Page 3

29 7 10
                                    

"Appy Malen-ayns Ay Ma at Pa," bati ni Valerian

 ng makarating sa kanyang pwesto ang kanyang mga magulang. 

"Ay lam myo," dagdag pa nito habang hinalikan sa pisngi ang mga ito.

 "Ehem!" Biglang tumikhim ang kanyang Ate Mae. 

Nakalimutan niyang kasama pala nila ang kanyang dalawang ate. 

"Ang sweet mo masyado, ayiehhhhhh" 

Komento nito habang inakbayan siya. 

Nagsimula na silang maglakad.

 "Oh siya, saan mo ba kami balak dalhin anak? 

Sisiguraduhin mong mabubusog kami niyan ha," sabi

 ng kanilang Mama Flor habang tatawa tawa. 

"Huwag kayong mag-alala Ma, dahil Valentines Day ngayon...

akong bahala sa inyo.,"sagot naman ng kanyang Ate Mae 

sa tanong ng kanyang ina habang kumindat kindat pa ito sa kanila. 

Huminto ang kanilang paglalakad ng nasa harap nila 

ang isang itim na kotse. "Oh? Ano pang hinihintay ninyo? Sakay na! "

 Napalingon lahat sa kanyang Ate Mae.

 Parehong pareho ang katanungang rumirehistro sa kanilang isipan.

 "Sa iyo ito ate?," tanong ni Hannah, ang isa pa niyang Ate. 

"Oo, sa awa ng diyos ay nakabili na rin ako sa wakas ng sasakyan. 

Kaya tayo na at mamaya ko na ipaliwanag ang lahat. 

Baka abutin pa tayo ng gabi sa ating gala gala ngayon,"

paliwanag nito habang nakapameywang na nakangiti.

My Ngongo Girl (ONE SHOT STORY ) CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora