Chapter Fourteen

3.1K 104 13
                                    

CHAPTER FOURTEEN

MALAPIT NANG lumubog ang araw. Naanigan ni Ymas ang vapor na lumalabas sa bibig niya.

Hands in the coat of his pockets, inakyat ni Ymas ang hagdan sa Battery Spencer. Dating military base ang Battery Spencer noong World War II. Dito iniimbak ang mga generator at iba pang military weapons noon.

Tourist spot na ito ngayon dahil ang Battery Spencer ang pinaka magandang viewpoint ng Golden Gate Bridge. Nasa tuktok ito ng hilltop at kasing taas nito ang naturang iconic bridge.

Maingay ang mga turista. Tulad ni Ymas, narito ang mga turista upang saksihan ang pagkislap ng Golden Gate Bridge kapag lumubog na ang araw.

Inakyat ni Ymas ang hagdan upang makaabot sa tuktok ng bundok. Dinaan na lang niya sa buntong-hininga ang bigat ng pakiramdam niya. Sana madali lang alisin ang lungkot sa damdamin kada exhale ng mga tao. Kaso hindi.

Lumapit siya sa edge ng bangin. Humawak siya sa wooden fence at tumingin sa dalawang tower bridge at suspended cables ng Golden Gate Bridge.

The sky was turning indigo. Nakabukas na ang headlights ng mga sasakyan sa bridge, animo'y mga shooting star.

Ymas stared at the iconic bridge, so long and hard as if burning it in his memory.

Naalala niya ang mga sinabi niya kay Hera sa suite kanina—about loneliness. Ang mga pinagdadaanan ni Hera ngayon, pinagdadaanan din niya ito araw-araw.

Wala siyang ibang masandalan noon kundi ang sarili niya nang itayo niya ang kaniyang mga negosyo. Halos mawala siya sa katinuan. Ayaw siyang suportahan ng mga magulang niya. Hindi siya humingi ng tulong kahit kanino. Gusto niyang ipakita na kaya niyang tumayo mag-isa.

Kapag nadadapa siya, kapag natatalo siya, kapag nasusuklam siya sa hirap ng buhay, binabalikan niya ang lukot-lukot na papel. Binabasa niya ang essay ng walong taong gulang na bata. The wisdom of it all... The strength each word coveyed... Ito ang sinandalan ni Ymas para tumayo at hablutin ang tagumpay.

Kinuyom ni Ymas ang kaniyang mga kamay at tinago iyon sa mga bulsa ng coat.

Isa lang naman ang gusto ni Ymas: ang maging lakas ni Hera kapag masyado na itong bugbog sa problema. Itutulak niya si Hera sa tuktok ng tagumpay. Bibigyan niya ng inspirasyon ang kolehiyala sa bawat halik at yakap.

Pero paano ba kumbinsihan ang taong nasanay mag-isa na kailangan nito ng pagmamahal?

Napangiti siya nang pagak. He admired her strength as a person. Kung ano ang minahal niya rito, iyon pa ang dahilan kung bakit siya nito tinutulak palayo.

Tama si Hera. Ymas went too far with his money. Kasalanan ni Ymas kung bakit naglayas si Hera. Sumobra ang effort niya. Hindi niya namalayan na nilalagay na niya sa kahon ang babaeng mahal niya.

Sana nakinig siya sa babala ni Ysabella noong una. Tatanggapin pa kaya siya ni Hera kapag sinuyo niya ito sa Pilipinas?

May narinig siyang papalapit na yabag sa likod niya. Kilala niya ang mga yabag na iyon. Ngumiti siya.

"Ymas."

Kapag naririnig niya ang yabag ni Hera, titigil na siya sa kung anong ginagawa niya at mag-aangat ng tingin sa babaeng mahal niya at saka mapapangiti na parang baliw.

"You came back," sambit ni Ymas.

Kahit lubog na ang araw, lumiwanag ang mundo nang ngumiti si Hera.

"Ayokong umuwi ng Pilipinas, humiga sa kama at tumingin sa kisame. Ayoko nang mapag-isa," simula ni Hera. Yumuko ito. Palagi itong yumuyuko kapag nahihiya. And it was driving Ymas mad.

"How did you find me?" tanong ni Ymas.

"Bumalik ako sa suite. Kaso wala ka. Sabi ni Ma'am Ysabella, nandito ka raw."

Tinawid ni Ymas ang distansiya at kinulong sa kaniyang mga palad ang mainit na mukha ng kolehiyala. "Naniniwala ako sa kakayahan mo. Don't show me the woman you will become. Let me be there for you. Turn to me for help. Isama mo ako sa mga plano mo. I will help you be the person you want to be. Hindi kita minamaliit. This is love."

Bumagsak ang luha sa mapulang labi nito. "Galit pa rin ako sa 'yo. Pinatanggal mo ako sa trabaho ko at inambunan nang malaking halaga ng pera. Kaya matuto kang mag-antay. Hindi por que galit ako, magiging bula ang sinimulan ko kasama ka."

Her words sent million volts straight to his heart.

Ymas pecked her lips. Kinulong niya si Hera sa isang mahigpit na yakap. "I'm so sorry, Hera."

"You better be there, okay?" tanong ni Hera—pumipiyok, "hanapin mo ako kapag nawawala ako sa dami ng problema. Patay ka sa akin kapag sinaktan mo ulit ako! Mahal na mahal kitang gung-gong ka. Iiwan na sana kita kaso naalala ko mas mahal kita kaysa sa mga libro ko."

Hinarap niya ang luhaang mukha ni Hera.

"Eh bakit ka umiiyak?" nakangiting tanong ni Ymas.

"Kasi ang awkward! Paano ko ba sabibihin na kailangan kita?"

"Wag ka na mag-isip nang malalim. Darating ako. Basta tawagin mo akong 'Ymas oppa'."

Tumawa si Hera. She tiptoed, reached for his lips, and closed her eyes.

His hands went to his waist to pull her closer so he could deepen their kiss. Her lips tasted sweet and everything nice.

Balang araw, sasabihin niya kay Hera ang tungkol sa essay na bumago sa buhay niya. And that moment would be so beautiful. They gave each other the will to carry on.

Pinagmasdan ng magkasintahan ang gintong tulay pati ang mga sasakyang dumadaan.

Binalot sila nang malamig na simoy ng hangin. Lumubog ang araw at nabuhay ang kislap ng Golden Gate Bridge. True to its reputation, naging ginto ang tulay sa pagsapit ng gabi.

Books & Plane Tickets & UsWhere stories live. Discover now