CHAPTER TWO

7.2K 163 3
                                    

  Everything has changed mula noong naging friends kami ni Carlene sa FB.

   Naging close kami,at isa pa ay grabe andaming chickas na nag hahabol sa kanya! Kaloka talaga.Alam mo yong tipong isang status lang bumabaha na ng comments from them.

   'Wow ha ? Ikaw na Carlene!'

  "Hoy! .. " chat ko kay Carlene.

  "Maka hoy! Ka naman dyan, bakit?" Chatback niya.

  " wala naman dami mo naman chicks " . sabi ko.

   "Haha! Sila ? Wala yun .. Gwapo kase ako", sabi nya with this 😎😎

    'Di rin sya makapal .. Hindi haha!'

    "May iba kase akong gusto", maybe seryoso sya sa sagot niya sakin.

    "Hmmmmmm..." Yan lang nasabi ko. With 😝😝

     "Oo nga, may iba akong gusto kaya hindi ko sila pinapansin." Sabi pa niya .. Parang may kung anong kumurot sa puso ko.

      Naalala ko tuloy noong magkakasama pa kami nina Lyn sa company, marami kaming kaibigang lesbian at isa lang ang masasabi ko pareparehas silang mayayabang haha! Laging nag bubuhat ng bangko kahit na hindi naman tunay.

   "Yabang mo..! " inis kong reply.

    "Bakit na naman ? " sagot nya.

    "Nag view kaya ako sa profile mo,sino itong kasama mo?" Sabi ko pa.

    "Ah yan, wala lang yan. Patay na patay lang yan sakin kaya nag pumilit na magselfie kami." Sabi pa niya.

     'Sinungaling na 'to!'patay na patay daw e sya yung naka yakap !'e bakit nga ba ako nag rereact e ano naman sa'kin?' Hmmmmp!'

     "Hahaha okay! " sabi ko at nag paalam na.

      Sa totoo lang may naramdaman akong inis para sa kanya lalo na sa kasama nya . Tipong akala mo'y si Lyn ang nililigawan pero may kayakap naman sa picture nya.
      Walang araw na hindi sya nag memessage sa'kin.Noong una seen zone lang ako lagi. Naiinis kase ako sa kanya ewan ko nga ba kung bakit itong inis ko ay nakaisip ako ng kalokohan.

    " hi!  " bati ko sa kanya online.

   " hello ," bati din niya at nagulat pa ako sa kasunod nyang sinabi. "Pwede bang malaman phone number mo?".

     Di na ako magtataka kung bakit nya iyon naitanong. Karamihan naman sa ngayon ganyan kahit sa facebook lang nakilala ay ibibigay na. Syempre this is it! Ika nga dahil may naiisip akong kalokohan.

      "Yun lang naman pala e", sagot ko.
"Here.." .. Sent.

      "Thanks .." Sabi niya then nakita kong active 1minute ago. Wirdo ha! Biglang nawala.

N/A:

Thank you guys sa pagbabasa .. Enjoy lang po kayo.

Vote nyo na rin po salamat!!

Wala Man Sa'yo Ang Lahat | Lesbian Story|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon