Prologue

5.1K 131 10
                                    

Hello?"

"Oh! Ano na Xyrene Cortez? Anong oras na" rinig ko na ang asar na boses ng bestfriend kong si Freigh.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Sira ba ang orasan nila? I opened my cellphone's screen.

"6:59" nagtataka paring sagot ko.





"Eh asan ka na? Huy loka loka ka talaga. Ano na namang balak mo ha? Aabsent ka na naman noh?" Iritado nyang sabi.

"Ha? May pasok ba?" Tanong ko ng makuha ang ibig niyang sabihin.

"Anak ng! Anong klaseng tanong yan Xyrene Hara Filecio?!" Highblood na naman si manang. Tss.



"Relax Freigh. Parang di mo naman ako kilala" sagot ko habang pinagmamasdan ang litrato naming apat. 

Nakangiti si mommy habang si daddy naman ay seryoso. Ako naman ay nakangiti na parang inosente. Pinakatitigan ko ang batang babae na kamukhang kamukha ko, the young version of me. I envy this young me because that time, I was just a happy cute little kiddo who doesn't need to think such things and who doesn't have problems in life. I wanna go back when everything was just so carefree, where everything seems to be normal and happy. I wanna go back to the time when I was just crying because I got bruises from playing with another children. Tinitigan ko ang katabi kong babae. The older version of me. The girl I use to idolize when I was still in my early childhood...but now I already use to hate the most...

"Balakadyan! Kung ako sayo ay mag aayos na ako. Hay naku Rin kasisimula palang ng klase aabsent ka na?!Atsaka boring sa school kung wala ka" pagpapatuloy ni Freigh at tumawa sa huling sinabi.

Napangiti ako dahil alam kong concern talaga sa akin si Freigh.Ng mapansin niyang natahimik ako ay nagsalita ulit siya.

"Oh? Ano na naman yan? Still at it?" Tanong niya pa ng may halong simpatya.

"For how many years Freigh... sya parin ang pinagtutuunan nila ng pansin. Always." Mapait kong sabi. Napabuntong hininga naman sya. Namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko.

"Hayy... Rin naman. Ayan ka na naman sa emo mo eh. Pumasok ka na kasi para bumalik yung dating suplada. Ako ang naaawa sayo eh. Nawawala yung angas mo kapag nag eemo ka." She sighed again. "I know how you feel pero wag mo munang pagtuunan yan okey? Be positive! Siya sige na maligo ka na at pumasok " natatawa nyang sabi.

Ibinaba ko na tawag nya dahil alam kong ayaw na ayaw niyang makita o marinig ang lungkot ko. She really know how I look like when I'm in pain. Especially if talking about this.

Nilapag ko ang cellphone sa kama ko. Napatingin ulit ako sa litrato. Hinawakan ko ito at pinagmasdan mabuti. I caressed the face of my sister on that picture.

"I don't know what was with you?...Hindi ko alam kong bakit ikaw nalang palagi? Hindi ba pwedeng ako naman? Ako naman ang mahalin hangga't wala ka pa? Kahit ikaw nalang  ulit kapag bumalik ka na..." Pinahid ko ang luha kong lumandas sa aking pisngi. Hindi na naawat pa sa bigat ng nararamdaman.

I still remember how my world teared apart everytime I celebrate my birthday since I was young.

Yung mga araw na yun na palaging nagpapaalala na mag isa lang ako.

Masyado kang pabida! Ako ang bunso pero parang ako pa ang panganay na kailangang umunawa. Palagi nalang ikaw ang inaalagaan, prinoprotektahan at minamahal!

I was 9 years old when I started to think, ampon lang ba ako?

Am I just adopted? Kasi yun ang nararamdaman ko. I feel like I have no parents nor family.I feel like I don't belong here, that I'm just only a tresspasser who's trying to fit in in this family.

Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon