Chapter 2

1.6K 21 0
                                    

 [THE SORRY]

Cleo POV.


Late na'ko!


Agad akong tumayo at nagtungo sa banyo para maligo, after nun hindi na'ko nagdalawang isip, umalis na'ko. Nakalimutan kong mag-toothbrush at ang nagawa ko lang ay ang mag-mumog. Kadiri! 

Pag-dating sa school agad akong nagtungo sa room ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala pa si Sir. Tumabi ako sa tabi ni Rhen at Ryu. Nasa harapan naman sina Madette at Ken, na kumaway pa sakin kaya naman kinawayan ko rin sila. 

"Nag-toothbrush kaba?" nahiya ako sa tanong ni Rhen, mukhang amoy yung baho ng bunganga ko. 


"Nakalimutan ko na, kasi akala ko late na'ko. Mabaho ba?" sabi ko sabay amoy sa bibig ko. 

"Hindi naman gaano, pero heto buti nalang talaga may dala akong candy." sabi n'ya sabay abot sakin. Sinira ko na agad yung plastik at kinain yung candy. Kahit papaano maiibsan nito yung baho ng hininga ko. Nagsipagtayuan kami nang makitang pumasok na yung teacher namin. 

Sabay sabay kaming bumati sakanya. 

"I have an announcement, alam ko maaga pa pero may gaganaping try-out sa kahit anong sports dito. Yung mga interesado pwede kayong pumunta sa field mamaya." masayang tugon ni Sir. Sports? tinaas ko yung kamay ko. 

"Yes?" tanong n'ya.


"Ano pong mga sports nandun?" tanong ko. Gusto ko kasing malaman kung meron akaido. 


"Hindi ko pa alam, basta mamaya daw malalaman, ang alam ko lang ay mag-hahanap ng mga bagong koponan bukas para sa Basketball." Nagtaka ako sa sinabi n'ya, siguradong yung iba ko ring mga kaklase. 


"W-why? what happened?" tanong ni Amber.

"Well, the Brizzard Team is now on the hospital, sabi kasi sa'men nagka-trouble ang team at halos karamihan sakanila ay napuruhan." sila Harry ba ang tinutukoy nya? nakonsensya ako bigla. Kasi naman sila e! kung hindi nila ako sinundan kagabe edi sana hanggang ngayon ok lang sila. 


"Hey? are you alright? bakit natahimik ka ata?"sabi ni Ryu. Napatingin ako sa kanila.

"may gusto sana akong sabihin sainyo." sabi ko. 


"ano naman yun?" tanong ni Rhen. 

"Ako ang bumugbog kila Harry kahapon." Bulong ko. Halata naman na pareho silang nagulat sa sinabi ko.

"Ano? ano bang nangyare?" bulong na sabi ni Ryu.

"Kasi habang naglalakad ako nagulat ako nang tawagin ako nila Harry so, ako naman humarap gaganti daw sila sa ginawa ko sakanya. Tsaka dun nalang nila ako sinugod after nun may lalaking tumulong sa'kin." paliwanag ko. 

"Nako, mahirap yan. Teka sino ba yung tumulong sayo?" tanong nya. 

"Hindi ko natanong pangalan, basta ang gwapo n'ya. Matangkad, brown eyes. matangos ilong at masungit. Psh." sabi ko. 

"Hindi kaya si Gray Smith yang sinasabi mo?" tanong ni Rhen.

Gray Smith?

[HOSPITAL]

Nakonsensya ako kaya pumunta ako dito, nagdala pa ko ng chocolates at roses. Naki-utang muna ko. Pasalamat sila mabait ako. Nang buksan ko yung pinto nagulat sila nang makita ako yung iba nagtago at yung iba naman mukhang iiyak na.  Hindi naman makatingin sakin si Harry. Lumapit ako sa lamesa at inilapag yung bulaklak at chocolates. Humarap ako sakanila at ngumiti. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nung isang lalaking may benda yung ulo. 

i pout.

"Pumunta ako dito para humingi nang tawad sa ginawa ko sainyo." sabi ko sabay yumuko. 

"IKAW DAPAT- ikaw dapat nandito!" napahawak si Harry sa kanyang bewang, pati ako nasasaktan sa nangyayari sakanila. 

"Sorry na nga eh, kung hindi sana kayo sumugod edi sana hindi ko kayo nasaktan. Tsaka hindi lang naman ako ang gumawa n'yan sainyo eh!" sabi ko. 

"So, kami pa may kasalanan?" Tanong nung isa.

Yumuko ako.

"Oo." sagot ko. 

"Ikaw- AHH!" sabi n'ya. Napapikit ako sa narinig, ramdam ko yung sakit nila.

"Kung di dahil sayo, kasama pa sana kami sa Sports!" sabi n'ya. 

"Sorry na nga eh! Bakit ba kasi ayaw nyong tanggapin?" Tanong ko. 

"Tatanggapin namin pero sagutin mo muna tanong namin." nabuhayan ako sa sinabi ni Harry.

"Sure kahit ano!" sabi ko.

"Babae kaba o Lalaki?" nainis ako sa tanong nya kaya naman akma akong lalapit para sapakin 'tong si  Harry pero nakapag-pigil ako kaya tumigil ako. Kita naman sa mukha nila yung takot. 

"BABAE AKO!" singhal ko. 

"Ahh. Pinapatawad kana namin." sabi nya. 
Lumapit ako para yakapin sya. 

"Salamat!" sabi ko.

"Si Gray Smith nalang ang hindi pa humihingi nang tawad." sabi ni Harry. Gray Smith nanaman? Sya ba yung lalaking tumulong sa'kin?

After nun, naglakad na ko pauwi, hindi parin mawala sa isip ko yung nangyare nung nakaraang gabi, Gray Smith pala yung lalaking yun. Hindi ko napigilang mapangiti sa nangyare. Ewan ko ba! masyado akong hangang-hanga sa lalaking yun, eh tinulungan lang naman n'ya ako. 

"Ow!" singhal ko nang bigla akong nakabangga. Tinaasan ko sya ng kilay. 

"Sorry ma'am." sabi nya. 

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinaanan mo. Psh!" sabi ko sabay alis. 


"Nag-sorry na nga diba?" nanlaki mata ko sa sinabi nya. Aba, sumasagot kapa ah!
Napansin ko na may dala syang gitara. Mukha syang musician, sa suot palang malalaman mo na agad. 

"Ok! fine, lumayas ka na sa harap ko. Baka masapak pa kita." sabi ko. Mukhang nagmamadali sya kaya naman dali-dali syang tumakbo. 

"psh, akala mo kung sinong gwapo, wait, in fairness gwapo sya. AYTS! Cleo. umayos ka nga!" sabi ko sa sarili. 

Nang maka-uwi ako umupo agad ako. Nakakapagod kaya maglakad! 

GRAY POV.

"Gray, are you sure about that? hindi ka talaga hihingi ng sorry kay Harry?" tanong sa'ken ni Alden. 

"Hindi naman ako ang nanakit sakanya, yung babae." sagot ko. Bakit ako hihingi ng sorry sa taong hindi ko naman sinaktan? at tsaka hindi ako ang nag-umpisa.

"Babae?" tanong naman ni Arden. Alden and Arden are siblings. 

"Yes, a girl name Cleo. Naglalakad ako pauwi when i heard some noise, when i check she's fighting with them. I just help her." wala kong ganang sabi. 

"Naglalakad? diba may kotse ka?" tanong ni Alden. 

"WOOOW! i wish i was there, para akong nanonood ng pelikula nun!" sabi ni Arden. Base on what i see, she's well skilled. And i was impress, but yet she's still a girl. 

"quit asking, i'm tired i need to sleep." sabi ko, when i go up. Natulog na agad ako. 


CLEO POV.

Aww! ang sakit nang katawan ko. Pakiramdam ko mukha akong nabugbog. Maaga palang ay naligo na'ko pagkatapos ay nagtungo nako sa school. 

"Well,well, look who's here, the war freak." Napatingin ako kay Amber sa narinig. HOY BABAE! Baka gusto mo yatang mabugbog! Ayusin mo yung pananalita mo.  Hindi ako magdadalawang isip na hilahin yang dila mo! Sa isip ko. 

Ngumiti lang ako. Ayun! nainis si ate. 

"EVERYONE LISTEN!. Nagpapasok tayo ng warfreak sa school natin, and for correction. Sya ang bumugbog sa buong team ni Harry." nanlaki mata ko sa narinig. Pano nya nalaman?!

"Totoo ba yan, Cleo?" tanong ni Rhen. Tumango ako and nagulat naman sila. 

Nagulat ang lahat nang may biglang pumasok, napatingin ako, Teka, sya yung tumulong sakin a!

"OMG! Tama ba nakikita ko? Si Gray?!" Napatingin ako sa nagsalita. 

Sya nga! 

"You!" napatingin ako sakanya nang bigla nya akong ituro. 

"Oh?b-bakit?" tanong ko. 

Nanlaki ang mata ko nang bigla nya akong hilahin. 

Seducing, Mr. Gray Smith.Where stories live. Discover now