Chapter 19

1.3K 42 0
                                    

#AmaicaAndKelcie



XYRENE POV

"Ano?" Napatingin ako sa likod nila Shan dahil medyo malakas ang usapan ng limang nagchichismisan doon.


"Chismisan na naman ng mga toxic" irap ni Kel na katabi ko. Bale magkakatabi sina Shan, Ken at Jarred. Ako naman ay si Freigh at Kelcie. Wala pa kasi si Rica kaya si Kel nalang ang naupo sa upuan niya.

"Oo, siya nga. Hindi nga ako makapaniwala eh" sabi ng isa naman.

"Si Shanaiah. Yung nerd na kaklase ni Jermine? Ang tumalo sa kaniya?" Kaya naman nanliit ang mga mata kong tiningnan ang mga yun. Hindi ba nila alam na nasa likod nila ang pinagchichismisan nila?

"Oo. Eww hindi ako makapaniwala. Eh ang pangit nun!" Napayuko nalang si Shan dahil sa naririnig. Nabaling ang atensyon ko ng lumangitngit ang upuan ni Jarred. Paikot siyang tumayo at hinarap sila.


"Would you stop that rumors. Nasa likod niyo lang ang pinagchichismisan nyo. Hindi ba kayi nahihiya?" Baritono ang boses na tanong ni Jarred. Nagulat ang lima na napaangat ng tingin kay Jarred na ngayon ay nakahawak sa sandalan ng upuan nung nagsalita kanina ng pangit.

"Oh. He's so cool. Ang gwapo niya ah" papuri ni Kel na nakangisi. I never expected na sasabihin iyon ni Kelcie. She never complimented other guys exept her 'ex.

"A-ah h-hi" utal na sagot nung babae at tumayo then she expand her arm on him. Na para bang di narinig yung sinabi ni Jarred at di ito nagbitaw ng kung ano ano sa kaibigan ni Jarred"A-ako nga p-pala si Verin, Verin Mauricio" pagpapakilala nito habang nakangiti pa.

Dafuq! Kapaaaal ng mukha!

Walang ganang tiningnan ito ni Jarred atsaka binalewala ang kamay nitong nakaastang magpapakilala.

"Hindi ako nakikipagkilala sa mga matatabas ang dila" nakangising sabi ni Jarred. Nawala ang ningning at saya sa mukha nung babae. Namutla na parang nawalan ng dugo.

Napatingin ako sa nagpipigil ng tawang si Kelcie at Freigh. Pinakawalan naman ni Ken ang tawa niya kaya yung iba ay napatingin talaga. Napasimangot yung babae.

"Red tama na" pagsusumamo ni Shan na nakayuko pa rin sa kahihiyan. Tiningnan nung Verin si Shan atsaka inirapan. Mukhang hindi niya kami napapansin na kasama namin sila. Napangisi rin iyong mga kasamahan nung babae.

"Ouch! Wag kasing masyadong madaldal." Napatingin kaming lahat kay Kel sa sinabi niya. At dahil dun ay gulat na gulat na ngayon ang lima. Kilala nila si Kel. She's a legend of bully pfft. Maging ako ay natatawa sa mga iniisip ko. "Ayan tuloy,nasira ang imahe mo sa crush mo" lumabi pa si Kel na nang-aasar.

Nakita kong bumulong yung isa sa mga kasama niya at ang sumunod ay inayos na nila ang mga gamit nila. May mga nahulog pang make up things like lipstick at foundations sa baba dahil sa pagmamadali nila.

"S-sorry. Sorry talaga. Sorry!" dali dali silang nagsikuhanan ng mga gamit nila at agad umalis. Ganun nalang ba sila katakot?


"Oh my. Talagang takot sayo Kel. At talagang andaming nagkakagusto sayo dito Jarred" sabi ni Freigh.


"Woah. Ang astig. I never thought that it would be easy for you to shoo them away from just talking such a frank words" tawa ni Ken. Jarred sitted and ask Shan.


"Ok ka lang?" Shan nodded and smiled to Jarred to assure him that she's ok.

Kumibot ang labi ko.

Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon