Chapter 41

1.5K 36 5
                                    

Author's Note:
Last 10 or 5 chapters left. Isususunod ko pong isususulat yung  which is Our yung Love Before. Please support me. Thank you. Spread the story! *Kiss*

#AnakKo

FREIGH POV

Lahat kami sa labas ng Emergency Room ay hindi mapakali. Kanina pa kami iyak ng iyak dito. Tita Sandra keeps on crying until now.

Parang wala na ring gustong lumabas na luha sa mga mata ko dahil naluwa ko na lahat kanina pa.

Si Kel ay inaalalayan ni Rica dahil kanina pa ito iyak ng iyak at di na alam kung ano ang gagawin. Yung awra niya ay parang magwawala na sa galit.

"She'll be fine babe" bulong ni Ken at hinagod ang likod ko pero hindi ito sapat.

Maging siya ay hindi kayang  pawiin ang lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Naaawa na ako sa itsura ni Jarred. Nakayuko siya at nakahawak ang dalawang kamay sa ulo habang nakaupo sa gilid.

"Iuwi niyo muna ang mga kaibigan niyo. Masiyado tayong marami dito" Sabi ni Tito Anton.

"Sige po" sabi namin. Malamang kailangan muna nilang mapag isa.

Nagpaalam na si Rica at Ken habang si Jarred ay nagpaiwan naman.

"Kita nalang tayo bukas. Kung kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako" paalam ni Jarred tsaka ako hinalikan sa noo bago umalis.

Hindi ko na sila nagawang ihatid sa labas dahil masiyadong ukupado ang utak ko para makapag isip pa ng tama.

"Iho? Hindi ka pa ba aalis?" Takang tanong ni Tito  na kagagaling lang rin sa pag iyak. Nagulat ako nang makitang nakatingin ito kay Jarred.

"I-I'm sorry Sir but... I just want to wait until she's ok" tulirong sagot ni Red.

Ang gulo ng buhok niya na parang bagong gising lang.

Isa pa to. Kaninang nalaman niya to ay kung ano ano na ang pinagbuntunan niya ng sama ng loob.

"Tito, he's the boyfriend of Rin" kahit na umiiyak ay nagawa paring mag angat ng tingin ni Tita Sandra at si Tito naman ay nagulat sa sinabi ni Kel.

Hindi ko alam kung tama bang kay Kel nila to malaman?

"Boyfriend ka ng anak ko?"namamalat na na tanong ni Tita.

Napatingin pa muna si Red kay Kel bago ito tumango.

"I don't know what to do! Hindi ko alam kung bakit nangyayari to sa pamilya ko. Did I do something wrong? Wala naman akong mabigat na ginawa para madanas ang ganitong hirap!" Tita screamed out.

"Honey..." Tito.

"Anton! Tayo ang magulang niya pero wala tayong kaalam alam! Wala tayong alam na may sakit siya! Anong klase akong ina?!" Tita.

"Hindi naman natin alam na darating tayo sa puntong to Sandra. Wag mong sisihin ang sarili mo" pang aalo ni Tito.

Nag angat ng tingin si Tita samin kaya napahakbang pa ako patalikod sa gulat. Nagiguilty ako, dahil alam ko ang totoo pero hindi ko sinabi sa kanila.

Bumabakat na ang buhok ni tita sa sintido niya dahil basang basa na to.

"Kayo? May alam ba kayo tungkol sa sakit niya? ayo ang malapit sa kaniya ng sobra, may alam ba kayo?" Tanong ni Tita saming dalawa ni Kel pero tahimik lang kami. "Kel?"

"Yes..." nanlalaki ang mga mata nilang napatingin kay Kel.

"A-alam n-niyo?!" Pigil galit na tanong ni Tita at napatayo habang nakaduro kay Kel ang kamay.

Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon