Two

5.7K 103 0
                                    

Her Type of Guy

Aliah Alexandria

"Mine!" I shouted as I hit the ball with my palm for a spike.

My team offered me a high five na kaagad kong sinagoy dahil hindi natira ng kalaban namin ang bola.

Nag-signal din si coach for a break kaya kaagad kaming nagsipuntahan sa side ng court para uminom at magpahinga.

"Grabe, ang lakas nung tira mo, umiikot yung bola eh." Komento ni Bianca na ikinangiti ko na lang.

Kasalukuyan kaming nagpapractice ng volleyball dahil malapit-lapit na rin ang laban namin against other sections.

The winning team will have the chance to join the official volleyball team ng PLU pagpasok namin ng college, and I am doing my best because of you know who.

Member ng volleyball team sa men's division si Vincent, pero halos sabay lagi ang training ng mga members mapababae man o lalaki, especially kapag may mga nalalapit na laban na ang school against other campus.

And that's a yehey for me! Dahil makakasama ko sya at makikita ko palagi ang gwapo nyang mukha.

"For sure makakapasok ka na nyan sa varsity team ng school." Saad ng isang boses na ikinalingon namin.

I felt Bianca moved beside me at ng magkatinginan kami ay alam na namin ang ibig sabihin nito.

"Why is she here?" Bianca asked in a whisper na ikinakibit-balikat ko.

"Team! Sya si Celine Calma, I asked for her help para matulungan kayo sa pagtetraining. She's a member of girl's volleyball team and she will be a big help too kung gusto nyong mapapasok sa varsity team ng university." Paliwanag ni coach na ikinasimangot ko.

Wala namang nakapansin dahil ewan ko ba, Bianca always tells me na hindi daw halata kapag nakasimangot ako, kahit pa nakakunot daw ang noo ko ay mukha lang akong seryoso sa isang bagay at hindi mukhang iritado.

"Marami kami actually, coach assigned each sections a member from the volleyball team and this is also the chance for us to see kung papasa ba kayo as an official member." May ngiting saad nya sa amin na ikinabuntong hininga ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpapaliwanag pa sya ng kung ano. Ang ganda ganda nya, mukha syang anghel, ang puti, mahaba ang nakapuyod na buhok, maaliwalas ang mukha, matangos ang ilong.

For the first time nainsecure ako sa kagandahang meron sya, kasi yung ganda nya ang nakabihag sa puso ng taong gustung-gusto ko, sa puso ni Vincent.

At mas nakakainis pa, yung parang wala lang yung ganda nya sa kanya, yung tipong ang normal lang pero mas nakakainggit sya with the fact na yung ganda nya yung napansin ng taong gusto mo.

I closed my eyes and took a deep breath, pilit na nilalabanan ang inggit at selos na lumulukob sa puso ko para sa babaeng nasa harapan namin ngayon na nakangiti at may masayang aura na nagpapaliwanag ng mga dapat naming gawin.

When I opened them, saktong tumama ang aking tingin sa isang nakatayong pigura sa may bleachers. Pamilyar ang mukha pero hindi ko alam kung saan ko sya nakita.

He was just standing there, his hands in his pockets, looking at me, no, wait, scratch that, looking at Celine who is infront of me.

"Biancs---" natigil ang pagsasalita ko ng tignan ko si Bianca ng makitang mataman syang nakatingin at nakikinig kay Celine. Hindi ko din alam kung dahil ba sa kakatapos lang naming laro kaya sya namumula pero binalewala ko na lang.

Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap nya sa likod ni Celine, sa may bleacher to be exact.

What's with them?

Love Me Back [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora