CHAPTER FORTY THREE

2.5K 35 2
                                    

"Oh,Chloe.. Why nakasimangot?", natatawang puna ni Louraine sa akin.

"Hindi naman", tanggi ko at bahagyang ngumiti.

"Well.. malapit na rin naman maluto ang dinner natin,dito na kayo kumain", ani Mama na paparating sa kinaroroonan namin.

"S-sige po, tita", sang-ayon naman nina Lance.

Wala na akong nagawa kundi samahan sila at makipag kwentohan sa mga ito.

Hindi parin maiaalis sa akin ang inis nang dahil sa nakita ko sa aking kwarto.

Nagtulong tulong kami sa pag-aayos ng mesa.
Habang nagsisimula na kaming kumain ay nagpapalitan ang tingin ko kina Lucy at Carlene.

Naiirita talaga ako sa dalawang ito. Parang mga praning. Sarap sampalin paulit-ulit.
Umirap ako. Napansin naman yata iyon ni Lucy kaya umayos ito ng upo at kumain nalang.

Napabuntong hininga ako.

May mamaya pa tayo, Lucy! Dapat mong ayusin ang kalat mo!

Matalim ko'ng tiningnan ito.

Hanggang sa matapos na kaming kumain ay hindi ako nabusog. Pa'no ba naman puro ka OA-yan lang ang senaryo sa hapag.

Ilang oras din ang pagtitimpi ko. At nang makaalis na sina Lance ay inaya ko na ang dalawa sa taas.

Taas kilay kong ihinagis sa mukha ni Lucy at kay Carlene na rin ang kumot at ilang unan.

"Kung wala kayong magandang Gawain sa pamamahay na ito, pwede na kayong umalis!", nang gigigil na sabi ko sa mga ito.

"Let me explain.. Okay,please calm down Chloe", nakikiusap na sabi ni Carlene.

Tumingin ako kay Lucy. Matalim yong tipong nakakamatay..at kung nakakamatay man, Diyos ko,patawarin nawa ako.

"Okay, magpaliwanag ka!", gigil ko paring sabi dito.

"Ganito'yan.. Akala ni Lucy nagkita tayo kanina kaya nagalit sya, tapos nagkasagutan kami kaya'yun nagwala siya",paliwanag nito. Hindi ako satisfied sa paliwanag nito kaya nagtanong pa ulit ako.

"Bakit kailangang pagbintangan ako ng ganon? At bakit kailangang ikalat lahat ng gamit ko?", hindi parin ako nagpatinag. Galit ako at gusto kong ilabas lahat ng iyon.

"Oh oww... I don't have to explain anything..", mataray na sabat naman ni Lucy. Namumuro na talaga ito sa akin.

Agad ko'ng nilapitan si Lucy at agarang hinila ang kulot nitong buhok.

"Ouch!",maarteng binabawi nito ang kanyang buhok sa pagkakahawak ko. Pero hindi ako nagpatinag.

Dahil naka lock ang pinto ng kwarto ko ay hindi maririnig sa ibaba ang boses ng sino mang nasa loob niyon.

Hindi ko pinansin ang pagmamakaawa nito na bitiwan ko ang kanyang buhok kaya naman gumanti na rin ito. Hinila nito ang hanggang bewang kong buhok at sinabunutan na rin ako.

Ubod lakas ko itong hinila at sapilitang pinahiga para mas makagalaw ako ng maayos at magantihan ko ito sa mga ginawa nito sa akin. Mula sa pagkakaroon nito ng gusto kay Carlene, sa pag agaw nito sa atensyon. At pagbabanta na isusumbong kina Mama at Papa ang relasyon namin ni Carlene. Halos lahat ng sama ng loob ko'y idinaan ko na rito.

Hanggang sa hindi na nakatiis si Carlene. Inawat kami nito at pinag hiwalay.

"Stop it!", sigaw nito sa amin.
"Kung dahil lang sa akin kaya kayo nagkakaganyan, ako na mismo ang aalis!", garalgal ang boses nito.

Napaiyak ako sa narinig ko.

Hindi!hindi maari!kung mayroon ma'ng aalis 'yon ay walang iba kundi si Lucy!!

"No!", pigil dito ni Lucy na kahit sa ganoong sitwasyon ay nakuha pang umarte.

"Aalis ako ngayon din!", walang gatol na sabi ni Carlene habang isa-isang iniipon nito ang kanyang mga gamit.

Nanlalambot ang tuhod ko sa nasaksihan ko. Gusto ko siyang pigilan pero paano? Ramdam ko ang pagsisisi sa sarili ko. Kung bakit paba ako nagpadala sa galit na nadarama ko.

Wala Man Sa'yo Ang Lahat | Lesbian Story|Where stories live. Discover now