Chapter 32 : Ang Lumang Bahay

73 7 12
                                    

January 9 , 2018 Tuesday

11:03 am

Maaga kaming umalis sa bahay nina Jenny para puntahan ang sinasabing Lumang Bahay na nabanggit sa secret file ni Hershey.

Makikita daw namin ito sa may tawiran ng bangka sa Poblacion Makati,malapit lang sa bahay nina Jenny.

"Jenny taga-Poblacion ka pero bakit hindi mo alam itong lumang bahay na ito...?.,ang tanong ko kay Jenny habang kami ay naglalakad sa Mabini street.

"Tagarito nga ako sa Poblacion pero hindi naman ako gala"...,ang sagot ni Jenny habang hawak niya ang kulay pink na payong.

Nakarating na kami sa may tawiran ng bangka,dito kasi sa Poblacion sa Makati ay may short cut papunta sa Mandaluyong,dahil ilog Pasig ang naghihiwalay sa Makati at Madaluyong....kailangan mong sumakay ng bangka para makarating sa kabilang pampang ng ilog..at ito ay sakop na ng Hulo,Mandaluyong...kaya tinawag itong tawiran ng bangka.

Sinuri namin ang mga bahay na malapit dito,..at totoo nga, may tanim na mga rosas sa bakuran ang isa sa mga bahay doon.

Para siyang ancestral house ..,dati ang tawag dito noong panahon ng Kastila ay "Bahay na Bato".
Gawa sa bato ang pundasyon nito,may maluwang na bintana at gawa ito sa shell na capiz.May kalumaan nga ang bahay pero hindi naman mukhang haunted house na kagaya ng sinasabi ni Myra kagabi.

Sa tapat ng bahay ay may isang sari-sari store,pumunta muna kami ni Jenny doon para sumilong muna dahil ang init na ng sikat ng araw.Saka isa pa kinakabahan din kami dahil ang petsa ng secret file ni Hershey ay year 2008..,sampung taon na ang nakakaraan ...

Bumili muna kami ng coke ni Jenny at syempre nagtanong na din kami sa nagtitinda doon,dahil katapat lamang nila ang lumang bahay ...,ay maaaring marami itong alam na impormasyon dito.

"Ate dyan pa rin po ba nagtratrabaho si aling Cora sa lumang bahay na iyan"...sabay turo ko sa lumang bahay,may kataasan ang bakod nito kaya hindi makita kung may tao sa loob nito.

"Si aling Cora?...Oo siya pa rin ang caretaker dyan..,naku ang matandang iyon,sobrang loyal sa trabaho nya kaya hindi na nakapag-asawa.."ang sagot ng tindera ng sari-sari store.Ang akala ko ay suplada ito,pero madaldal pala.

Lahat ng sinabi ni Hershey sa secret file ay totoo,sulit naman pala ang hirap namin para mabasa lang ang mga secret code nya.

Naubos na namin ang binili naming coke ni Jenny,naghanda na kaming puntahan at kausapin si Aling Cora..,pero bakit ako kinakabahan.Parang gusto kong pumunta at parang ayaw ko ring ituloy...parang may takot akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

"Archie...tara na..!....sabay ngiti ni Jenny sa akin,kapag nakikita ko mga dimples nya ay lumalakas ang loob ko...

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now