14.

1.6K 42 4
                                    

"Why did you bring me here?"

"Ano sa palagay mo."

"Hindi ko alam."

"Hulaan mo."

"Wala akong panahon sa mga ganitong usapan."

"Naalala mo pa noon?Madalas kang nasa labas ng bahay ko.Araw araw nagsasabit ng mga bulaklak sa pinto."

"Nakalipas na iyon,huwag na nating pag usapan pa."

"Ang hindi mo lang alam noon ay araw araw kitang sinisilip."

Natahimik siya sa mga sinasabi nito.Ano ba ito nangungumpisal?

"Ayoko sanang humantong doon ang lahat pero makulit ka.Kahit pa itinataboy kita'y ayaw mong bumitaw."

"Kung ipaaalala mo lang sa akin ang mga kagagahan ko noon ay mabuti pang umalis na ako."

"Stay!"

Natigil siya sa tangkang pagtayo dahil sa lakas ng pagkakasigaw nito niyon.

Unti unti itong lumapit sa kinauupuan niya at awtomatikong napaurong siya.
Ibinigay nito sa kanya ang isang basong alak na tinanggihan niya ngunit ipinilit nito.
Kaya wala siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon.

"Ano ba talaga ang gusto mo?Bakit mo pa ako ginugulo?"

"Ikaw."
Mahina iyon ngunit hindi siya bingi.

"What?"

"Ikaw ang gusto ko."

"Nagbibiro kaba?"

"Kailan ba ako nagbiro?"
Ngisi nito sa kanya.

"Gusto mong marinig ang totoo?Ok,makinig ka.Ayoko!Ayoko na sa iyo!."

"Sino ang aayaw sakin?"
Galit na sabi nito at hinawakan na siya sa braso.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita at tumitig rito.
"Ang nangyari dati'y wala ng karugtong.Kung ano man ang pinaplano mo'y huwag mo ng ituloy.Sinayang mo lang ang panahon ko.Napagod ako dahil narin sa kagagawan mo.Ngayon mo mararamdaman kung paanong magmahal ng walang inaasahang kapalit.I'm sorry but I have to go now."
Sinamantala niya ang sandaling iyon upang ipiksi ang kamay at sinabayan niya ng nagmamadaling hakbang.

"Sinong may sabi sa iyong mahal kita?"
Iyon ang nagpahinto sa kanya at nang gigigil na nagtatakang nilingon niya ito.

"What I want is for you to be mine again."

"Your'e
sick!"

Sa sinabing iyon ay nakita niyang humakbang itong palapit sa kanya.At tawag ng takot ay nanakbo siya at natarantang binuksan ang pinto.Laking pasalamat niya ng malamang bukas iyon.At tumakbo siya habang may lupa.
Pakiramdam niya'y may sariling pakpak ang mga paa.
Walang lingon likod dahil baka pag nakita niyang hinahabol siya nito ay manghina siyang lalo.
Nang tiyak niyang mauubusan na siya ng hangin at ng makalayo'y saka siya nagpasyang tumigil.Hingal kabayo siya at ngayon niya lang naramdaman ang muling pagdaloy ng dugo niya sa buong katawan.

Habang tinatanaw ang babaeng tumatakas ay natatawa siya.
Wala naman siyang planong takutin ito pero hindi niya mapigil ang sarili.Gustong gusto ng katawan niya ang nakikitang natatakot ito sa kanya.Hindi nito magamit ang tapang nito kapag siya na ang kaharap.
Hindi niya alam kung bakit ito nagkakaganoon sa kanya samantalang walang tatanggi sa isang katulad niya at alam nito iyon.
Totoo nga kaya ang sinasabi ng babaeng nakalimutan na siya nito?
Who cares?Mas exciting ang ganitong laban.Mas naging hamon ito sa kanya ngayon kaysa noon.Wala kasing thrill dati.Iiling iling siyang napatingin sa hindi nito nainom na alak na binigay niya.

SLEEPIG BEAUTY(Unrequited Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon