CHAPTER NINETEEN

3.3K 38 0
                                    

Nang makalabas na kami sa clinic ay diretso kami sa boarding house.

Pasado alas sais na ng hapon noon at nandoon na rin sina Mariel at Kyla na abala sa pag luluto ng hapunan.

"Oy, Chloe,Carlene.. Bakit ngayon lang kayo?", kunot noong tanong ni Mariel sa amin.

"Oo nga, nag date kayo 'no?", pang aasar naman ni Kyla sa amin.

"A-ano kase....", sabi ko sa mga ito.

"Ano kase, sumama ang pakiramdam niya kanina kaya dinala namin sya sa clinic, 'nong medyo okay na, inuwi ko na siya dito para makapag pahinga ng maayos.", paliwanag ni Carlene.

"Ee.. ", napakamot sa batok si Mariel." Bumili naba kayo ng gamot niya?", tanong nito.

"Okay ka lang ba, Chloe,?", nag aalalang tanong naman ni Kyla.

"Okay lang ako, medyo nahilo lang ako kanina kaya nawalan ako ng malay", mahinang sagot ko sa mga ito.

"May gas! Nawalan ka ng malay? As in nahimatay ka?", nanlalaki ang matang sabi ni Kyla with matching cover pa sa bibig niya.

"Oo", maagap na sagot naman ni Carlene." Hindi muna sya papasok  mula bukas hanggang next week, nag leave muna siya para makapag pahinga."

Tumango nalang ang dalawa.

"Sige na, Carlene, pasok mo na siya sa kwarto, para maka relax naman sya, stress na kase yan kaya yan nagkaka ganyan", taas kilay na sabi ni Kyla.

Didiretso na sana ako sa banyo nang pigilan ako ni Carlene.

"Sandali," anito.

"Bakit?", mataray na sabi ko dito.

"Anong gagawin mo?", sabi pa.

"Hindi ba obvious na mag c-c.r?", inirapan ko pa ito at tuluyan nang pumasok sa loob ng banyo.
"Umalis kana, kaya ko na sarili ko", pagkaraan ay sabi ko dito.

Walang umimik marahil sumunod ito sa sinabi ko.

Binuksan ko ng malakas ang gripo para wala akong marinig mula sa labas.

Sa mga sandaling ito'y bumalik lahat ng hinanakit ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak. Iyak.. Iyakk .. Hanggang sa maibsan ang sama ng loob ko.

Ayoko na, iiwasan na kita Carlene.. Hindi ko ka kaya pa'ng masaktan ng dahil sa'yo..

Pagkatapos niyon ay nag ayos n ako bago lumabas.. Ang inaasahan kong umalis na ay naroon parin. Pilit ko namang kinalma ang sarili ko para hindi nito mapansin na namumugto ang mga mata ko.

"A-ano pa'ng ginagawa mo dito?", asik ko nang mapansin ko itong nakatingin lang sa akin.

"Hindi kita iiwan hangga't hindi kapa okay", matuwid na sabi nito.

"Iwan mo na ako, kaya ko na, hindi ko kailangan ng awa mo!", dahil doon ay napa taas ang tono ng boses ko.

"Chloe naman----".

"Tumigil kana, please? 'Wag mo na akong saktan .. ", umiiyak na naman tuloy ako. Kainis bakit ba kase napakalambot ko pagdating sa kanya.

"Hindi kita sinasaktan.. Chloe naman, makinig ka------", hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil may tumatawag sa kanya. Sinagot naman niya iyon at maya maya'y nag paalam na. Sobrang importante daw kaya pupuntahan niya muna.

Wala naman akong magagawa. Hindi ko siya hawak kaya wala akong karapatang pigilan siya.

Buong gabi akong hindi nakatulog. Madaling araw na pero eto ako mulat na mulat pa. Bumangon ako at humarap sa salamin.

Grabe! Stress na stress ako sa itsura ko ngayon. Mukha na akong zombie sa laki ng eyebags ko. Bwisit naman kaseng pag-ibig na yan e!

At bumalik na ako ulit sa higaan. Alas singko na ng umaga nang hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

Naalimpungatan ako nang may yumogyog sa balikat ko. Napa mulat ako nang makilala ko kung sino ang taong iyon.. Si Carlene!

"Anong ginagawa mo dito?", gulat na sabi ko dito.

"Hinatid ko lang itong pagkain," anito habang inaayos sa mesa ang mga dala nitong pagkain.
"Kainin mo ito, para lumakas ka", patuloy pa nito.

"Ayoko, saka bakit ba? Bakit mo pa ginagawa yan? ", walang emosyong tanong ko dito.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kumakain. Sabi ni Kyla sa akin, ni hindi ka manlang daw kumain kagabi kahit ano.", gigil na sabi nito. Halatang pikon na rin.

"Pwes, 'wag mong ipagpilitan yan sakin!.. Bakit ba hindi mo nalang yan ipalamon sa Louraine mo? Ha?", gigil na ring sabi ko dito. Tapos na ang pagtitimpi ko kaya akin na itong sandaling ito. I pu-push ko na talaga ito.

"Louraine na naman? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang maniniwala sa mga sinasabi non?".

"Anong gusto mong paniwalaan ko? Yang kasinungalingan mo? Yang mga kalokohan mo? Akala ko ba, mahal mo ako? Pero bakit?", hindi parin ako nagpatinag. Hawak ko parin ang salitang hindi na ako iiyak pa sa kanya.

Maya ay may iniabot ito. Ayoko pa sanang tanggapin pero may kung anong pwersa ang tumulak sa akin para tingnan iyon.

Isang i.d at si Louraine ang naka lagay.

Maria Louraine Agustin

Halos mapahiya ako sa mga nalaman ko.. Gusto kong himatayin at wag na munang magising. Hiyang hiya talaga ako lalo na sa sarili ko.

Wala Man Sa'yo Ang Lahat | Lesbian Story|Where stories live. Discover now