Chapter Five

3.1K 114 13
                                    

CHAPTER FIVE

"COME on, Hera," sabi ni Ymas. "Take a picture with me."

Nirolyo ni Hera ang kaniyang mga mata. "Kanina pa tayo picture ng picture. Ang sakit na ng pisngi ko kakangiti sa camera mo. Please, halika na."

Tumawid sila sa suspended bridge na tinatawag na Dragonfly Bridge. Maganda kasi ang angle ng Marina Bay Sands Singapore sa kinatatayuan nila kaya picture nang picture si Ymas gamit ang iPhone at polaroid nito.

Malapit na sila sa entrance ng Gardens by the Bay! Sumalubong sa kanila ang archway ng Malay Garden. May humimlay na ngiti sa labi ni Hera nang makita niya ang mga vines na gumagapang sa archway ng Malay Garden.

Inangat ni Hera ang kamay niya upang abutin ang mga vines nang dumaan sila sa ilalim ng archway. Lumingon siya kay Ymas at ngumiti. "Dali! Gusto kong pumasok sa Flower Dome."

Maya-maya, umagapay na rin si Ymas sa tabi niya at sabay nilang pinagmasdan ang mga puno sa kaliwa't kanan nila. Mayabong ang puno ng balete, acacia, maber, at narra.

May nadaaanan silang puno ng kadios. Maliit at manipis lang ang branches at tangkay nito. Kapuna-puna rito ang blue morning glory vines na bumalot sa buong puno. Talaga nga naman. Mula taas hanggang ugat, binalot ng morning glory. Walang bulaklak ang kadios. Ordinaryo lang ito kung hindi dahil sa matingkad na asul na bulaklak ng vines.

Tumigil si Hera sa kadios at tumayo sa ilalim ng vines. Ngumiti siya at sinara ang mga mata. Tinawag silang morning glory dahil madalas silang magbukas sa oras ng umaga. Ito ang paraan nila ng pagbati ng magandang umaga sa mundo. Ang tamis ng amoy nila.

Click! On cue, kinuha ni Ymas ang moment na ito.

Hera gave him that look with a smile. Umatras siya palayo sa kadios at humigop nang maraming sariwang hangin. Talagang pinuno niya ang kaniyang baga. "Maswerte ka at tour guide ka. Kung naging traffic enforcer ka, matatawag mong luxury ang fresh air."

Umiling si Ymas at ngumisi. "Mas magiging traffic sa EDSA kung magiging traffic enforcer ako. Hindi pa ba nagsisink-in sa 'yo kung ga'no kagwapo ang tour guide mo? Aba! Mahihimatay ang mga babae at binabae sa kalsada."

Hindi pinansin ni Hera ang predictable na vain remark nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad. "Traffic enforcer si tatay noon. Alam mo kung bakit wala siya sa graduation ko next year? Dahil sa air pollution. Lung cancer." Bumuga si Hera ng hangin sa kaniyang bibig.

Tumahimik si Ymas at naramdaman ni Hera ang mga mata ng binata sa kaniya.

"Nasasaktan ako kapag may nababalitang masama tungkol sa mga traffic enforcer. Totoo man o hindi na nangongotong sila, nasasaktan ako. Naalala ko si tatay. Nagtitiis siya noon sa kalsada sa tanghaling tapat habang lumalanghap siya ng lason," bumakas ang disgusto sa mukha ni Hera nang maalala niya ang tatay noong bata pa siya. "Kung hindi pa siya nabunggo ng van na beating the red light, hindi pa makikita ang stage one lung cancer niya."

"Nabunggo ang tatay mo?" tanong ni Ymas.

"Oo. Sinusubukan niyang pigilan ang van na beating the red light. Wala. Humarang pa siya, hindi naman tumigil ang driver ng van. Nadurog ang mga buto niya kaya hindi na siya makakalakad," tugon ni Hera. "Depressed ang tatay ko. Kaya nang madiagnose siyang may stage one lung cancer, hindi siya pumayag na mag-undergo ng treatment kahit anong pilit ni nanay."

Bumuntong-hininga si Ymas. "Ilang taon ka nang mangyari 'yan sa tatay mo?"

"When I was four," she chirped. "Sabi ni tatay para saan pa ang treatment sa lung cancer niya kung hindi rin naman siya makakalakad para maging bread winner namin? Ayon. Sumuko na lang siya nang gano'n. Tsaka lang siya kinuha ni Lord nang mag-thirteen ako. Nabigyan pa siya ng ilang taon bago kumalat ang cancer cells sa katawan niya."

Books & Plane Tickets & UsWhere stories live. Discover now