23.

1.5K 45 5
                                    


"Walang kasalanan ang tatay ko at hindi niya sinasadya."Galit na sabi niya kay Harold na naroon na  at tila galit na galit rin.

Narito ngayon sila at nakaupo upang mag usap.
Hinila kasi kaagad siya nito sa braso ng walang salita kanikanina lang.

"Anak ko iyan."Sa halip ay sinabi nito iyon sa kanyang anak. Matakot man siya ay huli na, kilala nito ang bata sa unang tingin palang.

Nagkabikig ang lalamunan niya sa sinabi nito.
Napahigpit ang yakap niya sa papatulog na ngayong anak na hihikabhikab.
Nang sulyapan niya ang lalaki'y salo salong emosyon ang nakita niya sa mukha nito at galit ng sa kanya na nakatingin.

"Marami kang ipaliliwanag sa akin."

"Ang itay."Hindi siya nakatuon sa mga sinasabi nito kung hindi sa nangyayari ngayon sa kanyang ama. Ngunit parang ganito rin ito, walang pakielam sa mga nangyayari kung hindi sa kanilang dalawa lang ng bata.

"Hawak ko ngayon ang bukas Babe."

"Maawa ka sa kanya."

"Depende iyan sa iyo.Nakasalalay iyan sa magiging desisyon mo."

"Wala siyang kasalanan."

"Iyon naman pala e.E di lumaban kayo.Ikuha niyo ng pinakamagaling na abogado."

"May asawa nako."

"Ano ngayon?!"

Kitang kita niya ang pag aapoy ng mga mata nito ng sabihin niya iyon.

"Huwag mong gawin sa akin ito.Sa amin ng anak mo."

Napatawa ito ng nakakainsulto.
"Now you're talking shit!Hindi ikaw ang magpapasya niyan."

"Ako.Dahil ako ang mas may karapatan ngayon dahil bata pa siya.Alam ko ang batas."

Nagpalatak ito.
"Bullshit!."

"Kung ano ang maiisipan mong hindi maganda at makakaapekto sa bata."

"Now you're using my son to me."

"Oo."

"What a pussy!"

"Huwag kang bastos!"

Tatawa tawa parin ito.

"O!Narito na pala ang mahilig sa secondhand!"

Ang tinutukoy ni Harold ay ang asawang kararating palang.

"Ano ang ginagawa mo kay Blessie?"
Pambungad na tanong nito at kinarga ang anak niya.

"Wala pa."
Nang iinsultong sabi ni Harold dito at napasulyap sa ginawang pag bitbit ng kanyang asawa  sa anak niya.

"Tumigil kana.Mag asawa na kami."Ang tinig na halos pasigaw ng kanyang asawa na tila nagpipigil parin.

"E iyon naman pala eh.Bakit parang nahihimigan kong natatakot ka?Ha!Bastardo?"

"Tumigil ka!"

"You shut up!Anak ko iyang hawak mo at wala ka ni isa mang katiting na karapatan sa kanya."

"Anak ko na siya."

"Aww come on! Ano naman ang naisipan mo at sinalo mo ang bagay na akin?"

"Mahal ko si Blessie at mahal ko ang bata,sa palagay ko'y sapat na iyon.Ikaw?Marunong kabang magmahal?"

"Kayo muna ng ina mo ang sumagot niyan."
Sabay sulyap nito sa babaeng naka upo sa sulok na nagmamasid lang sa mga nangyayari na walang dilit iba kund ang ina nito mismo.

"Ewan ko sa iyo.Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang utak."Sabi parin ng kanyang asawa rito.

"Ibabalik mo sa akin ang mag ina ko,kung hindi'y magkakasubukan tayo."

SLEEPIG BEAUTY(Unrequited Love)Where stories live. Discover now