6.

1.5K 49 3
                                    

Isang kembot nalang at matatapos na rin ang pinagpaguran niya.Matatapos na siya sa kursong business management.Pagkatapos ng matindi tinding pagsusunog ng kilay at balahibo sa katawan ay makakapagtapos narin siya sa wakas.Siyempre pa'y alay niya ito sa magulang kapatid kaibigan at higit sa lahat sa lalaking sinisinta.
Wala paring nagbabago.Patay na patay parin siya sa lalaki kahit inapak apakan,tinadyak tadyakan,niyurak yurakan,Minartilyo't minartilyo,sinilabsilab-Hay nako!Basta!Lalo niya itong minahal.Baliw na siya kung baliw.
Baliw siyang nagmamahal rito.

"Best anong plano mo kapag nakatapos kana?"Tanong niya sa kaibigan.

"Gusto mo talagang malaman?"

Napatango siya.

"Gusto kong magpunta ng maynila at doon magtrabaho."

"Nasisiraan kana!Paano na si Tito Luis?"

"Hindi naman ako sa ibang bansa magtatrabaho sa Maynila lang.Para naman maiba ang ambiance.Ayoko na rito sa atin parang nagsasawa na ako."

"So ibig mong sabihin nagsasawa kana sa akin?Paano na ako?"

"Para kang sira.E di sumama ka sa akin doon.Mag s stay tayo sa isa sa condominium ko doon."

"Kung ako lang ang masusunod bakit hindi?Kaso ayaw kong iwan ang mga inay."

"Saka na natin isipin yan kapag nakapagtapos na tayo."

Napatango siya ng malungkot.Ito na nga lang ang kaibigan niya'y iiwan pa siya nito?Pero hindi naman siya ganoon ka makasarili.Panahon na para tumayo na siya sa sarili niyang mga paa.At pabayaan naman ito sa sarili nitong desisyon.

Ang bulaklak na isinabit niya sa pintuan ng lalaki'y mas espesyal ngayon dahil sinamahan niya iyon ng sulat.
Ibinalita niya rito na gagraduate na siya.Di tulad nito na mag mamasteral pa yata dahil ang alam niya'y abogasya ang kinukuha nito.

...

Napakasaya niya ngayong araw siyempre pa'y ang kanyang mga magulang higit sa lahat.Nagyakapan silang mag bestfriend at imbes na ipaghanda siya ulit ng magulang ay pinigil niya iyon upang hindi narin gumasta ang mga ito.Araw kasi iyon ng graduation niya.
Itinreat siya ng kaibigan at magkasabay silang lumabas upang mag celebrate.

Isinuot niya ang regalo nitong itim na bestidang pagkaganda ganda sa kanya.Hanggang tuhod naman iyon at puro laces ang ibaba.Ang ibabaw ay ganoon rin ngunit disente namang tignan.Pinartneran niya lang iyon ng itim ding flats.Hindi niya na kasi kailangan noon dahil matangkad naman siya.

Pagpasok nila ay dinig na dinig ang hiyawan sa loob at lakas ng musikang nakakaindak.
Ginanahan silang dalawa sa at iginiya sila ng waiter sa bakanteng mesa.Umorder na sila at ang kaibigan ang namili.

"Oy wala tayong rice ngayon ha! Puro pulutang light lang ang oorderin natin.Baka malasing tayo ay hindi pwedeng kumain ng marami."

Nagpapaalala nitong sabi sa kanya na tinanguhan naman niya.

Nang nakalagok na sila ng kaunti'y sumayaw na sila sa gitna.Nag alugan ang mga pata at bilbilation niya.Wala siyang pakielam sa paligid.Ang tanging naririnig niya ay ang musikang pinatutugtog ng D.J.
Lalo na ng patugtugin ang paborito niyang Albatros.Tawa ng tawa ang kaibigan sa kanya dahil sa step niya.
Sinulit nila ang gabing iyon at enjoy to max sila,lalo na siya.

Hinatid niya ang kaibigan sa bahay dahil ito yata ang nalasing.Inalalayan niya iyon hanggang kwarto at pinunasan ng basang bimpo.Pinalitan niya narin ito ng damit.Laglag ang tuka nito sama pa pati palong.Ang yabang yabang magsabi na huwag daw silang magpakalasing,e heto at mapula pa sa letchon.
Tinignan niya ang oras.Mag aalas dose palang pala.
Biglang nangati ang paa niya.
Gising pa kaya ito?Hindi siya ngayon nakapunta sa bahay nito dahil tiniis niya upang makapag celebrate sila ng kaibigan.

Ang akala niya ay kaya niyang makatiis kahit isang araw lang.
Para siyang baliw na tumatawa habang nakatayo sa tapat ng bahay nito.Mukhang ngayon lang yata siya medyo tinamaan ah?

"Kamusta kana?Namiss mo ba ako?Ikaw miss na miss ko na.Alam mo bang ikamamatay ko kapag nawala ka sa buhay ko?Noong una palang kitang makita'y alam kong mahal na kaagad kita.Bago pa sila ako muna!Alam mo ba iyon?Gustong gusto kong nakikita ang mga ngiti mong hindi pala para sa akin.Pero ayos lang atleast noong una palang ay naging honest kana sa akin.Ok lang sa akin na makita ka kahit sa malayo.Ang malaman mo na mahal kita.Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka kaya nagpapasalamat ako na kahit papano'y pumayag kang mahalin kita.Ito kasing makulit kong puso ang may kasalanan ng lahat eh.Itong bwisit na puso na 'to alam mo ba iyon?"
Napalakas na sabi niya sa nakasaradong pinto nito.

"Hoy! Kanina kapa maingay nakakabulahaw kana ah?"

Nabigla siya sa biglang pagbukas ng pinto nito.
Namumungay ang mga mata nitong nakatingin at naiinis sa kanya.Naka boxer short lang ito at nakahubad pang itaas.Gulo gulo rin ang buhok nito.Kitang kita niya ang maputi at malapad na katawan ng lalaking umiilaw sa liwanag ng buwan.Napanganga siya.

"Nandiyan ka na naman?Kailan kaba titigil?Naiinis na ko sa iyo ah?"

"So-Sorry!Mahal kasi kita eh"Sabay ngumuyngoy na siya ng malakas.

"O siya siya sige!Tara!halika na rito at laman tiyan ka din."

Sa kabiglaan niya'y hinatak siya nito papasok.

Nagtatalo ang tingin niya rito at sa loob ng bahay nito.Maganda pala ito sa loob.Ilan lang ang bukas na ilaw kaya medyo madilim sa loob.
Hindi niya alintana ang paghila nito sa kanya dahil narin nalula siya sa mga kagamitan sa loob.Mataas din ang hagdang binabagtas nila.

Ipinasok siya sa kwarto nito at lumamig ang buong paligid.
Itinulak siya nito sa ibabaw ng kama at nagulat siya dahil nawalan talaga siya ng balanse.Sumasakit na hinimas himas niya ang likod na nasaktan.

"Teka! Teka muna!teka lang!"Iyon ang nasabi niya ng walang ano ano'y hinubad nito ang boxer na suot.At napatili siya sa nakita.Nahintakutan siya sa sobrang kabiglaan.Hindi ganito ang inaasahan niya.Hindi niya namalayan na aabot sa ganito ang lahat.

"Pagbibigyan na kita sa matagal mo ng gusto."Kasabay noon ay dinaganan na siya nito at noon niya nalamang nakainom nga ito.

Pinilit niyang bumangon pero lalaki parin ito at siya'y mataba.
Nang halikan siya nito sa labi'y tuluyan ng bumigay ang pagkatao niya.Hindi na gumana ang isip niya.Sumarado na ng tuluyan ang utak niya.Lunod na lunod siya sa malambot na labi nito at maskuladong katawan.
Para siyang nananaginip at ng mahubad na nito ng tuluyan ang lahat sa kanya ay maligaya siyang nagpaubaya.

Sa wakas ay naranasan narin niya kung paano mayakap at mahalikan ng lalaki.Hindi lang iyon,higit pa sa lahat ng inaasahan niya.
Nakatulog siyang may mga ngiti sa labi.

Upang magising lang sa sabunot at tadyak.Naalimpungatan siya sa pagibik at pagwawala ng babaeng ngayon ay awat awat na ng lalaking kaulayaw niya sa magdamag.Ibinaba na ito ni Harold upang makapagbihis na siya.
Itinapi na niya ang comforter sa buo niyang katawan upang pulutin ang  kanyang pinaghubaran sa lapag.Napasulyap pa siya sa ibabaw ng kama na kung saan ay bakas pa ang kanyang kainosentihan.Kagabi.

Saktong nakapagbihis na siya ng maabutan siya ni Harold.Inihagis naman niya bigla ang comforter sa ibabaw ng kama nito upang takpan ang kahihiyan niya roon.

"Huwag ka munang aalis at mag uusap muna tayo."Sabi nito sa kanya na bakas ang malaking galit sa mukha.Noon niya lang nakitaan ng ganoong galit ang lalaki at nanlulumo siyang napaupo.

Mula sa baba'y dinig niya pa ang pag uusap ng mga ito.

"Ang kapal ng babaeng balyena na iyon hindi na talaga nahiya!Ang akala ko ba'y hindi mo papatulan ang pagiging baliw non?Tapos ngayon ay-"

"Shut up! Huwag kang mag eskandalo sa pamamahay ko! Wala ni isa man sa inyo ang may karapatan sa akin.At wala akong dapat ipaliwanag kung sino ang ikakama ko o hindi!"Malakas na ang boses ni Harold ng dumaan siya sa mga ito.

Sa sobrang tensiyon ay hindi na namalayan ng mga ito na nakalabas na siya.

Hiyang hiya siya sa sarili niya habang kipit kipit ang sarili.

Kanina pa siya tinatanong ng kaibigan kung ano ang nangyari sa kanya.Ngunit umiyak lang siya ng umiyak rito at wala itong nagawa kundi yakapin siya.







SLEEPIG BEAUTY(Unrequited Love)Where stories live. Discover now