Chapter 12

1.4K 45 1
                                    

#PermanentFriends?

XYRENE POV

Napamulat ako dahil sa uni ng ibon. A bird is singing on a tree infront of the veranda.

Kinusot ko ang mata ko atsaka humikab. Naupo ako sa kama.

Parang pagod ako. Marahil ay dahilan ito ng paglalaro namin kahapon. Ahh sila lang pala.

Pumunta muna ako sa banyo para makapag toothbrush at makapag hilamos.

"Mam?"

Napatigil ako sa pagpupunas ng mukha ko dahil sa katok mula sa pinto. At dahil medyo maganda naman ang gising ko ay binuksan ko iyon. Mukha ng mala jollibee na Minang ang sumalubong sa akin.

"Why?" Diretsahang tanong ko.

"Mam nandyan po ang mommy at---"

"Then?" Pangpuputol ko sa sinasabi niya.

"Maligo na daw po kayo at sumabay sa kanila sa hapag" sagot niya.

"Tell them I'm not hungry" sabi ko at pagsasarhan na sana sya ng pinto.

"Sandali Mam. Eh kasi po sabi nila pababahin ko raw po kayo" pamimigil nya pa sa aking pumasok.

"I'm not hungry! Will I repeat it? I-AM-NOT-HUNGRY!" pag lilinaw ko sa sinabi ko.

Hindi ba makaintindi itong kasambahay na ito? Hindi pa ba talaga bumabalik si yaya Tilda?

"Xyrene! Is that how you treated the other housekeeper?" Napatulala ako kay Minang dahil sa boses na nagmumula sa kaliwa niya. Napayuko at napaatras si Minang.

Nandito pala ang may-ari ng bahay. Tsk. Himala yatang kumain sila rito. Napabuntong hininga nalang ako at binuksan ang pinto at humarap sa kanya.

"Then what? How can you say that I'm treating them harshly? Ngayong palagi naman kayong wala dito?" Sagot ko kay mommy.

"Then why are you shouting on her?" Pang aalaska nya pa sa akin.

"I'm not shouting on her" pang dedepensa ko.

Totoo naman ah. Di ko sya sinisigawan. Mali lang sa pandinig niya yun.

"Never mind. Sumabay ka na sa amin ng daddy mo. May pupuntahan tayo" sabi ni mommy at wala nga akong nagawa. Dahil ngayon lang siya mag aayang lumabas kami.

Kahit katiting lang na pagpansin nila ay ok na sa akin. Tutal sanay naman na sila sa kamalditahan ko.

Bumaba na sila at ako naman ay nagpalit na.

"Mabuti naman at sumabay ka sa amin Rin" sabi ni daddy habang kumakain.

"Yeah" walang ganang sabi ko at nagtuloy nalang sa pagkain. Nakakawalang ganang kumain.

"This past few days, kalimitan nalang kayong mag-away ni Amaica. Natauhan ka na ba Xyrene?" Pangungusisa ni mommy.

Tumingin ako sa kanya.

"Well, nag-away kami kahapon. And I must say na nanalo ako" pag mamalaki ko pa kay mommy.

Alam kong aasarin niya ako sa kawalang hiya ko.

"And you're proud of it? Are you out of your mind Rin? Ipinagmamalaki mo pang nag away kayo ng pinsan mo? At sasabihin mo pang nanalo ka?" Di makapaniwalang sabi ni mommy. Ngayon ay binitawan na niya ang kubyertos na hawak niya at tumingin sa akin.

"I'm just telling the truth mom" sabi ko pa. Diniinan ko pa ang pagkakasabi ko sa MOM.

"Xyrene!" Panunuway ni Daddy.

Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon