Forty

4.3K 82 1
                                    

Letters

Aliah Alexandria King

"Waaah. Nakakita rin ako ulit ng araw!" Hindi ko mapigilang sabihin habang nag-iinat. Huminga pa ako ng malalim at pumikit para damhin ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Off-duty ko ngayon at mamaya pang gabi ako babalik sa ospital ulit para sa mga pasyente ko. Napangiti na lang ako at ng magsawa ako sa araw ay nagpunta na ako sa parking lot kung saan nandoon ang kotse ko.

I went home and good thing na nakahabol ako sa breakfast dahil iyon ang naabutan kong senaryo pagpasok ko sa dining.

"Good morning sweety." Mom greeted me and I gave her a smile as I kiss her cheek. I did that to dad too whose busy eating his breakfast.

"Kumain ka na, I'm sure you're tired." Mom said and I nodded at naupo sa tabi ni Cleven, ginulo ko pa ang buhok nito na magulo na kaya lalong nagulo.

"Noona naman." Nakabusangot nyang angal na tinawanan ko lang at nagsimula ng kumain.

"Hmm~ I miss real food." I said as I took a bite of my breakfast.

Fried garlic rice, hotdogs, bacon, itlog na maalat na may kamatis at dilis ang nakahain.

"Bakit hindi ka na lang magbaon anak? Yung packed lunch na pwedeng i-microwave para mainit pa rin kapag kakainin mo." Mom said that made me look at her.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot.

"As much as I want to, I'm too tired and too busy to cook for my food mom." I said and she shook her head.

"Ipagluluto na lang kita. Tutal wala na naman na akong masyadong ginagawa dahil ang kuya't daddy mo naman na ang may hawak sa kompanya." Mom said excitedly na sinangayunan ko na din.

"Thanks mom. Ikaw kuya? Kumakain ka ba ng ayos?" Tanong ko kay kuya na tahimik na kumakain habang nagtetext. He's probably talking to Ate Stephy.

"Yes, Annie brings me packed lunch sometimes." He said and I nodded.

"Kelan ba kayo titira sa isang bahay Stephen? Lumalaki na ang apo ko, hindi ba sya nagtatanong kung bakit hindi kayo magkasama ni Stephanie sa iisang bubong?" Tanong ni dad na ikinatingin ni kuya dito.

"I'm already fixing things dad, nagtatanong na rin si Aurora pero bukod don, I also want to start things over again with Annie." Kuya said with a smile on his face and I can't help but to be happy for him.

"That's good. Ikaw Cleven?" Mom said.

"I'm still single and ready to mingle mom." Saad nito na ikinaikot ng mga mata ni mommy.

"Twenty seven ka na, wala ka man lang bang ipapakilalang matinong girlfriend sa amin?" Saad ni dad na ikinatingin ko kay Cleven.

"Si ate muna ang usisain nyo dyan dad, sya ang sumunod kay kuya." Sabi ni Cleven na ikinailing ni daddy.

"No, your sister should introduce me a man when she turns thirty." Dad said na ikinaangat ko ng ulo.

"Dad!" Hindi makapaniwalang bulalas ko. Hanggang ngayon pala ay iyon pa rin ang balak nya.

Not that I have someone to introduce now, pero grabe, magkakaboyfriend pa kaya ako non?

"Grabe ka naman sa anak mo Steven." Komento ni mommy.

"Oh bakit? May ipapakilala ka na ba sa akin ngayon Aliah?" Nanunubok na tanong ni daddy sa akin na ikinanguso ng mga labi ko.

"Wala dad. Wala ngang nanliligaw sa akin eh." Sumbong ko na hindi sinangayunan ni Cleven.

Love Me Back [Completed]Where stories live. Discover now