Chapter 19 : Abakada ng Katipunan

100 8 19
                                    

January 7 , 2018 Sunday

07:15 pm

Tumila din ang ulan at maayos naman kaming nakauwi ni Myra.Mga ilang minuto pa at dumating naman ang kanyang mama na galing sa Baclaran.

Ako naman ay nasa ikalawang palapag ng bahay at katatapos ko lang magbihis ng aking damit.Wala na namang ulan kaya binuksan ko ang bintana.

KLAkkk tyakkk...screeettsshh....parang kulang na sa langis itong bakal sa bintana ah...ang hirap ng buksan.

"Pssst....!...,Archie....sitsit ni Myra sa akin,..katapat lang kasi ng bintana niya ang bintana ng aking kwarto.

"Nagulat naman ako sayo Myra!!!...ang sagot ko sa kanya.

"Patingin nga ulit ako nung papel na may secret code?....ang may pag-uusisang tanong sa akin ni Myra.

"Ito ba yung sinasabi mo" sagot ko sa kanya.

"Oo yan nga!...ang mabilis na sagot ni Myra.

Inabot ko kay Myra ang papel na pinagsulatan ko ng secret code na galing sa libro ng alchemist.

"Teka lang naalala ko na kung saan ko ito nakita,..,upload ko sa messenger mo para makita mo yung pictures..,wait lang"...ang seryosong sabi ni Myra.

Magkatapat kami ng bintana pero hindi ko masyadong makita sa monitor ng computer ang gusto nyang ipakita,,.binuksan ko ang messenger....nagulat ako sa mga pictures na ipinadala ni Myra...

"Huhh!!! Picture ni Bonifacio sa monumento sa Caloocan"?...nagulat ako..hindi makapaniwala.

Paano naman na ito ang lulutas sa secret code na nakita ko sa libro ng alchemist.

"Hindi mo pa rin ba ma-gets Archie....?..ang sabi ni Myra

"Hindi eh...anu ba ang kinalaman ni Bonifacio sa secret code?....,naguguluhan pa din ako nung mga oras na iyon.

"E-zoom mo yung picture sa baba..sa commemorative plaques,..di ba pareho sila ng pagkakasulat,...,at hindi mo rin mabasa..?

"Oo...may dalawang tablet na plaque at yung isang plaque ay hindi rin mabasa kagaya ng secret code na nakasulat dyan sa papel...,namangha ako sa mga natuklasan ko.

Sa Grace Park sa bandang timog ng Caloocan, ..ito ay crossing ng Edsa,MacArthur highway,Samson road at Avenida Rizal ay matatagpuan ang Bantayog ni Bonifacio or mas kilala ngayon ng tao bilang monumento.

Sa ibaba ng bantayog ni Bonifacio ay may dalawang tablet na plaque,ang unang tablet ay mababasa mo pero ang pangalawa sa itaas nito ay hindi mo mababasa.

"Hindi mo talaga mababasa yan Archie kasi yan ang secret code ng Katipunan na ginamit nila mahigit isang daan taon na ang nakararaan"..,

"Eh bakit naman gagamit ng secret code ang Katipunan?....ang may pagka-inosente kong tanong kay Myra.

"Hay naku Archie..,isip-isip din kapag may time,..,syempre panahon ng himagsikan noon laban sa kastila,...
Wala pang telepono or Fb noon,sulat ang ginagamit nila para mapaabot nila ang mensahe,para hindi mabasa ng mga kastila ,,gumamit sila ng katipunan secret code...,parang naiinis na si Myra na magpaliwanag sa akin...

"Alam ko na,kailangan nating magresearch at pag -aralan ang Katipunan alphabet para mabasa ang secret code dyan sa papel..tama ba?...sagot ko kay Myra...

"Oo ...ganun na nga ang gagawin natin"!!!..nawala ang pagkainis ni Myra sa akin ng makuha ko ang kanyang iniisip.

Mas lalo akong namangha sa misteryosong tao na nagsulat ng secret code sa 50 pesos at sa alchemist  na libro..,ibig sabihin marunong sya at alam nya ang secret code ng katipunan.



Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now