CHAPTER FIVE

4.7K 92 3
                                    

"Hi baby!". Yan ang message na una kong nabasa ngayong araw.
Kumabog ng malakas ng dibdib ko.. Feeling ko ansarap sa pakiramdam ng ganon.
Hindi ko maipaliwanag tutol man ang isip ko,pero may isang parte sa katawan ko ang nag tutulak para sundin kung ano ang gusto nito.

"Hello"yun lang ang tangi kong nasabi sa chat.

"Musta naman?"sabi nito.

Hindi pa ako nakakapag type para ireply sya ay bigla naman syang tumawag.

" h- hello?" Kanda utal kong bungad sa kanya. At sa pagkakataong ito sya naman ang hindi agad nagsalita.
"Hello! Ano ba? Magsasalita kaba o hindi?"asar kong sabi.

"Galit?".sagot ni Carlene.

"Hindi naman.."bahagyang bumaba ang boses ko.," ikaw kase antagal mo bago nagsalita."

"Hahaha! See.. Diba ganyan ka dati nong unang tinawagan kita ? I miss you!".sabi nito sa kabilang linya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman nang sabihin niya iyon.

'Ang totoo.. Kinikilig akoooo!!'

"Hindi mo pa nga ako nakikita in person eh".sabi ko sa kanya bago ko pa sagutin 'I MISS YOU TOO' with hart hart pa. Pero napigilan ko pa.

"Wala naman imposible e", sa sinabi niyang iyon ay lalong kumabog ang dibdib ko.

"Ah .. E .. Wait mamaya nalang tayo mag usap may gagawin lang ako.ha ,sige bye!".walang ano ano'y binabaan ko siya ng phone.
Napasandal pa ako sa sofa at nag isip..

'Shit! Ano kaba Chloe! Praning kana ba? Pano kung hindi sya nagbibiro? Pano kung makarating siya dito? Pano kung seryoso siya ?hala! Lagot na!'

"Anak,paki abot nga sa Papa itong bag niya".saka lang ako nagising sa katotohanan nang marinig ko si Mama. Parang tinatambol ang dibdib ko grabe lalo na at nakita niyang nakatulala ako at may iniisp.

"Akin na Ma".kinuha ko iyon at akmang lalabas na para hanapin si Papa.

"Anak,may............",bitin niyang sabi ,"may allowance kapa ba?"nakangiting tanong nito.

Muntik na akong himatayin pero nakabawi din. Akala ko napansin nya na may malalim akong iniisip.

"Meron pa Ma,'' sagot ko dito.

At dali dali na akong lumabas para ibigay kay Papa ang bag niya.

'Kainis naman! Tsk!'

Nakabalik na ako sa loob ng bahay nang mag paalam si Mama. Luluwas muna siya dahil may inaasikaso doon. Asusual.. Eto na naman ako mag isa sa bahay.. Nganga lang maghapon. Kung bakit ba ayaw na akong payagang mag trabaho nina Mama.
Nakadama naman ako ng lungkot.. Alam kong gusto nilang magkaroon ako ng sariling pamilya balang araw ..pero may ibang hanap ang puso ko .. Kung dati'y hindi ko ito nararamdaman ngayon para akong mamamatay kapag hindi ko siya kausap.

"Hello baby.." Bungad ko sa kanya. Tinawagan ko sya agad nang marealized ko na iba ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Morning baby! Napa aga naman yata ang tawag mo" may lambing nitong sabi at mukhang galing sya sa puyat.

"Mmm... Ayaw mo ba?"ang pakiramdam ko ngayon ay sobrang saya .. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganon.

"Hindi naman.."napa hikab siya." Nag breakfast kana ba?"sabi nito.

"Oo " kahit ang totoo'y hindi pa. Hindi ko kase ugaling kumain ng maaga sa umaga. Minsan nga ang agahan at tanghalian ay iisa na .

"Miss you...", bulong nito sa kabilang linya.

"Ikaw kumain na?" Pag iiba ko ng usapan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi pa ako sigurado sa lahat lahat. Basta alam ko lang masaya ako kapag kausap siya. Kakaibang saya..

"I love you".sabi pa nito.

"Baby...." Nauutal na sabi ko sa kanya. Para maiba ulit ang usapan.

"Oh ," sagot niya.

"W-wala, maliligo na sana ako pwede ba?".pagsisinungaling ko dito.

"Sure, pero tatawagan ulit kita after mo maligo."anito. Sabay sabi ng "I love you baby ko".

Alam kong sa sandaling iyon ay namumula na ang pisngi ko.

'May gad! Nilalasing niya ako sa kilig!!!'

N/A.

Sana kinilig din po kayo at kiligin pa sa mga kasunod na chapter..
Thank you!
Paki vote na rin po sa want.. Mwaaaa💕💕

Wala Man Sa'yo Ang Lahat | Lesbian Story|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant