito. Lalo na po sa friends kong adik din sa wattpad kaya ngayon, gumagawa na kami ng story namin. Wala akong pake kung mapangitan kayo. Ede burahin niyo. Eazy! Hope you like it, Guys!

Cast:

...Third Kamikaze...

(Luke Warren Fuentabella)

...Creamy Kamikaze...

(Coleen Trisha Monteverde)

(P.S: Hindi po magkapatid sa totoong buhay si Third at Creamy. Group po kasi ang Kəmikəze...)

Love You Until DeathWhere stories live. Discover now