Chapter 55: Ang Maikling Kwento ng Itim na Ribbon

296 7 247
                                    

January 11 , 2018

03:41 pm

"Archie nawala na naman siya"...ang nagtatakang sabi ni Jenny..,sabay turo sa lamesa kung saan nakaupo kanina si Blakkk Venus.

"Hala ..,hindi pa bayad yon"...,ang may halong pag-aalala na sabi ko kay Jenny.

"Bayad na "..,ang sabat ni Camille..,ang kasama kong waitress sa Hao chi Mian tang restaurant.Nagpupunas ito ng mga kalat sa kabilang lamesa at inililigpit ang mga plato at baso na pinagkainan ng kanyang pinagsilbihan kanina na mga customers.Maririnig mo ang kalansing ng mga kutsara at tinidor habang inilalagay ito sa lalagyan na mala-kahon ang itsura at gawa sa plastic.

"Busy ka kasi dyan kay Jenny kaya ako na ang nag-asikaso sa kanya ...parang nagmamadali yong babae kanina kaya hindi na kita natawag pa Archie"...ang paliwanag ni Camille sa amin ni Jenny.

Papalabas naman ng kusina si Kuya Tom at inuunat ang mga kamay sa hangin...parang napagud siya sa digmaan sa kusina.Hindi rin kasi madali ang trabaho sa loob ng kusina...bukod sa mainit ay kailangan din na mabilis kang kumilos dahil naiinip ang mga customers kapag matagal lumabas ang mga pagkain na kanilang inorder.

"Oh!...,ano Archie...,sinagot kana ba ni Jenny?...ang sigaw ni Kuya Tom sa labas ng pintuan ng kusina,..habang nagpupunas ito ng puting towel sa mga pawis na umaagos sa kanyang mukha.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Kuya Tom...,si Jenny naman ay nanahimik sa sulok sa loob ng cashier booth.

Sakto naman na papalabas din ng kusina si Mang Johny....,

"Eh ikaw ba Tom ...sinagot kana ba ni Joana?...ang sabi ni Mang Johny sabay tawa nito ng malakas.

Biglang natahimik si Kuya Tom..,kanina lang ay napilit namin siyang ikwento ang tungkol sa tatoo sa kanyang kaliwang braso na "Joana"...pero hindi ito natapos dahil inabot kami ng alas dos ng hapon sa haba ng kanyang kwento rito at natapos ang kanyang salaysay kung saan nakilala niya si "Joana" habang naglalaba ito sa ilog.

Isang kalabit ng daliri na nagmula sa likuran ko ang tumawag sa akin ng pansin.Lumingon ako kay Jenny para alamin kung sino ang kumalabit sa akin pero imposible naman na si Jenny iyon dahil ang layo niya sa akin at seryoso ito sa kanyang pinapanuod sa youtube sa kanyang smartphone.Mula ng sinabi ni Kuya Tom na kung sinagot na raw ba ako ni Jenny ay hindi na ako nito kinausap.Parang umiiwas ito na pag-usapan ang tungkol sa pang-aasar nila sa aming dalawa.

May narinig akong yabag ng paa na papalayo sa akin..,isang babae na naglalakad ng mabilis palabas sa entrance ng Hao chi Mian tang restaurant.Nakatalikod ito at ang gilid lamang ng kanyang mukha ang aking naaninag.May mahaba itong buhok na kulay itim...parang....kilala ko siya dahil pamilyar sa akin ang kanyang anyo.

Hindi ako sigurado ....pero parang tama ang kutob ko...,pamilyar ang babaeng iyon...parang si.....

Parang si Hershey ?!.......

Agad akong tumakbo palabas ng entrance ng Hao chi Mian tang restaurant para habulin ang babae na aking nakita....pero hindi ko na siya nakita pa.Sinikap kong hanapin siya ng aking paningin sa makapal na tao na naglalakad sa mall ...pero nabigo ako.

Pagbalik ko sa restaurant ay kumaway sa akin si Jenny...,parang gusto niya na pumunta agad ako sa kanya.Ang gulo talaga ng utak ng mga babae..,kanina ay ayaw niya akong kausapin tapos ngayon naman ay gusto na niya ulit akong kausapin....haysss..napabuntong hininga lamang ako habang naglalakad papalapit sa cashier booth ni Jenny.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon