Chapter 8

1K 32 0
                                    

                                                                                      COPY CAT.

CLEO POV.


"Cleo, you need to see this." sabi ni Madette. Napatingin naman ako sa cellphone nya. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Teka, bakit nya ginaya pananamit ko?! trip a talaga ako ng babaeng to?!

"Simula nung nakit ko to, hindi ko na sya idol." Sabi ni Madette. Napapikit naman ako sa inis. 

"You look like her." Sabi ni Gray sabay tawa, bigla akong nainis at kinotongan ko sya. 

"Ginigigil talaga ako ng babaeng yun ah!" maglalakad na sana ako ng hawakan ni Gray balikat ko. 

"Wag mo na sya patulan, nagmumukha kalang mababang tao kapag pinatulan mo ang babaeng walang kwenta, let me handle her." Sabi nya sabay kindat, ewan nawala bigla inis ko. Buset ka Gray. Alam mo kung pano ako mapapakalma. Tumango lang ako sa sinabi nya. 

Habang nasa canteen kami, nagulat kami ng sumulpot si Alice sa harapan namin. 

"Can i share?" Tumingin ako kay Rhen, tinanguan nya lang ako. 

Nang tignan ko itsura nya. Nainis ako nang makitang parehong pareho kami ng pananamit, simula ulo hanggang paa. Hindi ko mapigilang matawa. Yung idol ng bayan idol nako. I feel like celebrity. 

"Cleo, ang ganda ng suot mo ngayon." Puna ni Rhen. Ngumiti ako at nag-thank you sakanya. 

"Gray, may sasabihin ka ba sa suot ni Cleo?" tanong ni Rhen. 

"Gorgeous." Hindi ko mapigilang mamula sa sinabi nya. Pano banaman kasi nakangiti sya nung sinabi nya yun. 

"W-what about me?" nakangiting tanong ni Alice. 

Napatingin ako kila Ryu at Ken. 

"Kain na tayo." Natawa ako sa sinabi nila. Akala ko ba crush nyo sya?

"I'm done playing around here." Nagulat ako ng maglabas ng kutsilyo si Alice at akmang itutusok sakin. Nakarinig ako ng sigawan, napapikit ako para wala akong makita. Pero nung wala pang segundo wala akong naramdaman. Nang minulat ko mata ko, nagulat ako nang makitang  hawak ni Gray yung kusilyo. Nararamdaman ko yung patak ng dugo sa aking balikat. Binitawan ni Alice yung kutsilyo. Pumasok naman yung mga guard at dinakip si Alice. Agad ko namang kinuha yung kamay ni Gray at binalot ang table napkin. Hindi na ako nagsalita at pumunta na kami sa clinic. 

"Iwan nyo muna kami." Sabi ko kila Rhen. Blanko parin yung mukha ni Gray habang ginagamot sya ng nurse. Nang malagyan ng benda at magamot. Tinignan ko si Gray. 

"Bakit mo ginawa yun? ha?" tanong ko. Hindi parin sya nagsasalita. 

"Alam mo, hindi mo naman kailangan akong iligtas. Kaya ko sarili ko, tignan mo kung anong nangyare sayo. Napahamak ka dahil saken. Alam mo naman na ayokong masasaktan ka dahil sakin! Gr-" hindi na ako nakapagsalita nang sakupin nya labi ko. Biglang bumilis tibok ng dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makakilos o makagalaw. Hindi rin ako makapalag. Nang bitawan nya labi ko, biglang bumukas yung pinto, napahawak ako sa labi ko. 

"Ano kamusta?" 

"Anyare na sa sugat mo?"

"I'ts fine." Rinig kong sabi ni Gray. Hindi ko alam ang gagawin, nakakagulat ang mga pangyayari. Nagulat ako nang hawakan ni Rhen balikat ko. 

"Oy, okay kalang? Wag na kayong mag-alala kay Alice. Kinuha na sya ng mga pulis. Mamaya Gray kailangan mo syang puntahan. Kailangan natin syang sampahan ng kaso." Sabi ni Rhen. Tumango lang ako. Nang tignan ko si Gray. Nakatingin lang sya sakin. Pangalawang beses na ang paghahalik namin. Ano ba ang meaning nun?!

Nang matapos ang klase nagtungo kami sa presinto. Sobrang daming tao. Media, at reporters. Palihim kaming pinapasok sa loob ng presinto. Nakita kong nakayuko si Alice kasama ang isang matandang babae. Mukhang abogado. 

"Mr. Smith, have a seat." Sabi nung pulis, umupo naman sya, napatingin ako sa sugat nya. Nagduduo parin. Napailing lang ako sa nakita. 

"Sabihin mo ang buong pangyayare." sabi ng pulis kay Alice. Napatingin ako sakanya nang akmang tignan nya ako ng masama. 

"That girl. She start it, she push me and i was mad kaya naman i get the knife from the table and.. and.." napangiwe ako sa sinabi nya. May gana pa syang magsinungaling sa lagay na yun?!

"And what?" tanong ni Rhen. 

"I.. i was going to.. but Gray he hold it!" galit na sabi nya. 

"Base sa nakita namin, may balak kang patayin ang dalagang ito. Ngayon, magdedesisyon ang nabiktimang si Gray Smith na ipapakulong ka o hindi." sabi ng pulis, nabaling ang tingin namin sa lalakimg tinutukoy ng pulis. SI GRAY. 

"Put her on a jail." Sabi ni Gray. Napatingin ako kay Alice na nakangiti. 


"Do you have a heart, Gray?" tanong nya, napatingin ako kay Gray na napatigil sa sinabi nito. 


"I do. Aren't you?" tanong ni Gray. 


Hindi ko alam ang pinaguusapan nila, tumayo si Gray. 

"Don't act like a child." sabi nito kaya naman naglakad na si Gray sa labas ng presinto. 

Sinundan namin sya hanggang sa labas. Wala akong maisip na sasabihin sakanya, mukhang hanggang ngayon ay galit parin sya, yung halik? yung halik para saan yun?

"Oy, ok kalang? kanina kapa wala sa sarili." sabi ni Rhen. Napatingin ako kay Gray na nauna nang sumakay sa kotse. Nakita ko rin na umalis na'to. Mukhang wala nga talaga syang ganang makipag-usap.

"Kita mo yung lalaking yun! iniwan nanaman tayo. " sabi ni Ken sabay kamot sa ulo, napabuntong hininga ako at tumingin kay Rhen.

"Tara na." sabi ko. Naglakad na kami.

"Rhen, anong ibig sabihin kung hinalikan ka ng isang lalaki?" tanong ko sakanya. Wala talaga akong alam kaya mas mabuti nang may makausap sa mga gantong bagay, ayoko naman na ilihim ko lang to hanggang sa hukay.

"Ibig sabihin nun? teka, hinalikan kana ba?" tanong nya. Tae, bakit ba hindi nalang nya sagutin tanong ko? bakit ba hindi nalang nya sabihin kung ano ba ang meaning nun?

"Dali na! ano nga?" tanong ko.

"Hm, dalawa ang ibig sabihin nun, Una, mahal ka nya o pangalawa baka naiingayan lang sayo at hindi alam kung pano ka mapapatigil kaya wala syang choice kundi halikan ka. Bakit?" tanong nya. Siguro sa sinabi ni Rhen, yung pangalawa yung dahilan. Pano ba naman kasi ang ingay-ingay ko kaya siguro wala syang nagawa kundi halikan ako, ayyy! nababaliw nako!

"Wala, nabasa ko lang kasi." sabi ko.

"Oh sige sabi mo eh, ano dito na'ko kailangan ko na umuwi gabi na kasi." sabi nya, tumango nalang ako sa sinabi nya. Sa huli ako nalang mag-isa ang natira. Habang naglalakad may nakita akong lalaking pamilyar sakin, o baka namamalikmata lang ako? hindi sya talaga yun! Nang punasan ko yung mata ko, biglang nawala, siguro dala lang nang pagod kaya kung ano-ano na nakikita ko. Kailangan ko na umuwi sa boarding house. Nagpatuloy na ko sa paglalakad hanggang sa nakauwi nako, pag-uwi ko mismo ay humiga agad ako. Nakakapagod. Tumayo ako para magpalit, natigilan ako nang makita yung dugo sa damit ko. Dugo ni Gray.

Agad ko yun nilabhan para may suotin ako sa susunod na araw. After nun nagluto ako at hinantay mga ka-boarding house ko, hindi kasi ako sanay kapag ako lang magisa ang kumakain. Habang hinihintay ang mga kasama ko dito, naisipan kong mag bukas ng Facebook. Nagtaka ako nang may nag-add sakin. Nang tignan ko hindi ako makapaniwala, sya na ba to?



Author Note:  Sino kaya yun? Hmm? don't forget to vote my story! Thank you ♥  

Seducing, Mr. Gray Smith.Where stories live. Discover now