Chapter Four

210 14 2
                                    

Chapter Four: Crush

Coleen's POV

Hindi talaga mawala sa isip ko yung aksidenteng kiss namin ni Luke. Hay! Tapos hindi pa ko makatambay sa garden, tuwing pupunta ko nang garden, naaalala ko lang yun. Kaya hindi na ko tumutuloy. Tapos hindi ko maiwasang iwasan si Luke, naiilang kasi ako pag kasama ko siya. Kaya gumagawa ako nang paraan para mapaikli yung oras na kasama ko siya. Kunware sasabihin ko na may assignments ako para makauwi na agad. Ang sama ko na siguro sakanya. Kahit na alam kong hindi naman niya sinasadya yon, iniiwasan ko parin siya. Haist!

Kasalukuyan akong naglalakad para pumunta sa library. Uwian na kase ehh. May assignments kami sa Math. Kailangan kong pumunta sa library at humingi nang tulong sa mga libro doon.

Nagulat ako nang biglang may umakbay saakin. Hindi naman 'to si Luke, iba yung pakiramdam ko.

"Wahh! Tulong! Rap--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi tinakpan na niya yung bibig ko. Wahhh! Sino ba to?!

"Chill, Coleen. Ako 'to si Matt. Yung kaibigan ni Luke. Matteo Ezekiel Ferrer. Matt nalang for short " sabi niya sabay kindat sakin. Ahh siya pala yung madalas na kasama ni Luke. Kaibigan niya pala to. Pero, nak ka nang nanay mo! Ang pogi!

Dinala niya ko sa dulong parte nang library. Dun kami naupo. Tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya dito. Bigla ba naman kasing sumulpot?

"Ahh, Matt. Bakit ka nga pala nandito? Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya. Wahh! Ang pogi niya!

"Wala naman. Alam mo ba kung nasan si Luke? Hindi kasi kami sinisipot ehh" tanong niya. Oo nga noh? Di ko pa nakikita si Luke simula kaninang umaga.

"Hindi ko alam, ehh. Sorry Matt. Medyo may ilagan kaming dalawa. Naiilang ako sakanya ehh" sabi ko sakanya. Tumango naman siya. Alam na niya kaya yung sa kiss namin ni Luke?

"Ahh oo. Dahil dun sa aksidenteng kiss niyo?" Tanong niya. Nanlaki naman bigla yung mata ko. What?! Alam na niya?! Ang daldal mo Luke! "Hahaha. Sorry nadulas ako. Patay ako kay Luke. Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman ipagkakalat ehh" sabi niya sabay ngiti ulit. Huwahh! Ang pogi niya talaga kapag ngumingiti siya. Nak ng teteng oo!

"Ahh okay. Saglit lang, kukuha lang ako ng mga books para sa assignments ko" sabi ko sakanya. Tumayo naman siya kaagad.

"Tulungan na kita, Coleen. Ano bang book kailangan mo?" Sabi niya. Pumunta naman agad kami sa mga shelves para ituro kung anong book ang kailangan ko. Palapit na sana ko sakanya para sabihin okay na ang mga librong nakuha namin nang biglang may pumatid sakin. Dahilan para masubsob ako sakanya.

"S-Sorry, Matt! Hindi ko sinasadya. Napatid kasi ako ehh" sabi ko sakanya. Da fvck! Napapamura na ko sa isip ko. Napaka pogi niya talaga. Lalo na at sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Ayan nanaman, ngumiti nanaman siya!

Tinulungan niya kong makatayo ng maayos.

"Okay lang, hahah. Be careful next time" sabi niya sabay ngiti ulit. Wahh! Bakit ba ang pogi mo, Matt? Naiinlove na ata ako sayo. Napansin niya sigurong natulala ako sakanya kaya ngumiti ulit siya. Ahh! Mababaliw na ko!

"Ah eh, s-sorry ulit. Ang pog-- este salamat pala sa pagtulong sakin" sabi ko sakanya. Naman oh! Muntik pa kong madulas na sabihin na ang pogi niya, tumawa lang siya.

"Hahah, you're welcome" sabi niya ulit sabay ngiti. Ano ba?! Mangingisay na ko sa kilig dito! Please! Wag ka na ngumiti baka halika-- wahh! Ano ba yan. Kung ano ano na naiisip ko.

"Ahh sige. Tara na sa table. Gagawin ko na yung assignments ko sa Math" sabi ko. Tumango naman siya at sabay na kaming pumunta sa table kung nasan ang mga gamit ko. Kasalukuyan na kong nagsasagot nang biglang mahulog yung ballpen na gamit ko. Yumuko ako para sana kunin yung ballpen ko, nang hahawakan ko na, may biglang humawak kaya nahawakan niya yung kamay ko. Pagtingin ko, si Matt! Wahh!

Love You Until DeathWhere stories live. Discover now