Page 4

27 6 10
                                    

Una nilang ginawa sa umaga ay binigyan sila ng kanyang 

Ate Mae ng total package make-over mula sa isang sikat na parlor. 

Nagpamassage silang pamilya, nagpahot oil,

 nagpanew hairstyle at iba pa. 

Pagkatapos nun ay binilhan sila ng mga bagong damit at kumain. 

Pagkahapon naman ay namasyal sila sa mall.

 Nung sa mall na ay nakiusap si Valerian sa kanyang ate at 

mga magulang na humiwalay sandali dahil may

 titingnan muna siya sa isang bookstore. 

Pinayagan naman siya at tumuloy na.

Umakyat si Valerian sa second floor dahil nandun naman ang

 bookstore na sinasabi niya. Ng makarating sa pintuan

 nito ay biglang may nakabunggo siyang lalaki na nakahood.

 Palabas na ang lalaki samantalang papasok pa lamang

 siya sa loob. Hindi niya mamukhaan dahil nakatungo ito. 

"Hmmmm...weird," nasabi na lamang niya sa sarili. 

Pumunta na siya sa pwesto kung saan nakahilera ang mga

 aklat ng paborito niyang may akda. Nasa book four

 na siya ng isang English novel series at iyon ay ang "Left Behind" series.

 Pero napahimutok siya ng makita na wala pa rin 

ang book four sa series na iyon.

 "Aainis aman!" 

Lumabas na siya sa bookstore na iyon at naisipang bumalik na

 lamang sa kanyang pamilya. 

Papaliko na siya sa isang kanto ng apparel store ng

 biglang may humila sa kanya sa gilid.

My Ngongo Girl (ONE SHOT STORY ) CompletedWhere stories live. Discover now