Chapter Thirty Nine

120 5 0
                                    

Chapter Thirty Nine: Danger

Coleen's POV.

"Aarte ka pa, kumain ka nalang." sigaw sakin ni Cole. Naririnig ko kasi kanina yung pag-uusap nila. Narinig ko ring Cole ang pangalan niya.

Siya nga pala yung lalaking may cold na boses.

"Eh paano ako kakain? Kita mo namang nakatali mga kamay ko. Tsss," malamig kong sagot.

"Susubuan nga kita." sagot niya. Mas malamig pa sa boses ko.

Tinapat niya sa harap ng bibig ko yung kutsara na may lamang kanin at ulam.

Tinitigan ko muna siya bago ko binuka yung bibig ko. Mabilis niya namang sinubo sakin yung pagkain.

Pinakain at pinainom niya ako ng tubig. Sa isang oras na magkasama kami, ni hindi kami nag-uusap.

Tumayo na siya at niligpit ang pinagkainan ko. Hindi ko nalang siya pinansin.

Sandali pa niya akong tinitigan, at saka tumalikod at naglakad papunta sa pinto.

Lumingon ulit siya sa akin nang isang beses pa bago lumabas at i-lock ulit ang pinto.

Sinubukan 'kong galawin yung kamay 'kong nakatali sa likuran ng inuupuan 'kong upuan. Masyadong mahigpit. Mahigpit rin ang pagkakatali ng mga paa 'ko.

Si Ally nanaman ba ang may pakana nito?

Nilibot ko ang paningin 'ko sa kwarto kung nasaan ako ngayon.

Walang bintana at tanging semento lang ang makikita mo maliban sa pinto. May isang ilaw naman na nakasabit sa kisame na mismong katapat ko.

Medyo malaki rin ang kwarto. Para akong nasa isang bodega na inabando na.

Nasa mismong gitna ako nakapwesto. Nakatali ang mga kamay at paa.

Natigil ako sa pagmumuni ng bumukas nanaman yung pinto.

Pumasok ang limang lalaki kabilang na yung tinatawag nilang 'Boss' nila na naka-face mask.

Hindi nila kasama yung nagpakain sakin kanina na si Cole.

"Ano? Nabusog ka ba?" tanong sakin ng tinatawag nilang Boss.

Hindi ako sumagot at tumitig lang sakanya. Humakbang siya ng ilang beses palapit sa akin. Hanggang sa nasa harap ko na siya mismo.

"Do you know me?" tanong niya. Bakas sa boses niya na nasisiyahan siya kahit pa tinititigan ko siya ng masama.

Hindi pa rin ako sumagot. At nanatiling nakatingala, nakatitig sakanya ng masama.

"Well, I guess, no. Then, I'll introduce myself to you, milady." sabi niya at lumuhod sa harap ko kaya naman nagpantay na ang paningin namin.

"My name is... You think I'll tell you? Haha, I'm sorry but, no." sagot niya at malakas akong sinampal sa kanan 'kong pisngi.

Nalasahan ko naman ang sarili 'kong dugo na lumabas sa gilid ng labi ko.

Hindi ako gumalaw at pinatiling nakatagilid ang ulo ko mula sa pagkakasampal niya.

Sinundan niya nang tingin yung mata 'ko.

"Masakit ba? Definitely, I'm sure hindi ka nasaktan." sabi niya at sinampal pa ulit ako ng isa.

Tss, bading ba 'to?

"Yan lang kaya mo?" walang emosyong sabi ko at nakipagtitigan sakanya.

Agad namang nakita ang galit sa mga mata niya.

Love You Until DeathDonde viven las historias. Descúbrelo ahora