Six

3.6K 54 2
                                    

Pretensions

Aliah Alexandria King

"I'm really sorry Aliah, Vincent told me that he wasn't able to attend your birthday because of me." sabi ni Celine during practice break.

Malapit ng magsembreak and we're having volleyball practice bago ang try-out para maging member ng volleyball team ng university, and here she is, saying sorry to me. She sound and look sincere, but I am still too pissed off with what Phoenix said kaya hindi ko magawang paniwalaan ang nakikita ko ngayon.

"It's okay. Really." I said, but it sounded lame so she didn't believed it.

"No it's not. Nakokonsensya tuloy ako. Hayaan mo, tutal magaling ka naman talaga at ace player ka na ng senior high team, ipapasok na kita agad sa varsity team namin. You don't even need to fight one on one with my teammates." she said in a small voice na lihim kong ikinatiim-bagang.

Mukha syang walang clue sa sinasabi nya, but it's a big deal when it comes to me, I don't know why or if I'm just being sensitive, pero feeling ko ininsulto nya ako sa sinabi nya.

I suddenly felt pathetic even if I didn't asked to be immediately in  the team.

"Thanks but no thanks. I'll join the team fair and square. Kahit naman mayaman kami ay hindi kami pinalaki para lang manlamang ng kapwa." I said and I knew she knows I'm pissed of as hell.

Kaagad nanlaki ang mga mata nya at iwinagayway ang dalawang kamay sa kanyang tapat.

"No. No. No, that's not what I meant Aliah, I swear. I didn't mean to insult you or what pero kahit si coach alam na magiging asset ka sa team kaya kahit hindi ka mag-try out ay kukunin ka nya." she explained, and it took me so much control not to be bitchy on her.

Lalo na ng makita ko si Phoenix sa mga bleachers na nakapalibot sa gym, his arms crossed and he stood there eyeing me. Nakataas pa ang kilay nya na tila nireremind ako ng mga napagusapan naming dalawa. That I should be good to his precious future girlfriend.

Bago pa makapag-angat ng tingin si Celine sa direksyong tinitignan ko ay pinilit ko na ang sariling maglabas ng tunay na ngiti sa abot ng makakaya ko.

"Is that so? Thank you then, but I'll leave that to coach once he sees my performance on the game." sabi ko saka sya tinapik pa sa balikat ng may ngiti para hindi na sya mag-isip pa. Tila nakahinga naman sya ng maluwag at saka may ngiting nagpaalam na.

"Instant slot huh?" saad ng isang boses na hindi ko masyadong naintindihan dahil sa biglang pagsigaw ni coach na kararating lang.

"Oh, Biancs, ikaw pala." I said sabay balik ng atensyon sa gym bag ko. Kung hindi ba naman kasi ako ginulo ni Celine para lang mag-sorry edi sana ay kanina ko pa nakuha ang towel at tubig ko.

Nang makuha ko ang kailangan ay tinuon ko ulit ang atensyon kay Bianca.

"You're saying something Bianca? Kamusta practice?" tanong ko sabay akbay sa kanya ng nakangiti. I miss my bestfriend, hindi kami masyadong nakapagusap these past few days dahil naging abala ako sa ibang bisita noong birthday ko, plus she went out of town with her family.

"Wala, sabi ko ang saya sigurong maging ikaw." sabi nya ng may ngiti.

"huh? Why? Bakit mo naman nasabi?" nalilitong tanong ko. She shrugged her shoulders.

"I don't know, ganda nung debut mo eh." biro nya na ikinailing ko na lang.

"I can tell tita to hire my party organizer kapag magde-debut ka na. She's one of the best." I said and she nodded saka sya umalis sa pagkaka-akbay ko dahil may kukuhanin daw sya sa bag nya.

Love Me Back [Completed]Where stories live. Discover now