Chapter Nine

2.7K 114 5
                                    

CHAPTER NINE

APAT ang routes sa loob ng Gwangjang Market. Nakinig si Hera sa kwento ni Ymas. Ang Gwangjang Market raw ang isa sa pinakalumang market sa South Korea.

Nag U-turn sila sa pangatlong route. Suminghap si Hera. Buhay na buhay ang Gwangjang Market kahit umaga pa lang. Halo-halo ang amoy. Matapang ang amoy ng market dahil naghalo ang amoy ng medicinal products at pagkain—lalo na ang amoy ng kimchi.

Napalingon si Hera sa sausage stand. Sabi ni Ymas, soondae raw ang tawag sa mga sausage at mandu naman sa dumplings. Pupunta sila ngayon sa bibimpap stall na favorite kainan ni Ymas.

Mga market ang una nilang dadalawin sa kanilang tour. Buti naman. Mas gusto niyang mag-almusal sa Gwangjang Market kaysa kumain sa mamahaling restaurant sa Park Hyyat Hotel.

Nakita ni Hera ang mga presyo. Ayon sa updated na palitan ng currency, one USD is equals to one thousand Korean Won. Kahit napapangiwi pa rin siya, sinabihan siya ni Ymas na para ma-enjoy ang trip nila, iwasan niyang magconvert ng presyo sa utak niya at iwan ang pagiging kuripot niya sa Pilipinas. Para wala nang gulo, susubukan niya...hangga't kaya!

Ang ingay sa loob. Covered ang buong market at talamak ng mga turista at locals.

Ang welcoming ng feeling. Kaliwa't-kanan ang mga ahjumma at ahjussi. Napapa-aigoo si Hera sa presyo sa loob ng market! Sobrang reasonable!

"We're in the bibimbap route," sabi ni Ymas, "gutom ka na ba? Malapit na tayo."

May improvement sa relationship nila. Teehee! Ayaw maghiwalay ng magkabuhol nilang kamay habang naglalakad sila.

Calm and compose na nagreply si Hera, "Sakto lang naman." Pero hindi pinalampas ng tainga niya ang concern sa boses nito. Pinisil ni Ymas ang palad niya. Ito talaga ang nararamdaman niya: asdfdhflkdhffhhfl!!!

Kahit nasa bibimbap route sila, may nahahalong souvenir shop at hanbok shop. Aw! Napapatingin siya sa traditional clothing ng Koreans. Gusto niyang magsuot ng hanbok kapag lumibot sila sa palasyo bukas. May usap-usapan kasi na libre ang entrance kapag nagsuot ka ng hanbok. Lumabi si Hera sa stall ng mga hanbok.

"Don't worry," on cue na sabi ni Ymas, "bibili tayo ng hanbok mamaya bago umalis ng Gwangjang."

"Mind reader ka ba?" nagtatakang tanong niya kay Ymas. Bakit nahuhulaan nito ang lahat ng gusto niya?

Ymas chuckled. "I don't have to read your mind. But I'm reading your eyes. And I know that you like me."

"Wooshoo!" pambabara niya kay Ymas at nag-fake pa siya ng eye roll. Pero sa loob-loob niya: asdfdhflkdhfhdhfl!!!

Mainit ang stove ng mga Korean Pancake stalls. Babad sa mantika. Overwhelming sa ilong ang seaweed at ang katabi nitong Banchan stalls or kimchi stalls. May nakita pa silang ahjumma na gumagawa ng kimchi suot ang gloves at naghahalo sa batya.

"Ang friendly ng mga tindera," sabi ni Hera. Natetempt tuloy siyang tumigil at magwaldas ng pera.

"Hihikayatin ka talaga nilang bumili. Huwag mo silang tignan. Tignan mo ang pagkain o product," bilin ni Ymas. "Here we go."

Tumigil sila sa harap ng isang stall. Nakalatag sa harap ng stall ang several serving bowls na naglalaman ng gulay. Umupo sila sa harap ng stall at umorder ng dalawang bowls.

Naglagay si ahjumma sa dalawang metallic bowl ng barley rice, lettuce, radish, kimchi, toge, bean sprout, mushrooms, cabbage, onion chives, red chili sauce, seaweed, sesame oil, atbp! Sinerve nito sa harap ng stall ang mga bowls.

Books & Plane Tickets & UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon