Chapter Forty Four

124 7 0
                                    

Chapter Forty Four: Officialy Dating

Coleen's POV.

Naupo nalang ulit ako sa sofa. Haaay! For sure, maraming damit si Eroll. Sa dinami-dami ng damit na susuotin niya, bakit katerno pa nung suot ko ngayon? Argh!

At for sure, aasarin nanaman ako nito! Walang tigil! Pangalawang Argh!

Inis na naglaro ulit ako sa phone ko. Naman kasi! Baka kung anong isipin ni Eryll nito kapag nakita kami!

"Aaaaaaaaah!" inis kong sigaw nang matalo pa ako sa nilalaro ko.

"Oh, Lord. My baby is driving me crazy." nakangising kanta pa ni Eroll. Yung kantang 'Beautiful Girl'. "Your way too beautiful girl. That's why it'll never work. You'll have me suicidal, suicidal. When you say, it's over." dugtong pa niya habang nakangisi sakin.

"Lumubay ka nga! 'Di naman maganda boses mo e!" inis kong sabi sakanya.

Pero ang totoo, sobrang sarap sa pandinig ng boses niya.

"Sus, hindi daw." pang-aasar pa niya. "Yiee couple shirt tayo."

"Couple Shirt ka diyan. Ikaw kaya ang bumili nito. Malay ko ba na meron ka rin pala." sagot ko.

Natawa naman siya.

"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo."

Napatingin ako sakanya ng kumanta ulit siya. Sobrang sarap talaga sa pandinig ng boses niya. Sa totoo lang, malamig ang boses niya. Pero maganda talaga, e.

"May minsan lang na nagdudugtong.

Damang dama na ang ugong nito.

Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas sa'yo.

Ibinubunyag ka ng iyong mata.

Sumisigaw ng pagsinta."

Tumingin siya sa akin. Yung tingin na kakabahan ka. Sobrang seryoso niya kasi.

"Ba't 'di papatulan?

Ang pagsuyong nagkulang.

Tayong umaasang hilaga't kanluran.

Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo.

Ako ang sasagip sa'yo."

Hindi ko na namalayan na sumabay na pala ako sa kanya sa pagkanta 'non.

"Oh ano? Maganda yung boses ko diba?" sabi niya. Titig na titig parin sa akin.

"O-Oo nalang," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

Ano nanaman bang problema ng lalaki na 'to? Kanina nang-aasar, ngayon seryosong seryoso.

"Tara," sabi niya at hinawakan ako sa kamay at hinila patayo sa sofa. Kinuha ko naman yung cellphone ko.

Naglakad siya papunta malaput sa may hagdan. Dahil hawak niya yung kamay ko, nagpahila nalang ako.

"Eryll! Aalis kami ni Coleen, a!" sigaw niya.

"Yes Kuya!" medyo mahinang sagot ni Eryll. Malayo kasi yung kwarto niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Mag-de-date," maikling sagot niya.

Hindi naman akk nakasagot agad. Date? Seryoso?

"Seryoso ka?" natatawang sabi ko.

Tumingin naman siya sakin. Seryosong seryoso.

Love You Until DeathWhere stories live. Discover now